Chapter 9

2516 Words

"KUMUSTA naman ang buhay n'yo sa Maynila? Si Salud at ang mga kapatid mo, kumusta naman?" patuloy na pangungumusta ni Mama Luisa sa nakababatang kapatid nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matapos-tapos ang kumustahan nina Jheann at pamilya ni Kuya Alex. Hindi maawat-awat ang pagka-miss nila sa isa't isa. "Ayun po. Sobrang kulit pa rin ni Mama. Sinasabihan na nga namin na 'wag na siyang magtinda sa bangketa. Pero ayaw pa rin pong tumigil," nangingiting pagkukuwento ni Jheann. "Kaya lagi silang nag-aaway na tatlo nina Ate Mafe at Ate Melai, eh. Gano'n din po kami ni Ate Jenny. Ang dahilan niya kasi, magkakasakit daw po siya kapag wala siyang ginagawa." Natawa sina Mama Luisa at Papa Dante. "Gano'n talaga kapag tumatanda na. Ayaw nang tumambay. Kaya intindihin n'yo na lang ang mama n'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD