PAGKATAPOS maligo ay inihanda na ni Jheann ang kaniyang mga gamit. Inihiwalay niya ang mga paninda niya na kung ano-ano. Para kapag may makita siyang targer customer ay mabilis niyang maaalok. Sexy shorts at crop top blouse lang ang isinuot niya pero nag-heels pa rin siya. Namutiktik na naman sa gold plated na mga alahas ang kaniyang katawan. Nang matapos sa pagliligpit ay lalabas na sana si Jheann na dala-dala ang kaniyang notebook para papirmahan kay Jared ang mga babayaran mula sa pagpapatulog nito sa kaniya, pagkain, at kung ano-ano pa. Masiyado iyong marami kaya hindi papayag ang dalaga na hindi iyon mabayaran ng kaniyang future husband. Aktong hahawakan na ni Jheann ang doorknob nang bigla iyong bumukas. Tinamaan siya sa noo at napaupo sa sahig. "Aray!" tili niy