EXCITED na bumalik sa supermarket si Jared na dala-dala ang isang boquet ng kulay-pula na mga rosas. Hindi totoong may kausap siya sa cellphone. Ang totoo niyan, lumabas talaga siya para bumili niyon. Ngayong araw kasi ang ikaisang buwan simula nang maging opisyal ang relasyon nila ni Jheann. Hindi man naalala ng dalaga pero hindi iyon ikinasama ng loob ni Jared. Hindi siya ang tipo ng nobyo na hindi lang maalalang batiin ng nobya sa araw ng monthsary o anniversary ay nagtatampo agad o sumasama ang loob. Mas gusto ni Jared na siya ang nagsosorpresa kapag ganoong okasyon. Kaysa siya ang sinosorpresa. Masaya at kontento na siya sa nangyari sa kanila ni Jheann sa ladies' room kanina. Ang pagpapaubayang iyon ng dalaga ay sapat ng patunay na talagang mahal siya nito. Gusto sana ni Jared na