Chapter 52

1555 Words

"SORRY kung hindi ako lumabas noon para ipagtanggol ka laban kay Mama," malungkot na sabi ni Jheann kay Jared habang magkatabi pa rin silang nakahiga sa kama niya. "Nakita ko lahat ng nangyari pero wala akong magawa para pigilan siya kasi ipinosas niya ako--" "Ipinosas ka niya?!" Awtomatikong tumikom ang bibig ni Jheann nang marinig ang mga sinabi niya. Hindi niya gustong ipaalam kay Jared ang ginawa ng kaniyang ina-inahan. Dahil ayaw niyang magalit ito. Ngunit huli na dahil narinig na siya nito. At hindi na niya iyon mababawi pa. "Mahal," untag sa kaniya ng nobyo. Tumagilid ito ng higa paharap sa kaniya. "Totoo ba ang narinig ko? Ipinosas ka ng Mama Salud mo?" Kahit naman bawiin niya ang sinabi niya ay batid ni Jheann na hindi maniniwala ang kaniyang nobyo. Kaya kahit ayaw man niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD