KANINA pa nangangawit ang mga paa ni Jheann sa pabalik-balik sa pintuan para sumilip kung may tao pa ba sa sala o wala na. Pero hanggang ngayon ay naroon pa rin ang mga ate niya. Nag-iinuman ang mga ito habang nanonood ng television. Si Mama Salud naman ay mukhang tulog na at hindi na niya naririnig na naglilitanya. Samantalang si Angel naman ay naroon pa rin sa pajama party, kasama ang mga kaibigan. Si Bim-bim ay mukhang tulog na rin dahil kanina pa ito inaabangan ni Jheann na bumalik sa kuwarto niya pero hindi na nagparamdam. Bagaman at nagtataka siya dahil hindi nakakatulog ang kapatid na hindi nagsasabi sa kaniya. Lalo pa ngayon na alam nitong kailangan niya ang tulong nito. "Hindi ko alam. Pero parang nananadya sina Ate," frustrated na sumbong niya kay Jared nang bumalik siya sa ka