"Ano ang ginagawa ng lalaking 'yan dito, ha?" halos dumagundong sa buong Sala ang boses ni Mama Salud pagkatapos nitong lumabas ng kuwarto ni Jheann at hinayaan silang makapagbihis ni Jared. Agad naman silang sumunod na magka-holding hands. Ang higpit ng hawak ni Jared sa kamay niya na para bang sinasabing hindi siya nito pababayaan. "Ano ang ginagawa mo rito?" galit na tanong din ni Mama Salud kay Jared, halata ang pagkadisgusto sa mata. "Puwede kitang kasuhan ng trespassing dahil sa panghimasok mo sa pamamahay ko." Pulang-pula na sa galit ang mukha ni Mama Salud. Ang mga ate naman ni Jheann, lalo na si Ate Melai ay matalim ang tingin sa kanilang dalawa ni Jared. Samantalang si Bim-bim naman ay umiiyak at nakasiksik lang sa isang tabi. Mukhang alam na ni Jheann kung paano sila nahuli