Dalawang araw na lang ay kasal na ni Kuya Alex. Abalang-abala ang lahat sa paghahanda at paglilinis. Sa simbaban iyon gaganapin pero sa bahay lang ang reception. "Gagawa na lang tayo ng mga lamesang kawayan para hindi na tayo uupa pa," suhestiyon ni Papa Dante habang nagpaplano sila kung paano ang magiging ayos ng bakuran. "Puwede naman, Pa. Ako na lang ang gagawa," wika ni Kuya Alex. "'Wag na. Ako na. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo. Maudlot pa ang kasal." "Oo nga naman, Kuya Alex. Baka mamaya, mapukpok mo pa iyang ring finger mo. Tapos mababaog at mamamatay," sabat naman ni Jheann. "Mabibiyuda nang maaga ang daliri ni Ate Karen." Pinandilatan siya nito ng mga mata kaya itinikom niya ang bibig. "Tama, Anak. Magpahinga ka na lang. Kami na ang bahala," saad naman ni Mama Luisa. Bi