NAKAHINGA nang maluwag si Jheann nang makasakay agad siya ng jeepney kahit sobrang dami ng pasahero. Sinikap talaga niyang makipagbalyahan at makipagsiksikan para lang makaiwas kay Jared. Natakot kasi siya na baka hanggang ngayon ay sinusundan pa rin siya ng binata. Pangalawa sa dulo ng jeepney nakahanap ng puwesto si Jheann. Sa mismong dulo niyon ay may nakaupong lalaki na hindi niya pinagkaabalahang tingnan. Nakita lang niya sa gilid ng mga mata niya na nakasuot ito ng sombrero at jacket. Dahil sobrang siksikan kaya dikit na dikit na sila sa isa't isa. Bahagya pa siyang nagulat nang magdikit ang kanilang mga siko at tila nakuryente siya. Subalit dinedma iyon ni Jheann. Pati na rin ang pamilyar na amoy na nalalanghap niya. Abala kasi ang kaniyang isip, at mga mata sa pagsilip sa bintan