TINUPAD ni Jheann ang pangako niya sa sarili na alisin na sa sistema niya si Jared at mag-focus na lang kay Bernard. Tamang-tama dahil mukhang busy rin naman ito kay Alicia kaya ilang araw nang hindi nagpapakita sa kaniya. Wala naman siyang masagap na balita tungkol dito dahil hindi pa nakakauwi si Kuya Alex mula sa honeymoon. At kung uuwi man ay sa bagong bahay na nito at ni Karen. Bago natulog nang gabing iyon ay pinag-isipan nang mabuti ni Jheann kung paano ang mapalapit kay Bernard. Hindi naman niya alam kung saan ito pupuntahan o kung ano ang pinagkakaabalahan nito sa buhay. Ang alam lang ng dalaga ay isa nang milyonaryong negosyante ang lalaki. Ni wala siyang ideya kung saan ito nakatira. Kahit kasi milyonaryo si Bernard ay napaka-private ng buhay nito at bihirang-bihira ang pagka