Chapter 37

2104 Words

Napatigil sa pagpasok sa kuwarto niya si Jheann nang may malakas na kamay ang humawak sa braso niya. Nang lumingon siya ay nakita niya ang madilim na mukha ni Jared. Itutulak sana niya ito palabas nang bigla nitong isara ang pinto at ini-lock iyon. Napalunok siya dahil sa tindi ng mga titig nito sa kaniya habang itinutulak siya palapit sa kama. Kumabog nang husto ang puso niya nang maramdaman niyang bumunggo ang kaniyang hita sa gilid ng kama. "Ano na naman ba ang problema--" bago pa man matapos ni Jheann ang sasabihin niya ay mabilis nitong hinila ang kaniyang batok at saka mariing sinunggaban ang mga labi niya. Napaungol pa siya sa sobrang pagkabigla. lsang mapanukso at maalab na halik ang ipinagkaloob nito sa kaniya. She tried to pushed him away but his grip on her nape was to tight

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD