Chapter 38

2431 Words

Hindi alam ni Jheann kung gaano siya katagal naghintay sa pagbabalik ni Jared. Sa sobrang tagal ay nakatulog ang dalaga. At nang magising siya ng madaling araw ay wala pa rin ito. Napasimangot si Jheann. Baka sa cottage ito natulog at kalampungan si Anastasia. May pa-tapat-tapat pa siyang nalalaman. May gusto raw sa'kin pero sa ibang kandungan naman natulog. Buladas talaga ang hudyo! inis niyang hiyaw sa isip. Naiinis na nagtalukbong ng kumot si Jheann. Matutulog na lang sana siya ulit pero hindi siya mapakali hangga't hindi niya napatunayan kung umuwi nga ba si Jared sa cottage nito. May kakaiba kasi siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Mayamaya ay tumayo ang dalaga at lumabas ng kuwarto para hanapin si Jared o kaya ay puntahan ito sa cottage. Magdadahilan na lang siya k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD