Chapter 32

3236 Words

HINDI pa man gaanong sumisikat ang araw kinabukasan ay nagising na si Jheann. Napakaelegante at napakaganda ng kuwartong pinagtulugan niya pero hindi siya nakatulog nang maayos. Bukod sa namamahay siya ay may nami-miss siyang tao na ilang araw na niyang nakasanayan katabi sa pagtulog. Parang wala sa sariling napatingin si Jheann sa laruang singsing na nasa daliri niya. She smiled dahil hanggang ngayon pala ay suot-suot pa rin niya iyon. Nakita kaya iyon ni Bernard? Akmang huhubarin iyon ng dalaga sa pag-aalang pagtawanan o pag-isipan siya ni Bernard na kasal na siya sa iba. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit parang may pumipigil sa kaniya na hubarin iyon. Kapagdaka ay napasilip si Jheann sa bintana na bahagyang nakabukas nang may maulinigan siyang tila nagtatalong boses sa la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD