"MAGLULUTO ka, A?" tanong ni Jheann nang makita niya itong may kinukuha sa freezer. Siya naman ay pumasok sa kitchen para mag-isip ng puwedeng lutuin na magugustuhan ni Bernard. Ang alam kasi ng dalaga, si A ang tagaluto dahil walang katulong sa bahay na iyon. Nakapagtataka nga, eh. Ang yaman-yaman ni Bernard pero kahit isang kasambahay ay wala. "Oo. Mag-aalas onse na, eh," sagot ni A at sinulyapan siya. "Marunong ka bang magluto?" "Oo naman. Hindi naman ako anak-mayaman. Katunayan, batang-kalye ako dati. Inampon lang ako ni Mama Salud." "Talaga?" hindi makapaniwala pero interesadong tanong ni A. "Parehas pala tayo. Simula nang maulila sa mga magulang ay sa kalye na rin ako tumira." Gulat na namilog ang mga mata ni Jheann. "Totoo?! Puwera biro?" Tumatawang tumango si A. "Mukha ba ak