NATIGILAN si Jheann pagpasok ng dining room nang makita si Bernard na nakaupo sa kabisera ng lamesa. Kaharap nito ang maraming pagkain na animo'y may fiesta sa sobrang dami. Pero bakit parang ang laki pa rin ng problema nito sa mundo? "What are you still standing there?" Bernard asked in a cold voice. Napakislot naman si Jheann sabay tingin sa likod niya. Wala ibang tao roon maliban sa poste. "A-ako ba ang tinatanong mo?" aniya kay Bernard nang humarap uli siya rito. Nagsalubong lalo ang mga kilay nito. "Hindi. 'Yong poste sa likod mo." Napakamot sa ulo si Jheann at naglakad palapit sa lamesa. "Pati ba naman ang poste ay kinausap mo? 'Pag 'yan sumagot--" "Sit down." Hindi na siya nito pinatapos at itinuro ang upuan na nasa left side nito. "Eat with me." Mahina ang pagkakasabi ni Be