Chapter 30

1302 Words

Hindi mapigilan ni Jheann ang mamangha nang makarating sila sa isla na ayon kina A ay pag-aari daw ni Bernard. Hindi niya akalaing makakapunta siya roon, na dati lang nilang pinag-uusapan ni Jared. Isinusumpa-sumpa pa niya noon ang may-ari niyon. Wala siyang kaide-ideya na si Bernard pala iyon. Pero totoo nga kaya na sapilitan iyong binili ng lalaki? Kung gayon man, matatanggap ba niya na may ganoong pag-uugali ang gusto niyang mapangasawa? "Ang ganda naman dito!" bulalas ni Jheann bago bumaba ng speedboat. Sa kamamasid niya sa paligid ay hindi napansin ng dalaga na sumabit pala ang paa niya sa speedboat. Muntik na siyang mahulog sa tubig kung hindi agad siya nakapagbalanse. Ang mga damuho kasi ay hindi man lang siya inalalayan sa pagbaba. Nagkaniya-kaniya lang sa pagbaba ang mga ito at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD