Three months later... Nakangiting naglalakad sa aisle ng simbahan si Jheann. Feel na feel niya ang kaniyang mamahaling gown at mataas na heels na siya mismo ang pumili. Taas-noo niyang sinasalubong ang lahat ng taong nakatingin sa kaniya nang mga oras na iyon. Feeling niya ay siya ang pinakamagandang dilag sa balat ng lupa. At siya ang pinakamasuwerte dahil suot niya ang isa sa pinakamahal na gown sa buong Pilipinas. Isa pa naman sa maituturing na pinakaengrande ang kasal na iyon sa lugar nila. Dinaluhan iyon ng mayayamang tao. Pero siyempre hindi rin pahuhuli ang mga "Marites" nilang kapitbahay. Na um-attend lang para umismid at mang-okray. "Mga mukhang pera talaga. Kahit halos tatay na ang mapapangasawa ay sige pa rin basta mayaman." "Oo nga! Hindi na nahiya sa sarili ang mga 'yan.