CHAPTER NINE

2685 Words
RULE ELIXIR MATTHEW CALIENTE "MAGKAKILALA po kayo ni Ma'am Grace?" tanong ni Barrett bago umupo sa hapag katapat niya. Kasabay niya itong mag-almusal bago pumasok sa school at nakasanayan na nitong kausapin siya kapag may pagkakataong nasa bahay siya at wala sa mga gigs niya. Kunwaring hindi niya narinig ang tanong nito at itinuon lang ang tingin sa hawak na diyaryo. Kapag naririnig niya ang pangalan ng dalaga o naiisip man lang ito ay biglang nag-iinit ang kanyang katawan at sumasaludo ang kanyang sundalo sa hindi malamang dahilan. Humigpit ang pagkakahawak niya sa papel dahil sa mga sari-saring maiinit at malalaswang senaryo na pumapasok sa kanyang isip. 'f**k. What are you doing to me, Xyrelle?' he asked himself before touching the necklace he's wearing. "Uncle? Are you there? I'm asking you," muling sambit ni Barrett sa medyo naiiritang boses. Ibinaba niya ang hawak na diyaryo saka sumimsim ng kape bago ito sagutin. He's calling him uncle because they are not outside but when they are, he's back at calling him 'dad.' He asked him one time why he's doing that and he simply said "To keep those women away from you." "Yes, I know her," maikling wika niya, tumitig lang sa kanya ang paslit na halatang kuryoso sa iba pang detalye tungkol sa kanilang dalawa ng dalaga. Barrett is a smart kid and he knows he'll not stop and give up until he gets what he wants, that's what he taught him. "Okay, so how did the two of you met?" Barrett asked before popping a piece of grape into his mouth. "I think I should ask you first, you two looks like you know each other for a long time," pagriridirect niya ng usapan papunta rito. He will not give him the satisfaction of knowing some facts about him and Xyrelle that easy. Gusto niyang matutunan nito ang importansya ng patience at pagtatiyaga. Ang lahat ng bagay na pinaghihirapan ay mas masarap kesa sa mga bagay na mabilis lang nakuha. "And you didn't call me 'dad' in front of her which is odd," dagdag niya pa ng hindi ito kumibo at nagpatuloy lang sa pagkain. Nagpunas ito ng bibig saka uminom ng tubig bago magsalita. "Yes. Siya po 'yung kinuwento kong naghatid sa'kin dito n'ung naisipan kong puntahan si Athena sa daddy niya. She knows about you, so I didn't call you 'dad' in front of her," he narrated, talking in a way a child would speak when he's telling a story. Kapag siya ang kausap o kaharap nito ay umaakto itong naayon sa edad ngunit kapag ibang tao ay laging seryoso at walang emosyon ang mukha nito. "You two are close then," Elixir commented and Barrett nods enthusiastically. "Yes, but she doesn't know," sambit nito habang nakangiti. "Don't be too hard on her, she's an angel," binulong niya ang mga huling salita ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig ng paslit. "Yes she is. She looks and acts like one," tumatango-tangong pahayag nito bago inumin ang gatas na nasa tapat nito. "This is the first time you agree with me complementing a lady," napapantastikuhang wika niya habang hindi makapaniwalang nakatingin dito. "Ma'am Grace is far from those girls you dated before. Way, way far from them," sabi nito na totoo at sinasang-ayunan niya. Aaminin niya, he dated and bedded different woman every night. He always gets what he wants, everything he wants especially when it comes to women. He had a fair share of them, he's in a band and no one can control them flock on his feet. Sinasabi nilang malakas ang karisma ng gitarista at bokalista pero sa kaso niya ay parang mas malakas ang sa drummer. "Of course, she is. She's like a puzzle that I'm willing to solve," he said agreeing before lighting a cigarette only to put out its fire instantly. Nakalimutan niyang nandoon pala ang pamangkin at hindi siya pwedeng manigarilyo dahil nagagalit ito. As what mentioned earlier, Barrett is a smart kid and also a health nazzi. "Dad," he said in a warning tone. Idiniin niya ang sigarilyong hawak sa ashtray hanggang sa maputol. "Tss there, happy?" he asked sarcastically and Barrett responded with a nod. "It's just one stick." "Yes, it's just one but it can cause diseases that might affect you later in life. I don't want to take care of you when you have those diseases. I can't watch you die because I know it'll just break my heart into pieces," litanya nito na agad niyang ikinangiti. "Kiddo, I'm healthy and strong and if by chance I get those illness you have in mind remember this, masamang damo ako kaya matagal ako bago mamatay," pabirong wika niya bago tumawa saka ginulo ang buhok nito na mabilis pa sa alas kwatro nitong inayos. "Don't laugh. I always lose my love ones, uncle. I lost my mother, I don't know who my father is and I don't think I can handle it if I'll also lose you," seryosong sabi nito na nangingilid ang luhang nakatingin sa kanya. "I will not leave you, kiddo. Uncle will always be here for you no matter what. I promised your mom that I'll take care of you and even if my life is on the line, I'll protect you. I love you, kiddo," sinserong wika niya bago ito tumayo sa kinauupuan at pumunta sa tabi niya upang yumakap. Elixia is a wonderful sister and her son Barrett is wonderful too. He will do anything just to protect and take care of his love ones including Xyrelle. "I love you, uncle," wika nito bago humilay sa pagkakayakap. He looked at his wristwatch, it's already 8 in the morning and Barrett is going to be late. "Come, kiddo, let's move out," wika niya bago tumayo habang si Barrett naman ay tumakbo patungong kwarto nito para kunin ang bag. Nauna na siyang lumabas ng bahay at pinainit ang motorsiklong gagamitin niya upang ihatid ang pamangkin. Sumampa siya sa motorsiklo bago tuluyang lumabas ang pamangkin mula sa bahay. "Hop in you're going to be late,"utos niya bago ihagis ang maliit na helmet dito. Barrett can climb his motorcycle by himself dahil kahit na limang taong gulang pa lang ito ay parang pangpito o walong taong gulang na ang tangkad. They drive their way to the school and just after five minutes they made it. Ipinarada niya ang motor bago tumalon si Barrett pababa at iabot sa kanya ang isinuot nitong helmet. Nagtanggal din siya ng helmet saka bumaba kaya't biglang napalitan ang ekspresyon nito ng pagtataka. Tutal andito na rin naman siya, sisilipin niya ang taong magdamag na tumatakbo sa kanyang isip. "Aren't you going home?" tanong nitong nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay. "Aren't you supposed to go in? You're going to be late," he asked back before pushing him towards the entrance. "Uncle, don't you dare to date one of my classmate's mom again," paalala nitong seryoso ang tinig na nagpasalubong ng kanyang kilay. "What? I didn't date any of your classmate's mother. Where did you get that?" tanong niyang hindi makapaniwala. Yes, he may be a lady's man but he won't wreck a family, a home just so someone can warm his bed. He talked to the mothers of Barrett's classmates, not because he wants them to be on his bed but because he wants to learn how to properly take care of his nephew. "Maraming nagsasabi," pabulong na wika nito. "Fvck, now they're making up stories. Whatever you heard about me, that's not true," he said gritting his teeth in anger. "Tss, better not date them," Barrett said before making his way, entering the school. Nang tuluyang mawala ang pamangkin sa kanyang paningin ay mabilis siyang naglakad papasok ng paaralan. "Saan ang room ni Miss Grace?" tanong niya sa school guard na nakaupo sa monoblock. "Sa Annex building po sir Elixir, pinakaunang room po sa kaliwa," sagot nitong nakangiti. "Thank you," he said before fastly walking towards the said building with a wide smile on his face. Mabilis niyang nahanap ang classroom nito at sinilip doon ang dalagang pakay, ang dalagang nagpapawala sa kanya sa katinuan. Nakaupo ito at may kausap na estudyante, papunta sa direksyon niya ang estudyante kaya't mabilis at pasimple siyang nagkubli. Nang tuluyan itong makalabas at makalayo at muli siyang sumilip sa loob ng silid. Napakaganda ng dalaga kahit sa malayuan, gusto niyang hawakan ito at ilapit sa kanya. Nakatitig ito sa kawalan na kinuha niyang oportunidad para makapasok ng hindi nahahalata. "There you are baby," he said before entering her classroom silently. XYRELLE GRACE VERNAULA "MA'AM may I go out?" tanong ng isa sa kanyang mga estudyante habang nakataas ang kamay. Hindi niya iyon napansin kaagad dahil lumilipad ang isip niya at inaalala ang nangyari kahapon. Sa hindi malamang dahilan ay gusto niya muling makita ang tito ni Barrett. Gusto niyang malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga binitawan nitong salita bago siya iwan kahapon. "Maaaaaaaaammm?" wika nitong muli na iwinawagayway ang kamay sa harap ng kanyang mukha. Hindi niya namalayang nakalapit nang bata sa kanyang harap kaya't napakurap-kurap siya nang matauhan. "May I go to the lavatory?" ulit nito sa tanong kanina na marahan niyang tinanguan. Nagdire-diretso ang bata sa paglabas sa silid, napahinga siya ng malalim bago tignan ang iba pang estudyante na abala pa rin sa paggawa ng ipinaskil niyang activity. She softly pat her cheeks for her to wake up from her daydreaming and focus on her ongoing class. "Bakit mo ba kasi siya iniisip, Xyrelle?" mahinang bulong niya sa sarili bago ipikit ang mga mata. "Wag mo siyang isipin please, 'wag, 'wag, 'wag. Don't think about Elixir, just do-" "Who?" Napasinghap siya at agad na napamulagat dahil sa gulat nang may bumulong malapit sa kanyang tenga. Nanindig din ang kanyang mga balahibo dahil sa mainit na hiningang dumadampi sa kanyang leeg. Mabilis at hindi nag-iisip na nilingon niya ang nagsalita, sinalubong siya ng mukha ng lalaking iniisip niya ngayon lang. Ilang sentimetro lang ang layo ng kanilang mga mukha at konting pagkilos lang ay tiyak na maglalapat ang kanilang mga labi, titig na titig ang dalaga sa mga mata nitong kulay brown. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo at orasan dahil hindi niya alam kung ilang minuto silang nasa ganoong posisyon. His face becomes closer and closer so she have to hold her breath and when their faces are just few millimeters away he suddenly stopped. "Breath," he whispered before smirking and pulling away from her. Pinakawalan niya ang hiningang kanina pa pinipigil bago tumayo at harapin ang binata. "Anong sa'tin Mr. Caliente?" tanong niyang ikinukubli ang mabilis na pagtibok ng puso sa kanyang dibdib. "Wala lang, gusto lang kitang mapasa'kin," puno ng kumpinyasang sagot nito saka humakbang palapit sa kanya. Napakunot ang noo niya at bigla na namang tumigil ang paghinga niya dahil sa bilis ng pagkabog ng kanyang dibdib hatid ng sinabi nito. Nayayabangan na naman siya sa binata at ang sarap lang nitong sapakin ngayon. "If you don't have anything important to say, you may go. I have an ongoing class right now and I don't have the time to listen to your nonsense talks," masungit na wika niya sa binata bago umupo at ituon ang atensyon sa mga estudyante niyang abala pa ring nagsasagot. "Then, I'll just wait for you," kalmadong sambit nito saka tumayo ng tuwid sa tabi niya. "What?" hindi makapaniwalang tanong niya bago mabilis na ibaling ang ulo rito. "I'm staying here until you're done with your class," he answered with a smug look on his face. 'Ang yabang,' sambit niya sa isip habang masamang nakatingin dito. "Why are you glaring at me like that? Nagwagwapuhan ka na naman ba sa'kin?" tanong nito na mas lumawak pa ang pagkakangisi. Kahit naiinis ay hindi niya mapigilang pagmasdan ang gwapong mukha ng binata bago kunwari'y nagdadabog na tumayo saka hinawakan ang kamay nito at hinila ito palabas ng silid. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa harap ng kanyang mga estudyante. Huminto sila sa pinakadulong bahagi ng corridor upang walang makakita sa kanila at hindi nila maabala ang iba pang nagkaklase. Luminga-linga siya sa paligid upang makasigurado. "I want to always hold you like this," sinserong bulong nito na agad niyang ikinaharap, nakayuko ito. Matiim nitong tinitignan ang magkahawak nilang kamay na hindi niya na namalayan dahil sa sobrang pagmakadaling makalabas ng classroom. Mabilis sana niyang babawiin ang kamay ngunit mas humigpit ang pagkakahawak ng binata roon. "A...ano bang problema mo?" kinakabahang tanong niya kay Elixir saka pilit na binabawi ang kamay. "Stay," bulong nito na nag-angat ng tingin upang tignan siya sa mata. "Just for a while." "Bitiwan mo na ko, baka may makakita sa'tin at ano pang isipin nila tungkol sa'yo," babala niya bago luminga-linga sa paligid habang binabawi ang kamay. "What will they think? That I'm lucky because I'm holding a gorgeous woman in front of me?" he asked before pulling her close. Their body immediately touched and she suddenly feel his heat against her. She diverted her gaze to keep herself from gawking at him and to control her fast heart beat. "Ano bang pinagsasabi mo? Bitiwan mo na ko ngayon din, Mr. Caliente" she said but lacks conviction because she love how he's holding her close. "What? I can't hear you, baby." Mabilis siyang napatingin dito sa nanlalaking mga mata. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagkagulat o may iba pang emosyon na kasali ang dahilan ng muling pagwawala ng puso niya. Did she hear him right? Anong tinawag nito sa kanya? Baby? If he's playing games right now she swears to God that she'll slap his handsome face hard. "Ano bang problema mo, Mr. Caliente? Hindi ako nakikipagbiruan sa inyo at hindi na ko natutu-" His lips collided to her in just a blink of an eye, causing the words coming out of her mouth trapped by his soft and wet kiss. Her eyes widened and her lips automatically parted because of the astonishment and confusion she's feeling, letting his tongue to freely roam around the insides of her mouth. Bumaba ang isang kamay nito sa kanyang bewang na parang napakaliit niya dahil nagkasya siya sa loob ng isang braso nito saka siya mas hinapit pa palapit sa katawan nito. His soft kisses went rough, more inviting, more seducing and more alluring that she answered with the same intensity. She closed her eyes and encircled her arms around his neck. She is kissing him back! And she is loving it! Unang beses niyang humalik ng isang tao at isang gwapong tao pa, kaya hindi niya alam kung saan niya nakuha ang kaalaman niya sa paghalik. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya pero dahil hindi naman lumayo ang binata o nagrereklamo man lang ay patuloy niya pa ring ginagaya ang paggalaw ng labi at dila nito. Their lips moved like mirroring each other and their tongues are deliciously moving inside each other's mouth. Naramdaman niyang mas humigpit ang kamay nito sa kanyang bewang at may kung ano ring matigas na bagay ang bumubundol sa kanyang tiyan. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung ano iyon kaya't walang sabi-sabi niyang itinulak ang binata. Kapos ang hininga niya habang ito naman ay puno ng pagtatakang nakatingin sa kanya. "What?" he asked like nothing happened, like he didn't kiss her. "Bastos! Manyak!" sigaw niya ritong hindi nag-iisip bago ito mabilis na talikuran. Malalaki ang hakbang niya pabalik sa klaseng iniwanan nang mapahinto siya dahil hinawakan ni Elixir ang braso niya. "If you ever call me Mr. Caliente again when I call you baby, I will kiss you and that's a rule, baby," mapanganib na sambit nito na imbis na maging babala upang matakot siya ay naging isang masarap na premyo na nagdala ng pananabik sa buong katawan niya. Namumula ang mukhang binawi niya ang braso sa binata at walang lingon likod na naglakad papunta sa silid na iniwan niya. "Bakit ang bilis at ang lakas ng t***k mo?" pabulong na tanong niya sa sarili kahit na napakarami pang tanong ang lumilitaw sa kanyang isip. Wala sa sarili siyang pumasok sa silid upang datnan ang nagkakagulong klase. _annmazing_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD