bc

HBS 1: UNDER HIS PROTECTION

book_age18+
3.8K
FOLLOW
17.6K
READ
possessive
sex
opposites attract
band
tragedy
bxg
city
school
chubby
teacher
like
intro-logo
Blurb

NOTE: BASAHIN NIYO NA PO HABANG FREE PA! WILL BE PTR ON JANUARY 2022

❗R-18 CONTENT ❗

💛COMPLETED💛

Ang inaakalang tipikal na gabi ni Xyrelle ay magiging isang malagim na bangungot o mas tamang sabihin na isang magandang panaginip dahil kay Elixir na handa siyang protektahan buhay man nito ang maging kapalit.

She's the victim and he's the protector.

What if their two different worlds collide because of a certain accident?

Will she be under his protection or just underneath him writhing with pleasure?

Note: This story is dedicated to a college classmate whom allowed me to use her name. Thanks, Ma'am Xy. ❤️

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

ALL RIGHTS RESERVED 2021

chap-preview
Free preview
SIMULA
TEASER Xyrelle Grace Vernaula is a secondary teacher in a private school and was living her simple but not so exciting life, in short boring. Her actions are always calculated and aligned to her plans. She is living her life with the same routine over and over again, everyday. Wake up, eat, teach, sleep, repeat. It looks like she's transforming herself into a robot. It was a normal day for her when an incident occurred that will change her boring life into a worst nightmare. She witnessed a horrid killing of a man before her eyes, she thought it's already worse not knowing that the killers saw her and will try to silence her. Later that day because of fear and distress, she hurriedly packed all of her things and decided to leave the city. She will run for her life no matter what, not knowing where the wind will take her. Xyrelle found herself in the beautiful city of Sorsogon and stumbled upon Elixir Matthew Caliente, an arrogant handsome piece of creature. Elixir Matthew Caliente is a rich haciendero that owns a hundred hectares of farmland. His life is full of adventures with his 5-years-old nephew. There is no dull moment with Barrett, which he takes care of and his responsibility since his sister's death. Elixir have all the pleasure a man could want, he can bed any woman he likes until Xyrelle came. He felt an instant attraction that's drawing him to her eversince the day they bumped into each other on the bus station until the day he saw her on Barrett's class, teaching. He did everything just to swoo her off of her feet but guess what? He can't make her warm his bed. Until one morning he woke up with his heart beating for Xyrelle. PROLOGUE XYRELLE GRACE VERNAULA "CHER, sama ka na sa'min. Sabado naman bukas e, walang klase," aya ni Pamela na isa sa mga co-teachers niya. Mariin siyang umiling habang inaayos at isinasalansan ang mga gamit sa kanyang handbag. "Hindi na muna, pass na muna ako kailangan ko pang gumawa ng lesson plan para sa susunod na linggo," sagot niya bilang pagtanggi. Sinumangutan siya nito at ng iba pa pero sinuklian niya lang ng matamis na ngiti ang mga ito. "Hmp, may Linggo pa naman para gawin 'yun a!" pagdadahilan at pagpupumilit nito pero umiling lang siyang muli. "Hay nako, si Xyrelle pa ba e baka nga tumandang dalaga na 'yan sa pagtuturo dahil sa ginagawa niyan," rinig niyang pang-aalaska ni Gino a.k.a Gina na ikinairap niya sa ere. "Bakit Gino..." Mabilis na sumimangot sa kanya ang binabae nang marinig ang totoong pangalan. "Este Gina," bawi niya. "May lovelife ka ba? Nadidiligan ba 'yang tuyot mong lupain?" "Aba, aba, aba natututo ka nang sumagot a! Babaitang 'to! Tinuruan mo na naman 'to Jayda?" eksaherang sambit nito na tinatakpan pa ang bibig at kunwaring nagugulat. "Hindi 'no, Xyrelle already have a sassy mouth," sagot ni Jayda habang naglalagay ng lipstick at inilulugay ang kulot na buhok. Nag-iba ang itsura nito, malayong-malayo sa mga nakikita ng estudyante araw-araw. Mula sa prim and proper na image nito sa umaga ay tila naging professional party goer na ang ayos nito ngayon. "You girls ready?" tanong ni Ken na bagong dating, napalingon siya sa gawi nito at nakitang titig na titig sa kanya ang binata. Mabilis siyang nagbawi ng tingin at itinuon ang atensyon sa pagsasalansan ng mga folders sa kanyang table. Ken is also her co-teacher and he can be a little assuming on his relationship with her. Ramdam at alam niyang may gusto sa kanya ang lalaki at ang akala nito dahil sa pinapakita niyang kabutihan ay may katumbas ang nararamdaman nito para sa kanya pero wala. Hindi niya pa nararamdaman sa buong buhay niya ang magmahal. Sa dami ng manliligaw niya noon magpahanggang ngayon ay wala pang lalaki ang nakapagpapabilis nang t***k ng puso niya at nagkapagpapawala sa kanyang hininga. No man has ever swoon her off of her feet. "Yes!" sigaw ni Pamela bago itaas ang dalawang kamay sa ere. "You ready, Xy?" tanong nito na ikinaangat ng kanyang ulo mula sa ginagawa papunta sa binata. Mataman siya nitong tinitignan na muling naghatid ng pagkailang sa kanya, hindi talaga siya sanay sa tingin nito, para kasing nakakabastos. "Uhmmm no, pass muna ko," sagot niya saka tipid na ngumiti at nagyuko ng ulo. "Edi, pass na rin ako mga ma'am, ihahatid ko na lang si Xy," wika nito na agad inalmahan ng tatlo pati na rin niya. "NO!" malakas na tutol niya, nangibabaw sa silid ang sigaw niya dahilan upang dumapo ang ilang pares ng mata sa kanya. Alanganin at tipid niyang nginitian ang mga ito saka tumikhim bago magsalita. "I mean no, you don't have to do that, Ken. I can go home by myself," nakangiwing sabi niya rito ngunit hindi ito natinag at mas lalong ipinagpilitan ang gusto. "No, I insist. Hindi kita hahayaang mag-isa sa madilim at delikadong daan," saad nito saka akmang lalapit sa kanya pero hinawakan ni Gino ang braso nito. "So, kami, hahayaan mo sa 'madilim at delikadong' daan?" tanong nitong may himing pang-aasar na inulit pa ang sinabi ng lalaki. "Hello? Babae rin kami ano," singit ni Pamela na nakatingin nang masama kay Ken. "Well, tatlo naman kayo at kayang-kaya ni Gino na ipagtanggol kayo. Right Gino?" nang-aasar na wika nito sa kaibigan bago pisilin ang braso nito. "Gina okay? Gina! Ilang beses ko na bang sinabi 'yan sayo, Kennethson? Naturingan kang teacher 'di ka makaintindi kaloka!" banat ni Gino saka inis na tinabig ang kamay nitong nasa braso. "Ken, it's okay, kaya ko naman ang sarili ko saka kina Auntie Della ako uuwi hindi sa apartment," pagdadahilan niya para matapos na ang pangungulit nito. "Narinig mo 'yun?" saad ni Jayda bago lumapit sa lalaki at hawakan ang kaliwang braso nito at marahang hatakin palayo sa kanya. "Hindi siya sa apartment uuwi kaya hindi mo siya mahahatid." "Pwede naman kita ihatid d'on para makilala ko 'yung tita mo," positibong sabi nito na pasimpleng binabawi ang braso kay Jayda ngunit kumapit na rin sa kanang braso nito si Gino kaya mas lalo itong hindi nakawala. "Ano ba kayong dalawa? Bitiwan niyo nga ko," saway nito sa dalawa ngunit hinihila na ng mga ito ang lalaki palayo sa kanya. "Umalis na kayo," she mouthed to Pamela before signalling them to go, mabilis namang nakuha iyon ng kaibigan na nakihatak na rin sa dalawa hanggang sa tuluyang makalabas ng pinto. "Hoy ano ba? Ihahatid ko si Xy," reklamo ni Ken habang nagpupumiglas pa rin sa hawak ng tatlo at pinipilit pa ring dumungaw sa pinto. "Kaya niya na nga ang sarili niya kaya ihatid mo na kami," angal ni Gino na tinulak ang likod nito upang magpatuloy sa paglalakad. "Bye Xyrelle!" sabay-sabay na sabi ng mga ito bago tuluyang mawala sa kanyang paningin. Malakas na napabuntong-hininga ang dalaga saka isinukbit ang handbag sa kanyang balikat. "Hoooo, that was close," bulong niya bago patayin ang mga ilaw at ilock ang classroom. Matagal niya na talagang balak umalis sa paaralan at magturo na sa public school lalo na noong malaman niyang may gusto sa kanya si Ken ngunit hindi niya magawa dahil everytime na sasabihin niya iyon sa dean at magpapasa ng resignation letter ay katakot-takot na pagmamakaawa at pangongonsensya lang lagi ang inaabot niya. Nang tuluyan siyang makababa sa building ay wala na roon ang sasakyan ni Ken tila nabunutan siyang tinik sa dibdib sa nakita saka dire-diretso nang naglakad palabas ng paaralan. "Good night, Manong Fred," sambit niya nang madaanan ang security guard na nakatayo sa labas ng gate. "Good night, Ma'am Xyrelle. Mag-iingat po kayo sa daan," tugon nitong nakangiti bago sumaludo, ngitian niya rin ang matanda bago tuluyang naglakad. Medyo malayo ang lalakarin niya bago marating ang sakayan ng jeep dahil nasa pinakadulong bahagi ng isang village ang school na pinagtatrabahuan niya. May madadaanan pa siyang mga bakanteng lote at talahiban dahil wala pa masyadong nagpapagawa ng bahay sa village na iyon, kakaunti at hiwa-hiwalay pa ang iilang bahay pero siguradong safe naman ang lugar dahil sa isang taon niyang nagtatrabaho ay wala pa naman masamang nangyari sa kanya. Kinapa niya ang cellphone sa loob ng bag saka ikinabit ang earphones bago isalampak iyon sa tenga. Medyo malayo pa ang lalakarin niya at nasa pinakaliblib na parte siya ng village kaya lilibangin niya muna ang sarili sa pamamagitan ng pakikinig ng tugtog. Xyrelle started humming to the music when suddenly a distant noise interrupted her. Huminto siya sa paglalakad saka luminga-linga sa paligid pero tanging dilim lang ang sumalubong sa kanya. "Sobrang stress ko kung ano-ano na naririnig ko," bulong niya sa sarili saka umirap sa hangin at humakbang nang muli. Nakakailang hakbang pa lang siya nang marinig niya na naman ang ingay, tila may lalaking sumisigaw sa 'di kalayuan. "Tulong! Tulungan niyo ko!" Napakunot ang noo ng dalaga sa narinig, malinaw na malinaw sa kanya ang mga salita kahit na nakasalampak sa tenga niya ang earphones. Mabilis na tinanggal niya ang mga iyon sa magkabilang tenga at matalas na nakinig kung saan nagmumula ang pagsaklolo. "Walang makakarinig sa'yo rito, 'wag ka nang umasang may tutulong pa sayo," mahinang wika ng panibagong boses. Kinakabahan at natatakot siya pero pilit niyang pinalakas ang loob at sinundan ang pinanggagalingan ng mahinang mga usapan. "Tulong," nahihirapang sabi muli ng unang lalaking narinig niya kanina. "Putangina 'wag kang maingay," inis na wika ng isa pang bagong boses. Natagpuan niya ang mga ito, may nakatutok na baril sa ulo ng isang lalaking nakaluhod, marahil ito ang humihingi ng saklolo. Nakatali ang mga kamay at paa nito, duguan ang mukha nito at puno ng sugat ang hubad na katawan, kahit na madilim ay kitang-kita niya kung paano mangintab ang dugo sa katawan nito kapag natatamaan ng liwanag ng buwan. Luminga-linga ang isang lalaki kaya naman mabilis at buong pag-iingat siyang tumakbo at nagtago sa mga matataas na talahib na naroon habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tumuloy pa siya na tignan kung anong nangyayari. "Napakachismosa mo talaga, Xyrelle," wala sa sariling pagalit niya sa sarili bago muling mabilis na takpan ang bibig nang marinig niya ang sinabi ng isa sa mga kalalakihan. "Narinig mo 'yun pre?" tanong ng lalaki nakaitim kaya mas hinigpitan niya ang pagkakatakip sa bibig. "Tangina ang dami mong alam, tapusin na natin 'tong traydor na 'to," inis na sagot ng lalaking nakapula. Marahan niyang hinawi ang mga talahib gamit ang isang kamay saka sumilip habang hawak hawak pa rin ang bibig gamit ang isang kamay. "Parang awa niyo na, may pamilya ako. Maawa kayo sa'kin," nagmamakaawang sambit ng lalaki habang nakataas ang mga kamay na tila isinasalag sa mga baril na nakatutok sa kanya. "Hindi kami naaawa sa'yo, traydor. Tangina dapat lang sa'yo ang mamatay. Muntik mo pang ipahamak ang grupo." Magkasabay na ikinasa ng dalawang lalaki ang baril saka itinutok iyong muli sa lalaking nakaluhod. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong senaryo sa buong buhay niya kaya naman nanubig ang kanyang mga mata dahil alam niya sa sariling wala siyang magagawa upang matulungan ang kaawa-awang lalaki. "Maawa kayo... Maawa kayo... may pamilya ako... kailangan ako ng... ng mga anak ko..." "Sana naisip mo 'yan bago mo trinaydor si boss pukinangina mo!" galit na sabi ng lalaking nakaitim bago ito sipain. Bumagsak ang katawan nito sa lupa pero agad din iyong itinayo ng nakapulang lalaki. "Tapusin na natin 'tong tarantadong 'to para wala nang gumaya pa sa pagtatraydor niya kay boss," sabi nito nang tuluyang maitayo ang kaawa-awang lalaki. Pilit na pumihit paharap ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata, kahit madilim ay alam niyang nakita siya ng lalaki. Hindi siya nagbawi ng tingin kahit na nanlalabo ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang tuloy-tuloy na pumapatak sa kanyang pisngi. "Jake Delarosa," wika nito sa mahinang tinig ngunit umalingawngaw iyon sa kanyang tenga bago ito biglang humandusay sa lupa habang nakadilat ang mga mata at nakatingin sa kanya. Walang putok ng baril ang narinig pero napasinghap siya dahilan para maalarma ang dalawang lalaki at magpalinga-linga sa paligid. Agad na lumayo si Xyrelle upang mas lalong maikubli ang sarili sa mga talahib, napakalakas ng t***k ng puso niya kaya inilapat niya ang isang kamay sa dibdib upang itago ang tunog ng pagtibok niyon. "May tao, hanapin mo!" "Dito ako sa kanan diyan ka sa kaliwa." "Sige. Putangina mayayari tayo kay boss kapag may nakaalam nito." "Kapag nahanap mo patayin mo kaagad. 'Wag mo nang hintayin pa na makatakbo." _annmazing_

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.6K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

His Obsession

read
92.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook