CHAPTER EIGHT

1513 Words
LAST NAME XYRELLE GRACE VERNAULA "MA'AM Grace, pwede bang pakibantayan muna 'yung mga anak kong kindergarten?" bungad ni Shiara na isa sa kanyang mga co-teachers. Nakasilip ito sa pintuan ng habang alanganing nakangiti. Wala naman siyang klase sa susunod na tatlong oras kaya't libreng-libre siya. Naglakad ito papasok saka naupo sa harap niya. "Oo naman, pwedeng-pwede. Mamaya pa naman ang klase ko," sagot niyang may malawak na ngiti sa labi, Shiara also smiled while looking apologetically at her. Maaga lang siyang pumasok upang tulungan ang kanyang Auntie Dindi sa paggawa ng activities para sa lesson nito mamaya, tapos na kasi siyang gawin ang sa kanya kagabi pa. "Pasensya ka na talaga, Grace, ha? Nagka-emergency lang sa bahay," wika pa nito saka ginagap ang kanyang kamay na nakapatong sa mesa. "Ano ka ba? Sobrang okay lang sa'kin magbantay ng mga chikiting," sambit niyang hindi maitago ang excitement sa boses. "Salamat talaga, nandoon na sila sa classroom. Huwag kang mag-alala, mababait sila," Shiara said before waiving goodbye and making her way out of the faculty room. Xyrelle also makes her way to Shiara's classroom where she was welcomed by so much noise and children running around. Pasimpleng pumasok siya sa silid saka inilapag ang kanyang mga gamit sa mesa. "Good morning!" masiglang bati niya sa mga ito dahilan upang tumigil ito sa kanya-kanyang ginagawa at dumako ang mga mata sa direksyon niya. Kuryosong tingin ang ibinibigay ng bawat isa sa kanya samantalang siya ay binigyan lang ang bawat isa ng matamis na ngiti. Inilibot niya ang paningin sa buong silid, puno iyon ng mga dekorasyong pambata bago niya itinuon ang tingin sa mga batang nakapokus pa rin ang mata sa kanya. Tinignan niya ang bawat mukha ng mga makukulit at cute na chikiting ngunit isang mukha lang ang pumukaw sa kanyang atensyon. Nakakunot ang noo nito at matamang nakatitig sa kanya habang hawak ang kamay ng isang magandang batang babae. Ngayon niya lang ito nakita sa loob ng isang linggong pagtuturo niya sa paaralan. "Barrett," tawag niya rito. Dahan-dahan nitong binitawan ang kamay ng batang babae bago naglakad palapit sa kanya. "So, you followed my advice?" tanong nito nang tuluyang makalapit sa kanya habang nakasuksok ang isang kamay sa bulsa. "Of course, I would grab any opportunity I see," sagot niyang nginitian ito. "Good t-" "Teacher! Teacher! Can we color this now?!" singit ng isang batang lalaki habang hawak ang isang coloring book na dahilan upang maputol ang iba pang sasabihin ni Barrett. "Tss shut up Andrei, tak-" Muli ay hindi natapos ni Barrett ang sasabihin dahil pinanlakihan niya ito ng mata. "Of course, we will color that Andrei but first, you must take a seat," malambing na wika niya sa paslit saka ginulo ang buhok nito habang masamang tingin naman ang ibinibigay sa kanya ni Barrett. "Okay class, please take a seat and bring out your coloring books because we will color it!" Agad namang nagsiupo ang mga bata sa kani-kaniyang upuan at inilabas ang mga krayola at coloring books. "You too, Barrett. Take a seat," sabi niya sa batang nakatayo pa rin sa harap niya sa mga oras na 'yun at seryosong nakatingin sa kanya. "Tss," he scoffed before heavily walking towards his seat, beside the little girl he's holding earlier. "But first, I'm going to introduce myself. I am Teacher Grace and I will be your teacher for today, so please be kind to me," she said with a wide and warm smile on her face. "Yes, teacher." "Opo, teacher." The children said in chorus while smiling back at her. "Okay, grab your coloring materials and let's start!" Masiglang wika niya saka ipinalakpak ang mga kamay na ginaya naman ng mga paslit. Nagsimula ang kanilang masayang klase at mukhang na-enjoy naman iyon ng lahat kahit na unang pagkakataon nilang magkakasama maliban sa isa, si Barrett. The entire time he's just scoffing and holding a serious face. Hindi man lang ito natawa sa ni isang joke na binitawan niya, he remained straight face yet he's very active and participant in class. Malakas na pag-ring ng bell ang pumukaw sa atensyon nilang lahat ngunit hindi pa niya papalabasin ang mga ito hangga't walang magulang na sumusundo, iyon ang patakaran ng paaralan. Pinapila niya ang mga bata at isa-isang pinalalabas kapag may sundo na itong magulang. Isang lalaking naka-shades ang lumapit sa gawi niya. Maayos ang buhok nito at nakasuot din ng malinis na puting polo. Inantay niya itong huminto sa harap niya bago ito batiin, nakayuko ito at tutok na tutok sa hawak nitong cellphone. "Good morning," nakangiti at mainit na bati niya sa binata. Mabilis na nag-angat ito ng tingin at napansin niya ang biglang pagkaestatwa nito sa kinatatayuan. Napakunot ang noo niya sa pagtataka at alanganing iniyuko ang ulo. "Don't," kapos ang hininga at pabulong na wika nito. Hindi niya alam kung bakit parang naging sunud-sunuran ang katawan niya sa sinabi nito dahil agad niyang inangat ang ulo upang tignan ito. "Beautiful," sambit nito sa mahinang tinig saka ibinaba ang suot na salamin. Ngayon ay siya naman ang tila naestatwa sa kanyang kinatatayuan. Nanlamig ang buo niyang katawan nang masilayan ang napakagwapong mukha nito. Ang binatang kaharap niya ngayon ay si Elixir! "Ikaw?" hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi siya mapakali at hindi alam ang gagawin, hindi niya alam kung ano ang iaakto sa harap ng binata. "You know me? Have we met before?" kunot-noong tanong nito. 'Ouch,' she said to herself. Bakit hindi siya nito matandaan? Ang bilis naman nitong makalimot? Ganito ba talaga ang mga lalaki? Haharutin ka tapos kakalimutan na parang walang nangyari at parang hindi ka kilala. Maliban sa wala talaga siyang nagugustuhang lalaki ay isa rin ito sa dahilan kung bakit ayaw niyang magka-boyfriend. Ayaw niyang ganito ang mangyari, natatakot siya para sa puso niya at sa kung anong sasapitin niya pagkatapos. "Uhm... No, of course not. I thought you're that person," she answered awkwardly before clearing her throat. "Sino bang sinusundo mo?" tanong niyang iniiba ang usapan dahil sa pagkapahiya habang ito naman ay makikitaan ng panghihinayang which send her another confusion. "Barrett," maikling wika nito. Napatango siya, ito ba ang tatay ni Barrett? "So, you're his father?" tanong niya habang nakangiti, hindi niya kasi alam kung anong dapat maramdaman. Gulat, pagtataka at pagkabigla ang mga emosyong nangingibabaw sa kanyang dibdib. "I am," maikling sagot nito bago nila marinig ang seryosong tinig ni Barrett mula sa kanyang likuran. Wait... Barrett mentioned that he doesn't know his father and he only know his father's name. Why would she asked him that and why would he answer a lie? 'Okay, wala kang dapat ikalungkot diyan, Xyrelle. You already know that Elixir is Barrett's uncle,' sambit niya sa sarili. "Tito," kunot-noong sabi nito, nagtatakang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. "Do you know each other?" "Yes." "No." Magkasabay nilang sambit bago magkatinginan. Her eyes are full of confusion while his are full of longing and relief. Oo ang sagot nito samantalang hindi naman ang kanya kaya muling nagsalubong ang kanyang kilay. Kanina, halata sa mukha nitong hindi siya nito kilala pero ngayon ay umaakto itong kilala siya. "Ano ba talaga?" salubong ang kilay na tanong ni Barrett saka pinagkrus ang mga braso. "No," sunson at agarang sambit niya bago humarap at lumuhod sa harap ng paslit upang maging magkapantay ang kanilang mukha. "You may go home now, Barrett. Keep safe to you and your uncle," nakangiting wika niya saka ginulo ang buhok nito na mabilis naman nitong inayos. "Okay," he replied before walking pass her. Mabilis siyang tumayo at pinagpag ang suot na palda. Nakatayo pa rin doon ang lalaki at mataman siyang pinagmamasdan habang si Barrett ay kausap ang batang babae na katabi nito kanina. "Is there anything else I can do for you Mister?" propesyunal na tanong niya na pinipigil ang mga katanungang gusto niyang sambitin sa harap nito. Magulo ang isip niya, magulong-magulo. "I just want to know your name," he replied before smiling widely at her. "I'm teacher Grace Vernaula," she said before offering her hand to him. Mabilis pa sa alas-kwatro iyong tinanggap ng binata at hinawakan iyon ng mahigpit. "I'm Elixir Matthew Caliente. It's a pleasure to know you," sambit nito saka yumuko at dinampian ng magaang halik ang kanyang kamay. Bolta-boltaheng kuryente ang kaagad na dumaloy sa kanyang kamay patungo sa kanyang katawan. Tila binuhay ng mga labi nito ang kanyang natutulog na pagkatao. Mabilis na binawi niya ang kamay saka inilagay iyon sa kanyang likuran. "A...anything... else?" she asked stuttering and uncomfortable because the electrifying feeling is still there travelling through her spine making her shiver in a delicious way. Hindi siya makatingin sa binata ngunit ramdam niya ang mga mata nitong nakatitig pa rin sa kanya. "Yes, I want you to remember my last name because you'll use it for the rest of your life," he confidently said before winking at her and walking towards his nephew, Barrett. Leaving her gasping for air and speechless. "What did he just say?" kapos ang hiningang tanong niya sa sarili bago ilapat ang palad sa tapat ng kanyang dibdib na mabilis ang t***k. _annmazing_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD