CHAPTER TEN

1782 Words
DATE XYRELLE GRACE VERNAULA   "Hindi ka pa ba uuwi, Ma'am Grace?" tanong ni Shiara habang nakatayosa pintuan ng classroom kung saan ang huling klase niya. "Mauna ka na, Ma'am. I need to buy my supplies before I go home," magalang na tugon niya habang inaayos ang mga gamit sa handbag niya. "Okay, keep safe," sambit nito saka nagpaalam sa kanya. Nginitian niya lang ang babae bilang tugon saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga gamit. Xyrelle also fix her long black hair and retouch her make up. And after a few minutes she's done. Hindi pa naman ganoon kadilim sa labas kaya't hindi siya gaanong kinakabahan at kampante siyang makauuwi ng ligtas.  "Bye, manong," magalang na paalam niya sa guard ng paaralan at iba pang school staff na naroon. Naglakad si Xyrelle patungo sa paradahan ng mga tricycle saka sumakay sa isa sa mga iyon. "Kuya, sa bayan ho," wika niya nang makasakay siya na tumango saka pinaandar ang sasakyan. Halos kalahating minuto nilang binaybay ang daan bago makarating sa bayan. "Salamat ho," magalang na sambit niya saka inabot sa lalaki ang bayad bago bumaba ng tricycle. Naglakad si Xyrelle sa pinakamalapit na grocery upang makapamili na. She just need a few things then she'll go home after. Mabilis ang kilos niya habang inilalagay sa cart ang mga kailangan, ayaw niya masyadong magpagabi sa daan. Isang bagay na lang ang kulang sa kanyang mga pinamili. Napkin! Kaagad na nagtungo siya sanitary napkin aisle upang kumuha sana ng ilan dahil nalalapit na ang monthly period niya ngunit nasa pinakataas ang gusto niyang brand. Nakatakong na siya ng three inches plus her height na hindi naman ganoon kababa pero hindi niya pa rin magawang abutin iyon kaya't tumingkayad siya habang patuloy na inaabot ang isang pack ng menstrual pads. "Kainis," napapagod na bulong niya. Muli siyang tumingkayad ngunit dahil tinamaan siya ng swerte ngayong araw—note the sarcasm—ay nawalan siya ng panimbang. Xyrelle close her eyes and wait for her butt to land on the cold floor. Kung may makakita man sa kanya ay nasisiguro niyang lalamunin siya ng lupa sa sobrang kahihiyan. She waited and brace herself for the impact, but it didn't happen because a strong arm wrapped around her waist. "Careful," the man with a familiar voice said. Xyrelle opens her eyes slowly and saw Elixir who's looking directly at her. Napigil niya ang hininga dahil ilang sentimetro na lang ang layo ng mga labi nila sa isa't isa. Kapag gumalaw sino man sa kanilang dalawa kahit na maliit napagkilos lang ay tiyak na magtatama ang kanilang mga labi. Nanuyot ang lalamunan niya sa isiping iyon, gusto niyang maramdaman muli ang labi nito sa kanya. "Breathe," sambit ng binata na sa hindi malamang dahilan ay kaagad namang sinunod ng kanyang katawan. It's as if her whole body is being controlled by him, it's like it's not hers anymore and it belongs now to Elixir.  "Good," he said before leaning closer and when their lips are about to met, someone loudly cleared their throat. Magkasabay na napalingon sila sa taong may gawa niyon at  nakita si Barrett na nakatingin sa kanila habang magkakrus ang mga braso. Mabilis na itinulak niya sa dibdib si Elixir saka umayos ng tayo. Inayos niya ang sarili saka tatalikutan na sana ang mga ito dahil sa sobrang kahihiyan nang tawagin siya ni Barrett. "Ma'am, you forgot something." Bumaling siyang muli sa mga ito at nakita ang isang pakete ng sanitary napkin na iniaabot sa kanya ni Elixir. "Thanks," she said before quickly snatching it from his hand but to her surprise Elixir is holding it harder than she thought.  "Uhmm..." she said before pulling it again from his grip, but it's no use. "I will give this to you if you will let us take you home," Elixir said making a condition. Napatingin siya kay Barrett na tahimik lang nakatayo sa tabi ni Elixir. "Okay," she said. Ayaw niya rin namang umuwi mag-isa dahil natagalan siya sa pagkuha ng napkin ay tiyak na madilim na sa labas. Mas mabuti nang sumabay sa magtiyuhin na ito kesa sumakay pa, bukod sa tipid na sa pamasahe ay siguradong hindi pa siya mapapahamak.  "Very well," Barrett said before walking pass the two of them. "I must keep you safe," sambit ni Elixir bago nito tuluyang bitawan ang sanitary napkin. Mabilis at panakaw siya nitong hinalikan sa pisngi saka naglakad kasunod ni Barrett. Hindi siya nakagalaw dahil sa pagkabigla at dahil pinoproseso niya pa ang sinabi nito. "What was that?" she asked herself when she finally came back to her senses while clutching her chest because her heart is beating so damn loud. THE NEXT DAY MALALAKAS na usapan at impit na mga pagtili ang kanyang naririnig habang naglalakad siya palabas ng paaralan. Napakarami ring mga tao-mga magulang at guro- ang nakahinto at nakatayo lamang malapit sa gate. Hapon na at hindi niya maisip kung anong pinagkakaguluhan ng mga ito. May artista kayang dumating at dadalaw sa kanilang school? O baka naman andyan si Mayor na magpapabango ng pangalan dahil malapit na naman ang halalan?   "Anong nangyayari?" bulong niya sa sarili bago kuryosong nakisiksik din sa mga kumpol ng tao. She made her way to the front at nakita niyang nakikiusyoso rin ang co-teacher niyang si Shiara kaya't mabilis siyang lumapit at tumabi rito upang magtanong.  "Ma'am Shiara, anong meron?" she curiously asked while Shiara's eyes are still fixed in front. She answered her, pointing what's in front of her using her lips. Sinundan niya ang mata at nguso ng babae at nabungaran ang isang magarang kotse at isang gwapong lalaking kahit na nakashades ay kilalang kilala niya kung sino.   "Elixir," she whispered and as if he can hear her, he suddenly walk towards her direction. Humigpit ang hawak niya sa panyong nasa kanyang kamay habang patuloy itong humahakbang palapit sa direksyon niya. Nahigit niya ang hininga nang tuluyan itong huminto sa harap niya, tinanggap nito ang salaming suot kaya't natitigan niya na naman ang kulay brown nitong mga mata. Ngumiti ito sa kanya bago inilahad ang kamay sa harap niya saka yumuko na para bang isa siyang reyna at inaalok siya nito sa isang sayaw.   "A...ano bang ginagawa mo?" pabulong na tanong niya sa binata ngunit hindi ito sumagot at nanatili itong nakayuko sa harap niya. Iba't-ibang komosyon ang kanyang mga naririnig sa paligid na mas lalong nagpagulo ng kanyang isip. Ngayon pa lang may gumawa sa kanya ng ganoong bagay kaya hindi niya alam ang gagawin sa mga oras na 'yun.   "Nakakakilig."  "Tanggapin mo na, ma'am."  "Ang swerte niya. Si Sir Elixir pa ng HACERZ ang nagkagusto sa kanya."  "Swerte rin naman tayo dahil dito nag-aaral ang anak niya." Iba't ibang opinyon ang naririnig niya ngunit lahat ng iyon ay puno ng kilig at kasiyahan. Totoo ngang sikat ang binata pero sa hindi malamang dahilan ay hindi niya ito kilala o hindi ito pamilyar sa kanya, nahihiya tuloy siya sa sarili. She'll just search about him when she has the time. Xyrelle is anticipating whether to accept his hand or just walk away from him. Nahihiya siya, kinakabahan at kinikilig sa hindi malamang dahilan, basta napakabilis ng t***k ng kanyang puso at nakikiliti ang kanyang tiyan. Mahina siyang siniko ni Shiara na agad ikinabaling niya ng tingin dito. Ngumuso ito habang nanunuksong nakatingin sa kanya pati na sa binatang hanggang ngayon ay nakayuko pa rin.   "Tanggapin mo na," she whispered before grinning at her widely. Nagdadalawang isip niyang inangat ang kamay saka inilagay iyon sa kamay ng binata. Agad itong umayos ng tindig saka siya matamis na nginitian, naiilang na nag-iwas siya ng tingin dito.   "Let's get out of here, I don't want to draw more attention," bulong nito sa kanyang tenga, ramdam niyang napakalapit nito sa kanya at kitang-kita niya ang kinikilig na tingin ng lahat ng nakapaligid sa kanila. His hot breath fanning on her exposed neck making her whole body shiver in anticipation. Napipilitang tumango siya nang hindi pa rin tinitignan ang binata, humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.   "Kwentuhan mo ko pagkatapos," pabulong na sabi ni Shiara saka nakakalokong kumindat sa kanya. Nahihiya siyang umiling sa kaibigan bago siya iginiya ni Elixir sa magarang kotse nito.  Binuksan nito ang pinto sa front seat  "After you, baby," he said with a playful grin on his lips.  'Tss, ano kayang pakulo ng gentledog na 'to?' she asked herself scoffing bago mabilis pa sa alas kwatrong pumasok sa kotse dahil sa sobrang hiya, ramdam din niya ring nag-iinit ang kanyang mukha dahil doon. Pumasok na rin ang binata sa driver's seat na pinagmasdan niya lang hanggang sa makaupo ngunit mabilis din siyang nagbawi ng tingin nang tumingin ito sa kanya.   "Wear your seat belt, baby. You might fall.......... in love with me," he said before winking at her then starting the car engine. Hindi niya alam kung maiinis o kikiligin siya sa banat nito but she knows it's the latter. Kinikilig siya kahit na sobrang mais ng mga banat nito.   "Paano ako mahuhulog? Nasa kotse kaya tayo, mag-isip ka nga," sagot niya sa mataray na tinig bago ito irapan at ibaling ang tingin sa labas ng bintana.   "Paano ako makakapag-isip kung bawat parte ng isip ko ay inuokupa mo na," he mumbled making her lips curve into a smile.   "Manahimik ka na nga lang diyan," pagalit na sambit niya saka pinagkrus ang mga braso upang maitago ang sobrang kilig na nararamdaman. Naroon na naman ang kiliti sa kanyang tiyan at ang tila lumilipad na pakiramdam.   "Okay," sambit nito bago ituon ang tingin sa daan at paandarin ang kotse. Nanatiling nakatingin siya sa labas ng bintana, isang linggo na siya sa lugar ngunit hindi pa rin siya nasasanay sa berdeng paligid.  "Saan mo ba ko dadalhin?" bigla ay tanong niya rito bago ito lingunin.   "Secret, you'll know when we get there," sagot nitong nakatuon lang ang tingin sa daan. Nakuha niya ang oportunidad na iyon upang pagmasdan at hangaan ang gwapong mukha nito. Kahit ano sigurong anggulo ay napakagwapo nito, mabilis ang pagtibok ng kanyang puso.   'Bakit niya ba ginagawa 'to? At bakit niya ba sinasabi ang mga katagang nakapagpapabilis ng puso ko?' malungkot na tanong niya sa sarili. Ayaw niyang mag-assume at mas lalong ayaw niyang umasa sa kabutihang pinapakita nito sa kanya.   "Done admiring the view?" mayabang na tanong nito habang nakatitig sa balisa niyang mukha. Dahil sa pag-iisip at kagwapuhan nito at tuluyan na siyang natulala. Mabilis na inalis niya ang tingin sa binata at tumingin ng diretso sa daan.   "A-ano bang si-sinasabi mo riyan? Assumerang frog ka!" naiinis na wika niya, umandar na naman kasi ang kahambugan ng binata. Mahinang tumawa ito bago bumalik at ituon ma rin ang mata sa daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD