CHAPTER SEVEN

1342 Words
BARRETT'S FATHER AND X ELIXIR MATTHEW CALIENTE ONE WEEK LATER... "Elixir," sambit ni Lieutenant Emilio Gregorio sa kanyang pangalan habang papalapit ito sa kanya. Gregorio is one of his colleagues when he's still in the military two years ago. Isa rin ito sa mga itinuturing niyang malapit na kaibigan magpahanggang ngayon. Kararating lang nito sa bahay niya sa Bikol upang ibigay sa kanya ang mga impormasyong nakalap tungkol sa ama ng kanyang pamangkin. Elixir asked him a favour to find any information about Barrett's father although it's been two years since he took care of his nephew. "Did you find anything?" tanong niya rito habang binubuksan ang refrigerator upang kumuha ng alak. "Meron at iisang tao lang ang itinuturo ng lahat ng impormasyong nakalap ko," sagot nito bago niya ihagis ang isang bote ng beer dito na maagap naman nitong nasalo. "Give me his name," seryosong saad niya saka humigpit ang hawak sa bote ng alak. "Here," Emilio said before sliding a brown envelope towards him. Maagap na kinuha niya iyon saka binuksan, bumungad sa kanya ang mukha ng isang lalaking kamukhang-kamukha ni Barrett. Ang ama nitong itinago ng kanyang kapatid sa kanya ang pangalan at identitidad. "Mayor Darwin Escorido?" kunot-noong tanong niya sa kausap na hindi makapaniwala sa nakikita. Tumango ito saka lumagok sa hawak na bote. "f**k! Bakit hindi ko 'to nakita? Why hadn't I seen their resemblance before? f**k! f**k! f**k!" he cursed and cursed until he finally recovered his sane from the information he just received. Nakasalamuha niya na noon ang Mayor, noong nagsisilbi pa siya sa army ngunit hindi niya nagustuhan ang mga nalaman niya tungkol dito. Darwin Escorido is a man of his words and a good leader to his people but behind that clean image of his as a mayor, he do a lot of dirty works and businesses. Napasabunot siya sa sariling buhok, hindi niya lubos maisip kung bakit papatol sa ganoong klaseng lalaki ang kanyang kapatid. Elixia is an intelligent, beautiful, elegant woman. She's kind, almost perfect and now he would know that she had fallen in love with a filthy politician like Darwin? And his nephew came from that kind of person? f**k! He can't accept that! He really can't! "Elixia? What the hell did you do?" bulong niya sa hangin. Hoping that his sister will explain to him, but he knows that it's impossible. Hindi siya galit sa kapatid at mas lalo nang hindi sa kanyang pamangkin. He's just frustrated as f**k right now, kaya pala mula noong isilang si Barrett magpahanggang ngayong limang taong gulang na ito ay nakakatanggap sila ng death threats. Hindi maikakailang maraming kaaway ang lalaking iyon at hindi rin malabong kaya namatay ang kanyang kapatid sa aksidente ay dahil din sa mga kaaway ni Darwin. Nalamukos niya ang mga papel na laman ng envelope dahil sa prustrasyon. Nanginginig ang kamay niya dahil sa galit sa lalaking iyon, ngayon ay mas lalo niyang dapat itago si Barrett. Malayo sa mga kaaway ng ama nito at sa ama nito mismo. Naiinis na dumukot siya ng sigarilyo sa kanyang likurang bulsa saka mabilis iyong sinindihan at hinithit. "Calm down, bro. Barrett might hear you," sambit ni Emilio na marahil nahalata ang sobrang pagpipigil niya sa galit. "Mababasag na 'yang boteng hawak mo at dalawang hithit na lang 'yang yosi sa bibig mo," dagdag pa nito. "Sa lahat ng pwedeng maging tatay ni Barrett bakit siya pa? We both know this man's dirty doings," matigas na sabi niya saka diretsong tinungga ang natitirang alak sa bote at inisang hithit ang yosi bago iyon mariing idildil sa ash tray. "Elixir, you do know that you can't choose who to love right? And you can't hide Barrett from his father forever, bali-baliktarin mo man ang mundo tatay niya pa rin 'yung lalaking 'yun," litanya nito saka lumapit sa kanyang ref at kumuhang muli ng alak. "I can't. Hindi ko pwedeng ipakilala o ipakita man lang si Barrett sa tatay niya. He can't be involved with the life his father have. Nangako ako kay Elixia na proprotektahan at hindi ko papabayaan ang pamangkin ko and I'm keeping that promise until my last breath," he said firmly before lighting a cigarette again. "Paano kung si Barrett ang may gustong makita ang tatay niya? Anong gagawin mo? Matalinong bata si Barrett at alam kong may muwang na siya sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid niya. At sa tingin ko, gusto rin ni Elixia na magkakilala ang mag-ama niya," sambit nito bago iabot sa kanya ang isa pang bote ng alak. Napaisip siya, tama ang kaibigan, paano kung ang pamangkin niya na mismo ang maghanap sa ama? "Still a no. Buhay pa nga ang tatay niya pero sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno," wika niya saka hinugot ang iba pang laman ng envelope. Marami pang papel at mga litratong naroon ngunit iisang larawan lang ang nakapukaw ng kanyang pansin. "X," he muttered under his breath before touching the pendant on his neck. "You know her?" kuryosong tanong ni Emilio bago kunin ang larawang kanyang tinitignan. "Yes, I've met her once but I didn't get the chance to know her name," he answered before pulling the picture from Emilio's hand and stared at X's beautiful face. Wala naman siyang dahilan para magsinungaling sa kaibigan kaya sinabi niya na rito ang totoo. "Why is she here?" tanong niya sa kaibigan na halatang nahihiwagaan pa rin sa ikinikilos niya. "Her name is Xyrelle Grace Vernaula at isa siya sa mga taong ipinapahanap ni Darwin para ipapatay," seryosong sambit nito na ikinabahala niya. Mabilis siyang naalarma at nag-alala para sa buhay ng dalaga. Hindi pa rin pala nito nagawang lumapit sa kinauukulan, marahil ay sinunod nito ang isa niyang payo na magpakalayo-layo. 'What the hell? May koneksyon ba ang nakita ng babaeng iyon kay Darwin?' sumasakit ang ulong tanong niya sa sarili. He needs to see her, he needs to search for her as soon as possible. May kung anong nagsasabi sa kanya na kailangan niyang alamin kung nasaan ang dalaga at protektahan ito sa abot ng kanyang makakaya. "Is Darwin still searching for her or she's..." Hindi niya matuloy ang sasabihin, ayaw niyang isiping wala na ang dalaga dahil hindi niya iyon matatanggap. Isang beses lang niya ito nakita pero sobra na ang atraskyong nararamdaman niya para rito. Pilit niya iyong iwinaksi sa dibdib at isip sa nakalipas na linggo ngunit ngayong nakita na naman niya ang mukha nito ay nanumbalik na naman ang tila magnetong humahatak sa kanya papunta sa dalaga. "No, she's not... dead," sagot nito. Nakahinga siya nang maluwag sa narinig at mukhang napansin iyon ng kaibigan dahil may sinusupil itong ngiti sa labi. "What?" iritableng tanong niya ngunit nagkibit balikat lang ito at mahinang natawa. "What the f**k is it, Emilio?" muli ay tanong niya. "Nothing. It just look like you're so concern about her," sagot nito kaya't napatikhim siya. Ganoon ba kahalata ang pag-aalala niya para sa dalagang iyon? He scoffed before asking him again. He need all the information he can extract from him. "Emilio, do you know where is she?" Napalingon ito sa kanya na ganoon pa rin ang ngiti sa labi at tingin sa kanya. "No, ang ama lang naman ni Barrett ang pinaiimbistigihan mo at hindi 'yang si Miss Vernaula," sagot nito bago tumungga ng beer na nang-aasar ang pagkakatingin sa kanya. "Then, give me all the information you can find about her," utos niya rito bago nila parehong marinig ang pagtawag ni Barrett sa pangalan niya. Kailangan niya na pala itong ihatid sa eskwelahan at ngayon mas lalo niya pang dapat pag-igtingin ang pagbabantay sa pamangkin dahil sa mga nalaman. "Consider it done," tugon nitong kampanteng nakangiti sa kanya. Hindi naman nakapagtatakang maya-maya lang ay makukuha niya na ang gusto dahil gaya niya ay napakarami ring koneksyon ng kaibigan at kayang-kaya nitong pagalawin ang mga iyon sa isang pitik lang ng daliri. 'I have to know where you are 'cause I'm going to put you under my protection,' he said to himself before sipping on his beer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD