CHAPTER SIX

2430 Words
THE BUS STATION 'ELIXIR' XYRELLE GRACE VERNAULA "WHAT do you do for a living?" tanong ni Barrett sa kanya nang tuluyang makumbinsi na 'Grace' talaga ang pangalan niya. "I'm a teacher," she answered proudly while feasting her eyes with the view. "Well, I was," bigla ay malungkot niyang bulong na marahil ay hindj nito narinig. "Really?" wika nito bago sila sabay na tumingin sa isa't isa. "Hindi po halata, akala ko po sa opisina kayo nagtatrabaho." Napangiti siya sa sinabi nito, akala niya kasi'y English speaking ito pero matatas din pala itong managalog at marunong pang mang-opo. Matalino nga ang batang ito kung minsan lang ay medyo bossy at tonong matanda kung makipag-usap. "What makes you think I work in the office?" kuryosong tanong niya rito. Maayos at pormal ang pananamit niya ngayon dahil balak niyang maghanap ng trabaho kaya siguro naisip nitong sa opisina siya nagtatrabago. "You look like a lady boss," saad nito na pinagmasdan ang kanyang kabuuan. "Really? Well, I'm the boss inside the classroom," nakangiting sabi niya, bumaling ang tingin nito sa ibang direksyon bago muling magsalita. "You should apply in my school," pahayag nito na ikinalaki ng tenga niya. "Ano?" tanong niya upang makasiguro sa narinig. "Apply in my school. Are you deaf or something?" masungit na sambit nito bago may iturong paaralan na dinaanan nila. Mabilis na sinundan niya ng tingin ang daliri nitong nakaturo at tinandaan ang lokasyon niyon dahil mukhang malayo pa ang babaybayin nila para matunton ang bahay ni Barrett. "There," dagdag nito, tumango-tango siya at napangiti sa sarili. 'Trabaho,' wika niya sa isip saka bumaling sa batang katabi. Mukhang ito ang swerte sa kanya at mabuti na lamang ay sa kanya ito lumapit at nagpatulong, ang tanging problema niya na lang ngayon ay tirahan. "What about you? What did your parents do for a living?" balik tanong niya just to keep their conversation going. "I don't have parents. My mom died in a car accident while I only know my dad's name. I haven't meet him eversince. I live with my tito Elixir, he's an ex-army and former police officer but now he's a famous musician and a farmer," kwento nito. Malungkot siyang napangiti nang maalala ang butihing amang yumao at ang inang malayo sa kanya. Miss na miss niya na ang mga ito ngunit para da kaligtasan na rin ng nag-iisang pamilyang meron siya ay kailangan niyang magtiis at lumayo. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa bago niya mapagtanto ang pangalang binanggit nito. Xyrelle immediately look at Barrett's direction, who's playing with his own fingers. "You said Elixir, right?" she asked hesitantly. Barrett looked at her with a confused face. "Yes, why? You know my tito? Well, he's famous. Are you one of his fans?" sunod-sunod na tanong nito ngunit hindi niya alam kung anong isasagot. Hindi niya naman talaga kilala si 'Elixir' na nasa bus station at maaaring naipagkamali niya lang ito sa 'Elixir' na tiyuhin ni Barrett. "We... Well-" Hindi niya na natapos pa ang sasabihin dahil naputol iyon nang biglang pag-iingay ni Barrett. "There, there's my house," excited na wika nito na nagpabaling sa kanya sa labas ng tricycle na sinasakyan nila. Huminto ang sinasakyan nila sa isang napakalaking bahay na may malaking gate. Nag-iisa lang iyon sa pinakadulong bahagi ng lugar at malayo sa iba pang mga bahay na tila ayaw papuntahan o ipatunton. Mabilis na bumaba ang bata samantalang siya ay nag-abot muna ng bayad sa driver bago ito sundan. "Barrett? Sigurado ka bang ito ang bahay niyo?" alanganing tanong niya habang palinga-lingang sinusundan ito palapit sa napakalaking itim na gate. "Do I look like I'm fooling around?" he asked before turning on her direction and pointing to his serious face. "Sabi ko nga, ito naman galit agad," natatawang sabi niya bago nag-aalangang pinindot ang doorbell. His arms are crossed like he's a boss running out of patience while they are still waiting for someone to open the gates. Isang babaeng nasa mid-30s at nakasuot ng maid uniform ang sumalubong sa kanya. "Ano po iyon?" magalang na tanong nito sa kanya na hindi siguro napansin ang batang katabi niya. "Ah.... Eh...." sabi niya bago magbaba ng tingin sa batang lalaki na tinatapik-tapik ang paa sa semento indikasyon na naiinip na ito. "Pst, Barrett sigurado ka bang dito 'yun?" pasimple at pabulong na tanong niya rito. "I said yes," wika nito bago mag-angat ng tingin sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa babae upang sabihin na nagkamali lang sila ng address ngunit bukas na gate na ang kanyang nadatnan at nakayuko na ang babaeng nagtatanong sa kanyang kanina. "Master," wika nito nang humakbang papasok ang batang lalaki at lampasan ito. "What the-" hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang magsalita si Barrett. Nanlalaki ang mga mata niya dahil sa gulat at pagkabigla, akala niya imagination niya lang na mayaman ang bata pero mayaman naman talaga. Humarap sa direksyon niya ang paslit na magkasalubong ang kilay. "Ano pa pong hinihintay mo? Hindi ka po ba papasok?" masungit na tanong nito sa kanya bago sinenyasan ang babaeng nakayuko na agad namang tumayo ng diretso. "Ah... Eh... hindi na, may lakad pa kasi ako. Ingat ka, kiddo," nag-aalangang pagtanggi niya habang mariing umiiling. "Okay," wika nito bago siya talikuran. "Close the gates." Mabilis na sinunod iyon ng katulong, umatras siya nang tuluyan nitong isara ang tarangkahan at sundan si Barrett sa loob ng malaking bahay. "No sense of gratitude, e?" natatawang wika niya sa sarili habang umiiling bago nagsimulang maglakad patungo sa terminal ng tricycle na pwede niyang sakyan upang makapunta sa school na sinasabi ng paslit. Pasakay na siya ng tricycle nang marinig niya ang pangalan ni Barrett mula sa isang lalaki. "Where the heck is Barrett?" inis na singhal nito sa kausap sa cellphone. Ito marahil ang 'Elixir' na tiyuhin ng batang lalaki dahil magkaparehas ang mga ito ng ugali. Malamig at seryoso rin ang awrang bumabalot dito. "Wait lang po," wika niya sa driver na agad naman tumango bilang pagsang-ayon saka lalapit sana sa binata ngunit malakas itong nagmura na agad nagpahinto sa kanyang paghakbang. "Putangina, sa susunod bantayan niyo siya nang maigi. Hindi ba't iyan ang mahigpit kong bilin sa inyo?" asik nito na halata ang sobrang galit dahil naglalabasan ang ugat nito sa brasong balot ng tattoo habang nakakuyom ang kamao. Pamilyar sa kanya ang mga tattoong bumabalot sa bisig nito pababa sa braso, parang nakita niya na iyon kung saan. Suddenly images of 'The Bus Station Elixir's' tattoos flashes into her mind and it matches the tattoos this man have. Xyrelle's eyes widened in shock when realization hits her, Barrett's uncle is the same Elixir she met at the bus station. Ngunit ngayon ay parang ibang tao ang nakikita niya, nakatatakot at ibang-iba sa Elixir na nakilala niya. "Elixir?" she whispered before taking a step towards him but before she can reach for his arms he suddenly walk fast away from her. Mabilis ang naging kilos niya upang sundan ang binata ngunit muli siyang napahinto nang tawagin siya ng tricycle driver na pinara niya kanina. "Sasakay pa po ba kayo?" tanong nito na agad nagpaharap sa kanya sa direksyon kung saan ito nakatayo. "Opo, pasensya na," sagot niya saka mabilis na sumakay. Ano bang naisip niya at susundan niya pa ito? Naihilamos niya ang kamay sa mukha dahil sa pagkapahiya. Sigurado naman siyang hindi na siya nito natatandaan. Sinabi niya ang school kung saan siya pupunta at wala pang isang oras ay natunton na nila ito. "Maraming salamat po," sambit niya bago iabot ang bayad at bumaba ng tricycle. Huminga siya ng malalim bago maglakad papasok sa naturang paaralan. Kinakabahan siya na parang unang beses niyang sasabak sa interview at mag-apply ng trabaho bilang isang guro. 'Kaya ko 'to,' pagpapalakas niya ng loob sa sarili habang mahigpit na hawak ang envelope na naglalaman ng kanyang mga requirements. "IS it okay with you to teach kindergarten students?" tanong ng head teacher na nag-iinterview sa kanya. "Yes ma'am, although I have no experience in teaching on lower grades I will do my very best to teach effectively and efficiently," propesyunal na sagot niya habang nakangiti. "Okay, you can start tomorrow. We really are in need of teachers and I'm glad that you choose our school," sambit nito saka tumayo at inilahad ang kamay sa kanya. Mabilis at malugod niya iyong inabot habang patuloy at paulit-ulit na nagpapasalamat. Sana nga ay tuloy-tuloy na ang swerte niya sa pagbabagong buhay at katauhan. Wala na sanang mangyari pang masama sa mga tao sa paligid niya at sa kanya mismo. Malawak siyang nakangiti habang naglalakad palabas ng paaralan. Malayo ito sa hotel kung saan siya nananatili at hindi pwedeng doon siya kumuha ng bahay na uupahan kaya maghahanap na rin siya rito sa lugar bago siya tumuloy sa hotel. Xyrelle is busy fishing out her phone from her bag to call Jiji when suddenly her body collided with someone's. Parehas silang tumalsik at napaupo sa damuhan, napaaray siya sa lakas ng impact na dala niyon at sumigid ang sakit sa kanyang katawan kaya hindi siya kaagad nakabawi at nakatayo. "Ay ano ba 'yan? Babae pala?! Jusko, sorry, anak kalerki!" narinig niyang wika ng lalaking nasa harapan niya sa malambot na tinig bago siya alalayan makatayo. Agad na pinagpag niya ang pantalong suot at inayos ang medyo masikip nang damit. 'Ang hirap talaga maging plus size,' malungkot wika niya sa isip habang patuloy pa rin ang pagpagpag sa pwetan ng pantalon niyang hindi niya gaanong maabot. "Ayos ka lang ba hija- Xyrelle?!" malakas at hindi makapaniwalang sambit nito. "Po?!" wika niya sa mataas na tinig dahil sa gulat saka agad na tinignan ang lalaking nabangga at laking gulat niya nang makita ang mukha nito. "Tito Dindo? Este Auntie Dindi?" Parehas na nakatakip ang kanilang kamay sa hibiga at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa isa't isa. "Jusko, Xyrelle ikaw nga! Akala ko hindi ka na natuloy dito dahil sabi ni Della umalis ka raw ng walang paalam. Paano mo natunton dito at bakit ka nandito sa school?" litanya nito habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya na para bang isa siyang multo. "Sa Sorsogon pa rin po ako dinala ng tadhana, Auntie. Hindi ko po kayo natunton, tadhana rin po ang nagdala rito sa'kin. May hinatid po akong batang lalaking nawawala and while we're on our way he suggested to apply here," paliwanag niya. Malakas ang paniniwala niya sa tadhana, naniniwala siyang nakasulat na iyon bago pa man tayo isilang sa mundong ibabaw. Hindi siya naniniwalang nagkakataon lang ang mga pangyayari sa buhay ng tao, kahit nga iyong nasaksihan niyang pagpatay sa kaawa-awang lalaki ay naniniwala siyang nakasulat sa tadhana niya. "Hindi tadhana iyon, hija.Coincidence 'yun," kontra nito sa sinabi niya bago nakapilantik ang mga daliring hawakan ang kamay niya. "May matitirhan ka na ba?" dagdag nito na muling nagpalaki ng kanyang tenga. Mukhang swerte talaga sa kanya si Barrett kahit na ilang kilometro na ang layo niya rito at kahit pa hindi ito nagpasalamat sa kanya ay ituturing niya pa rin itong 'lucky charm.' "Wala pa po pero maghahanap na po ako tutal natanggap na po akong magturo rito," she answered smiling while Dindi rolled her eyes. "Bakit ka pa maghahanap ng bahay? Pwede ka namang tumira sa bahay ko. Nakakaloka kang bata ka," maarte at nakataas ang kilay na sambit nito. "Pero nakakahiya po," tanggi niya ngunit muli lang itong umirap sa hangin. "Sa bahay ka titira and that's final," masungit na saad nito bago siya lagpasan. "Gather all your things from the hotel you're staying and move in to my house." "Okay po, Auntie," napipilitang pagpayag niya bago ito sundan. Napangiti siya at napausal ng maikling pasasalamat sa Diyos, after all that happened to her malakas pa rin ang paniniwala at pagtitiwala niya sa Diyos. Narating nila ang maliit ngunit magandang bahay, ito na siguro ang bahay ni Auntie Dindi. "Pasok, pasok," anyaya nito na binuksan ng malawak ang pinto. Agad niya tinanggal ang sapatos na suot at sinundan ito sa loob. Maayos ang pagkakaposisyon ng mga gamit sa loob at wala ni isang alikabok ang makikita roon. Inilibot niya ang paningin, malayo iyon sa masikip niyang apartment na dati niyang tinitirhan. "From now on, this will be my new home," bulong niya sa sarili saka pilit na ngumiti. It's hard to live all she was before the accident happened but she have to if she wants to live. "Maupo ka," wika nito na iminuwestra sa kanya ang kawayang upuan sa likod niya. "Opo, Auntie," she replied before taking a sit. "Ang ganda po ng bahay niyo, Auntie. Maliit pero malinis." "Aba, syempre naman. Hindi naman porket buong araw tayong mga teachers sa school e hindi na tayo dapat maglinis pagdating natin sa bahay. Remember, cleanliness is next to..." "Godliness." magkasabay nilang dugtong bago tumawa. Naupo ito sa tabi niya kaya naman pinihit niya ang katawan sa direksyon nito at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Auntie, salamat pa pagpapatuloy niyo po sa'kin dito. Lagi po kayong nandyan ni Tita Della sa tabi ko at kahit na hindi ko po kayo kadugo itinuturing niyo po akong pamilya," nangingilid ang luhang wika niya bago ito yakapin. Sobrang nagpapasalamat siya dahil sa pagdaan ng panahon ay hindi siya tinuring ng mga itong iba, laging bukas ang pinto ng mga ito para sa kanya lalo na nang magturo ang kanyang ina sa Ilocos at malayo sa kanya. "Hay nako, hija, 'wag kang umiyak diyan nahahawa ako magkaka-wrinkles ako niyan," pabirong sambit nito habang hinihimas ang kanyang likod. "Sorry po, Auntie. Alam niyo naman po kung gaano ako ka-thankful sa inyo ni Tita." "Ano ka ba naman? Syempre pamilya tayo kaya dapat magtutulungan at magsasaluhan. Kaloka kang bata ka," saad nito na mahina siyang pinalo saka humiwalay sa yakap. Pinunasan nito ang mga luha sa mata at ganoon din ang ginawa niya bago sila magkasabay muling tumawa. "Wag na tayong magdramahan dito. Ang mabuti pa kunin mo na 'yung mga gamit mo sa hotel para hindi na dumagdag pa 'yung babayaran mo," payo nito na ikinatango niya. Tumayo siya sa pagkakaupo at kumuha ng sapat na pera bilang pamasahe at pambayad sa hotel bago siya lumabas ng bahay. "Auntie, mauna na muna po ako," paalam niya sa lalaki na tumango at kumaway sa kanya. "Mag-iingat ka, bumalik ka kaagad." Tinanguan niya rin ito at ngumiti saka nagsimulang maglakad papunta sa paradahan ng tricycle. "Mukhang ito na nga 'yun, Xyrelle. Bagong pangalan, bagong bahay, bagong trabaho at bagong buhay. Maging masaya ka sana sa pinili mo," pagkausap niya sa sarili bago ibuga ang hanging nasa kanyang baga. _annmazing_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD