CHAPTER FIVE

1651 Words
GRACE IS MY NEW NAME XYRELLE GRACE VERNAULA UMAGA na nang magising si Xyrelle. Kumpleto ang kanyang tulog, ngunit ramdam niyang pagod na pagod pa rin siya. Dumiretso siya sa banyo upang maligo at ayusin ang sarili Kakain na lamang siya sa labas at maghahanap ng bahay na pwedeng upahan pagkatapos. Mabilis na natapos ang dalaga sa paliligo at nadatnan ang cellphone na nag-iingay na naman sa ibabaw ng kama. Kinipkip niya ang tuwalya sa magkabilang braso saka dinampot ang cellphone at sinagot ang tawag. It was Pamela with Gino, Ken and Jayda in the background. Paano niya nalamang naroon ang mga ito? Iyon ay dahil sobrang ingay at kilalang-kilala niya ang boses ng bawat isa sa mga ito. "Xyrelle, where are you? Bakit hindi ka pumasok ngayon?" tanong nito na sinundan ng komosyon sa background galing sa iba pa niyang mga kaibigan. "Let me talk to her," sabi ni Ken na halatang inaagaw ang cellphone kay Pamela dahil umaalma ito. "Ako muna, masasabunutan ko 'yang babaita na 'yan," si Gino sa nanggigil na tinig. "Calm down guys! I-loud speaker mo na lang, Pam, para marinig natin si Xyrelle at hindi kayo nag-aagawan ng cellphone riyan," saway at suhestiyon ni Jayda na nagpatahimik sa mga ito. "Are you guys done?" tanong niya sa naaaliw na tinig. She doesn't have the heart to lie to them, but at the same time she can't tell them the truth. Gaya ni Jiji-Ann ay sobrang malapit din sa kanyang puso ang mga ito. Kaya't sa ikatlong pagkakataon ay magsisinungaling siya. "Oo," sabay-sabay na sagot ng mga ito. "Now, answer all my questions," dagdag at utos ni Pamela sa maawtoridad na tinig na kasadalasang gamit nito kapag nagtuturo. "Okay. I'll answer now, Ma'am Pam. Fire it," she said teasingly while all her friends from the other line makes disagreeing noises. "I'm not going to teach there anymore, ipapasa ko na ngayon ang resignation letter ko and hopefully tanggapin ni sir dahil gusto ko na ditong magturo." And speaking of her resignation, kailangan niya na pala magsend n'un sa may-ari ng school at Dean. Sana naman sa pagkakataong ito ay payagan na siyang lisanin ang paaralan. "What?" "No!" "Why?" "You're joking, right?" All her friends said in unison, evidently shocked by what she just said. "I'm so sorry, teachers. It's just that, my aunt here asked me a favor to teach in her home town. Wala na kong nagawa kundi pumayag at alam niyo naman kung gaano ko kamahal ang pagtuturo kaya kahit saan ako dalhin okay lang sa'kin," pagsisinungaling niya sa mga ito. "Pwede ka naman magturo rito! Pwede ka naman hindi umalis! Gustong-gusto ng may-ari ang performance mo as a teacher kaya bakit kailangan mo umalis?" malungkot na tanong ni Jayda. "Pwede mo naman i-turn down 'yung favor ng tita mong 'yan dahil may buhay ka naman dito. Maganda ang sweldo at maayos ang reputasyon mo bilang teacher," dagdag ni Pamela. "Whatever makes you happy, Xy. I will support you," wika ni Ken sa sinserong tinig and she appreciates that kahit alam niyang may ibig itong iparating. "Hay nako! Nakakaloka ka! Masasabunutan talaga kita ng bonggang babaita ka! Hindi ka man lang personal na nagpaalam bago umalis! Nakakainis ka!" histerikal at malakas na sabi ni Gino na bahagya niyang ikinatawa, napaka-over acting talaga nilg isang 'to kahit kailan. "Ang OA, Gina. Kidding aside, pasensya na kayo. I am so so sorry for not personally telling you about my resignation and for not personally bidding you goodbyes. Alam ko kasing baka hindi niyo ko hayaang makaalis, mga dakilang kontrabida pa naman kayo," pabirong wika niya sa mga ito upang kahit papaano ay gumaan naman ang atmosphere. "At saka, hindi niyo naman kailangang mag-alala rito sa'kin. Maayos naman ako at masaya akong magtuturo ng mga bata." Pilit na ngumiti si Xyrelle sa sarili kahit na nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Nami-miss niya na kaagad ang mga ito kahit na isang araw pa lang siyang wala pero hindi na siya babalik pa sa bangungot na lugar na iyon kahit kailan kaya malabo na ring makita niya pa ang mga kaibigan. "Nasaan ka ba ngayon? Para kahit papaano kapag semestral break or summer break e madalaw ka namin," sambit ni Ken na sinang-ayunan naman ng iba pa. Bahagya niyang inilayo ang cellphone sa kanyang tenga saka mahinang napamura. Hindi niya naisip na itatanong nito iyon, wala siyang maisip na palusot kaya't sinabi niya na lamang ang mga katagang unang pumasok sa kanyang ulo. "I don't know what the place is called, hindi ko pa natatanong si tita hayaan niyo pagbalik niya itatanong ko. Pwede naman ako na lang ang-" Saved by the bell. Malakas na tunog ng bell ang pumutol sa iba niyang sasabihing palusot, magsisimula na ang oras ng klase. "Tatawagan ka na lang na'min ulit mamaya," ani Pamela bago niya narinig ang paalam ng iba pa. "Okay, teach with your heart," wika niya. "Teach with your heart." Sabay-sabay na wika rin ng mga ito bago ibaba ang tawag. Nakahinga ng maluwag si Xyrelle nang tuluyang maibaba ang tawag, muntik nang mablangko ang mga sasabihin niyang dahilan at palusot kanina, mabuti na lang talaga at nag-ring na ang school bell na nagligtas sa kanya sa tiyak na pagkabuking. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magsisinungaling at hindi niya alam kung hanggang saan siya nito dadalhin. Isinend niya muna sa may-ari ng school ang kanyang resignation letter bago mabilis na nagbihis. Lumabas siya ng naturang hotel, kumakalam na ang sikmura niya at kailangan niya ng pagkain para makapag-isip at magkaroon ng lakas para makahanap ng trabaho. Dala niya ang lahat ng requirements na kailangan upang makapag-apply bilang isang guro. While eating her breakfast, she received an email from their boss and he's approving her resignation. Muli ay nakahinga siya nang maluwag at nabunutan ng isang tinik sa dibdib. Trabaho at tirahan na lang ang kailangan niyang problemahin. "Hey, miss. I'm lost, can you take me home?" A small, but serious voice said. Agad na napalingon si Xyrelle sa isang batang lalaking sa tansya niya ay nasa apat o limang tanong gulang na. Walang pakudanga itong naupo sa upuang katapat niya, ni hindi man lang nanghingi ng permiso. Napailing siya bago ito pagmasdan. Hindi naman ito mukhang palaboy dahil maayos naman ang damit nito at kung palaboy man ito ay ayos lang din naman sa kanya. "Uhmmm... where are your parents?" she asked friendly before sliding a plate of spaghetti towards him. "I said, I'm lost so technically I don't know where my parents are," he answered innocently like it's the most obvious thing in the world before eating a spoonful of the delicious spaghetti. Nanlaki ang mga mata at alam niyang namumula ang kanyang pisngi dahil sa sinagot nito. She didn't expect him to answer in that tone and in that manner. Tama naman ito, hindi niya lang matanggap na straightforward ang magiging sagot nito ngunit sa inosenteng tinig. Tumikhim siya upang makabawi sa pagkapahiya bago muling nagsalita. "Saan ka ba nakatira? Bakit ka napadpad dito? Sigurado ka bang nasa bahay niyo ang parents mo? Bakit ka nila iniwan?" sunod-sunod na tanong niya sa paslit. "Miss, you're asking too many questions. I only asked you to take me home," muli ay sagot nito ngunit imbis na mainis ay naaaliw niyang pinagmasdan ito. He is answering her questions smartly and she likes that. Ngayon lang kasi siya nakaencounter ng ganito sumagot kahit nasa murang edad pa lang. "I'm asking because I want to help you. I want know where do you live. Paano kita maihahatid sa inyo kung hindi mo sasagutin ang tanong ko o sasabihin sa'kin?" she asked mimicking his tone and the way he say it. "Fine, but I will say it later. Tito Elixir said to not talk while eating," sagot nito bago muling itinuon ang pansin sa pagkain. Napatango-tango siya at awtomatikong napangiti, if she'll have a child she want him/her just like this kid. "Okay, I'll wait," sambit niya habang naaaliw itong pinagmamasdan. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito tuluyang naubos ang spaghetti. Kinuha nito ang panyo sa kanyang tabi saka maingat na pinunasan ang paligid ng mga labi nito. "So where are we?" tanong nito nang matapos sa ginagawa na para bang isang matandang nakikipag-meeting. "In the part where you will say where you live," sagot niya habang itinutupi nito ng maayos ang panyo niya at ibinabalik sa kanya. "Oh right. I live in Purok Cinco, Ogao," sambit nito bago mabilis na tumayo sa kinauupuan at naglakad palabas. Naaliw at hindi makapaniwalang pinagmasdan niya lang ito. Napansin siguro nitong hindi siya nakasunod kaya lumingon ito sa gawi niya saka sumenyas. "You coming or not?" tanong nitong nakakunot ang noo, naiiling na tumayo na lang siya saka naglakad palapit dito. Sumakay sila ng tricycle na ito mismo ang tumawag at nagsabi sa driver kung saan sila dapat ihatid. Habang nasa biyahe ay seryoso lang itong nakatanaw sa labas kaya naman ginaya niya na rin ito at napagmasdan niya ang kulay berdeng paligid na hindi mo makikita sa siyudad. "What's your name, kiddo?" bigla ay tanong niya bago ito lingunin. "Barrett Caliente and you?" wika nitong hindi tumitingin sa direksyon niya. "Grace," she blurted out. "Grace what?" bumaling ito sa kanya nang nakakunot noo. "Grace..... Grace Vernaula.... Yes, I'm Grace Vernaula," alanganing sagot niya habang nakangiwi na pilit kinukumbinsi si Barrett na mukha namang hindi naniniwala. "Really?" hindi kumbinsidong tanong nito na naniningkit ang mga mata. "Yes. I'm Grace Vernaula," tugon niyang muli na inuulit ang pangalan niya. "Really? Then why do you say it like that?" "Like what?" nagtatakang tanong ni Xyrelle sa batang katabi. "Like you're not sure if that's your name," Barrett said while looking at her more suspiciously. "Of course, that's my name. I'm Grace Vernaula," she said with a wide smile then wink at him. 'And I'm going to live my new life with that name.' _annmazing_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD