CHAPTER FOUR

1530 Words
NEW BEGINNINGS XYRELLE GRACE VERNAULA MAHIGIT anim na oras pa ang biniyahe nila bago marating ang pinakadulong istasyon ng sinakyan niyang bus. Buong durasyon ng biyahe ay nakatanaw lang siya sa labas ng bintana, hindi na niya hinayaan pa ang sariling makatulog ulit dahil baka makita na naman niya ang sariling nakayakap sa gwapong binatang katabi. Hindi na rin siya nito sinubukang kausapin dahil nagsalampak siya ng earphones sa kanyang tenga pagkasakay na pagkasakay niya pa lang kanina matapos magtanghalian. Ngayon ay may kausap ito sa cellphone habang isa-isa nang nagbababaan ang mga natirang pasahero. Hindi siya makikipagsabayan sa pagbaba, ayaw niyang mabugbog pa lalo ang katawan niya dahil sa pakikipagsiksikan. Gusto niya na lang ihiga ang pagal at nangangawit na katawan sa malambot na kama sa hotel na binook niya kanina habang nasa biyahe. Malapit lang iyon sa bus station at bukod pa roon ay isang sakay lang ng tricycle ay mararating mo na ang bayan upang makabili ng mga dapat mong kailanganin kaya iyon ang napili niyang panatilihan sa loob ng isa o dalawang araw. Naubos na ang tao sa loob ng bus, nakababa na rin ang binatang katabi niya kanina. Huminga siya nang malalim bago tumayo na rin at naglakad pababa ng bus. "To new beginnings," mahinang bulong niya sa malamig na hangin na sumalubong sa kanyang mukha. Nakita niyang nakatayo sa gilid ang binatang katabi kanina habang hawak pa rin ang cellphone nito at may kausap. Nag-angat ito ng ulo at tumingin ng direkta sa kanya saka ngumiti, mabilis na ibinaling niya ang mga mata sa ibang direksyon at dumapo iyon sa tatlong mga babaeng nagbubulungan habang nakatingin kay Mr. Arogante. Mabilis na nakaramdam siya ng pagkainis na nagpakunot ng kanyang noo bago padabog na naglakad patungo sa direksyon ng mga ito. "Grabe sobrang gwapo niya sa personal," kinikilig na wika ng isa. "Oo nga siguro gwapo rin 'yung ibang members," namimilipit naman na sagot ng isa na kulang na ay maihi sa sobrang kilig habang nakatingin kay Mr. Arogante. "Sigurado 'yun lalo na si Craig," the third girl said dreamily. "Bakit kaya siya nandito? Magpe-perform kaya sila sa darating na fiesta? Nasaan 'yung ibang members? Kasama niya kaya?" tanong ng unang babaeng nagsalita kanina. "Lapitan kaya natin siya tapos tanungin. Gusto ko rin kasi magpa-picture kasama siya," suhestiyon ng isa na ikinairap niya sa hangin saka ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng istasyon. "Tss, ang haharot naman ng mga 'to," naiinis na bulong niya nang makalampas sa mga ito. Every step of Xyrelle becomes a heavy stomp. "Is he some kind of a celebrity para magpa-picture pa?" patuloy na tanong niya sa sarili. "Oh my God! Oh my God! Papalapit siya sa'tin!" matinis na tili ng isa na nagpahinto sa kanya sa paghakbang. "At talagang lumapit pa, ah. Maybe he wants all the attention he's getting from this girls. Mga lalaki nga naman," nanggigil na sabi niya kahit na alam niyang wala naman siyang karapatang magselos. 'Wait... saan nanggaling 'yung 'selos'? Hindi ako nagseselos, sino ba siya?' naiinis at takang tanong niya sa sarili saka pinilit na ihakbang ang mga paa ngunit narinig na naman niya ang malakas na tili ng isa sa mga babae. "Akin siya! Akin si Elixir!" Narinig niyang umalma ang dalawang babaeng kasama nito at ipinilit din ang sarili kay Elixir aka Mr. Arogante. "So, his name is Elixir, huh? Suits him well," she said unconsciously, admiring how his name fits his manly features and imagining what does it feel when his name rolls out from her tongue. But, she again heard the screams and shrieks of the three girls which interrupted her daydreaming. "Kailan ba sila titigil? Nakaiinis na, nakasisira ng gabi," bitter na sabi niya saka isasalampak na sana ang earphones sa tenga nang narinig niya ang boses nito. "Hey." Agad na pumihit siya paharap sa binata kahit na hindi siya sigurado kung siya ba tinatawag nito. Ngumiti ito sa ginawi niya saka mapaglarong kumaway sa kanya bago humakbang palapit. "It was so nice meeting you and I hope to see you around soonest," nakangiting wika nito na ikinabilis muli ng t***k ng kanyang puso. Why is it that everything he says always catches her off guard? Hindi niya alam kung kailan ito naghahambog o nagseseryoso, napaka-random nito pero gusto niya iyon. He's unexpected and random that she's sure as hell will bring excitement to her BORING life. "Well, I hope I don't see you around. Bye," masungit na kontra niya upang itago ang kilig na nararamdaman dala ng sinabi nito saka mabilis na tumalikod. "I believe in the law of attraction, so I will see you around, Miss Sungit," sambit nito na mas lalong nagpakilig sa kanya. He already has an endearment for her! At kahit na ayaw niya pang humakbang ay pinilit niya ang sarili para lang ipakitang hindi siya naaapektuhan ng mga sinasabi nito. Dire-diretsong naglakad ang dalaga palabas ng istasyon at mabilis na tumawag ng tricycle upang magpahatid sa hotel kung saan siya tutuloy. "This is it, new beginnings," sambit niyang may malawak na ngiti sa mga labi. PABAGSAK siyang humiga sa malambot na kama, hindi na siya nag-abala pang magpalit ng damit, mamaya na lang siguro kapag nakapagpahinga na siya. Nakakain na siya kanina sa katabing kainan ng hotel dahil walang room service ang naturang hotel kung nasaan siya ngayon. Nagsimula nang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata hudyat na makatutulog na siya ngunit naudlot iyon nang biglang mag-ingay ang cellphone sa kanyang tabi. "Ano ba naman 'yan?" inis na wika niya bago sagutin ang tawag. Nag-aalalang boses ng matalik na kaibigan na si Jiji ang bumungad sa kanya. "Xy? Nasaan ka ba? Sabi ni tita Della umalis ka raw ng walang paalam? Ano bang nangyayari sa'yo? Totoo bang natanggal ka sa school na pinapasukan mo? Bakit ngayon ka lang sumagot sa mga tawag ko? Magsalita ka naman, o," walang patid na sambit nito sa sobrang pag-aalala. Bumuntong-hininga siya bago magsalita at sagutin ang kaibigan. "Paano ako makapagsasalita kung daldal ka nang daldal diyan?" Natatawang pamimilosopo niya sa nag-aalalang kaibigan. "Hindi ako nakikipagbiruan, Xyrelle Grace Vernaula. Ano, ligtas ka ba?" tanong nito na seryosong-seryoso ang tinig. Alam niyang hindi na ito nakikipagbiro dahil tinawag na siya nito sa kanyang buong pangalan. "Nagjo-joke lang, e. First of all, I'm safe kaya pwede ka na kumalma, Jiji-Ann," she replied trying to calm her worried best friend, but it's no use because Jiji's voice is still shakey. "Nasaan ka ngayon? Bakit hindi ka nagpaalam kay Tita Della? Tell me what's really happening because I'm worried. Hindi ako makakatulog ngayong gabi kapag hindi ko nalamang nasa maayos kang kalagayan." Napabuntong-hininga si Xyrelle. Maybe it's time to explain to her best friend and tell what happened, but of course not everything. "Ngayon, nasa Sorsogon ako. I don't know what town, but I'm safe and sound. I'm staying in a decent hotel. Tita Della will send me here in the morning, but I can't wait any longer kaya gabi pa lang ay umalis na ko sa bahay niya. Hahanapin ko na lang si Tito Dindo este Tita Dindi kung wala talaga akong mahanap na tutuluyan. And whatever Tita Della told you, it's true. Yes, it's true that I got fired because I had a conflict with one of my student's parent," mahabang litanya niya upang ipaliwanag ang lahat sa kaibigan at upang mapanatag din itong nasa maayos siya. Ayaw niya itong pag-alalahanin o pag-isipin. Well, sa pagsisinungaling nga lang, but atleast, that makes Jiji calm for a while. She also don't want to drag anyone else to her mess. "But why did you have to go that far?" nagtatakang tanong nito, bumangon siya sa kama at sinuklay ang mahabang buhok gamit ang mga daliri. Jiji's question caught her off guard, she hates to lie to her—she can't lie to her—but she can't tell Jiji the truth because for sure it will just make her cry. Xyrelle's traumatized from what she saw and she can't narrate the story without the blood and horrid killing popping into her mind. Naisip niya pa nga lang ngayon ay nanginginig na siya sa takot, she should probably take a bath after this call. Iyon ay kung hindi pa siya makatutulog. "Because... Because... I want to move on. Ilang taon na kong nagtuturo sa school na 'yun at masakit sa'kin na matanggal nang ganoon lang kadali," wika niya bilang palusot. Her friend on the other line heaved a sigh, probably believing her alibi. "I respect your decision and I'll be praying for your healing, Xy. I know you're hurting, but you're a teacher, and a teacher can overcome anything," she said comforting and boosting her spirit. Napangiti siya, Jiji always says the right words at the right time and that's why she loves her best friend so much. "Thank you, my loves. I love you," malambing na sabi niya, calling her their endearment. "I love you, too. Always take care of yourself," sagot nito bago magpaalam at patayin ang tawag. Nakahinga siya ng maluwag kahit na nagu-guilty siya dahil sa pagsisinungaling dito. Ipinikit niyang muli ang mga mata, kailangan niya ng pahinga dahil bukas alam niyang marami pa siyang problemang haharapin. _annmazing_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD