When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
MATAPOS ‘KONG MAGTAPAT – kinain ko ang pride ko sa pagkakataong ‘yon at pinagmukha kong tanga ang sarili ko sa pagkakagusto ko sa kanya, ayon, nang-iwan siya sa ere! Tumayo siya at naglaho. Na ghosting ako ng mutlo! Alas-dos na ng hapon, ‘di pa rin siya nagpapakita. Kanina ko pa siya tinatawag – sinabi kong sasagutin ko ang tanong niya tungkol sa patutunguhan ng mga namatay na, na sa tingin ko ‘di na naman kailangan pa, pero nasabi ko na rin dahil nauubusan na ako ng rason para magpakita siya. At sinabi kong balewalain niya na lang ang mga sinabi ko. “Sunshine naman!” muling tawag ko sa kanya. Matutulog sana ako dahil parang kailangan pa ng katawan ko ng pahinga, kaso siya ang nakikita ko sa pagpikit ko. At hindi ako mapakali na ‘di ko malaman kong ano ang tugon niya sa ipinagtapat