When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAGISING AKO SA pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha. At sa pagdilat ko, mas nakita ko ang liwanag, kakaibang liwanag. Liwanag na hindi masakit sa mata, liwanag na masarap pagmasdan na awtomatikong gumuhit ng matamis na ngiti sa aking labi. “Magandang umaga, Sunshine,” bati ko sa kanya. “Magandang umaga, Lukas,” nakangiting tugon niya. Tagilid kaming nakahigang dalawa at magkaharap sa isa’t isa. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Napakagaan ng umagang ito. Napakasarap. Napakapayapa. Na labis kong ipinagpasalamat sa Diyos, para sa ibinigay niyang bagong umaga. Nagsisilbi naming musika ang huni ng mga ibon sa labas. Nakuntento akong pinagmasdan lang siya. Parang ayaw kong bumangon. Kahit maghapong ganito lang kami, okay na sa akin ‘yon. Ngunit bigla siyang sumimangot at sinamaan ako