When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
MAKALIPAS ANG APAT AT KALAHATING TAON, TAONG 2019 IKA-ISA NG NOBYEMBRE. Huminto ang minamaneho kong kotse sa Hangganan. Pagbaba ko, nakangiting sinalubong ako ni Jane. Lalo siyang gumaganda, halatang in love. Hinatak niya ako sabay angkla sa braso ko. “Ang aga mo ngayon, ha?” tanong niya. Alas-otso pa lang ng umaga narito na ako sa baryo Madulom galing Maynila. Pero bago ako pumunta rito, dumaan na muna ako sa sementeryo kung saan nakalibing sina Cecilia at Mang Pedro. “Mamayang gabi kasi, sabay-sabay kaming buong pamilya na dadalaw kina mama at papa. Dapat bukas, gaya ng nakagawiin, kaso may kanya-kanyang lakad ang pamilya ng mga tita ko,” sagot ko. Kapwa ako niyaya ng dalawang tita ko na sa bakasyon ng pamilya nila sumama, pero tumanggi ako at mas pinili kong samahan na lang