When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
DAHAN-DAHAN KONG minulat ang aking mga mata. May naaninag akong taong nakatingin sa ‘kin. “Lukas, apo,” narinig kong tawag niya sa ‘kin, si lolo. Ilang saglit pa, naging malinaw na ang imahe niya. “Si Sunshine?” tanong ko. Siya ang una kong hinanap. Babangon sana ako mula sa pagkakahiga ko, pero pinigilan ako ni lolo. “Dalawang araw kang walang malay, baka hindi mo pa kayanin?” sabi ni lolo na ikinagulat ko. “Dalawang araw po?” tanong ko. Tumango si lolo. Napansin ko na lang na may nakakabit na suwero sa ‘kin at nang malingat-lingat ako sa paligid, napagtanto kong nasa ospital pala ako, sa pribadong kuwarto. “Ang tinutukoy mo bang Sunshine, ay ang liwanag?” tanong ni lolo. “Opo,” sagot ko. “Nasaan siya? Gusto ko siyang makita.” “Tatawagin ko ang doktor,” sabi ni lolo. Hindi niya ako