When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAGING HUDYAT ANG pagpapakita ni Elizabeth para ibuhos ni Sunshine ang lakas niya – nag-anyong halimaw siya. Nang mga oras na ‘yon dumidilim na ang paningin ko dahil sa pagkakasakal sa ‘kin, tila wala nang dugong dumadaloy sa utak ko. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig kasabay nang narinig kong sigaw ni Sunshine. Napapikit ako sa sakit – pero ‘di naman gano’n kasakit, para namang ‘di pa nasanay ang katawan ko sa gano’ng eksena. Nang makabawi ako ng kontrol sa sarili ko, bumangon ako. Nasa harap ko na si Sunshine, pinoprotektahan niya ako laban sa tatlong multong kaharap niya, mga limang dipa ang layo sa ‘min. “Sunshine!” paawat na tawag ko sa kanya at hinawakan ko siya sa kamay. Inalis niya ang kamay ko. “Bitiwan mo ako. Hindi ako makakalaban kapag hawak mo ako,” madiing sabi