When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAPATAYO KAMI NI Sunshine. At hindi pa man namin nabibigkas ang pangalan ni Mang Pedro, napunta na siya sa harapan namin na ikinagulat naming dalawa – at nagbigay siya ng babala. “Humanda kayo. Hindi na kinaya pa ng proteksiyon ng bahay. Kasunod ko na sila!” “Sinong sila?” pagtataka ko. Pinukol ng tingin ni Mang Pedro si Sunshine bago ito sumagot. “Ang mga multong nais muling mabuhay at angkinin ang katawan ng liwanag.” “Narito sa bahay na ‘to ang katawan ni Sunshine?” gulat na tanong ko. “Mamaya ko na ipapaliwanag – kapag nakaligtas kayo sa kamatayan,” madiing sagot ni Mang Pedro. Kapag nakaligtas sa kamatayan? Puwedeng hindi? “Lukas, kailangan mong protektahan siya, at ikaw lang ang makakapagpaalis ng mga multo sa bahay. Pero kailangan mo ring protektahan ang sarili mo, dahil ang kam