When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
SA NAKAKA-TOUCHED NA eksena namin ni Sunshine na pagpapahayag ng pagmamahal namin sa isa’t isa, pinagtawanan lang kami ng multong si Elizabeth. Sarap niyang sipain sa mukha! Pambihira! “Sa ilang araw n’yo pa lang na magkakilala, itinataya n’yo na ang buhay n’yo para sa isa’t isa? Kilig ako! Grabe! Mga ulol!” sarkastikong komento ni Elizabeth, at binigyan niya pa kami ng palakpak. “Naaawa ako sa ‘yo, Elizabeth,” pahayag ni Sunshine. “Dahil hindi mo pa naranasan ang pagmamahal. Hindi pag-ibig ang meron ka para kay Migs, kundi isang kabaliwan!” “‘Wag mo akong husgahan! ‘Wag mong maliitin ang nararamdaman ko para sa kanya!” gigil na sagot ni Elizabeth. “Nangako siya. Sinabi niyang mahal niya ako. Sinabi niyang iiwan ka niya para sa ‘kin!” “Pero ako pa rin ang pinili niya. At ano ‘to? Ikaw