When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“KKB TAYO, HA?” pabirong paalala ni Sara nang marating namin ang karenderya na malapit lang sa grocery store na pinapasukan nila ni Jane. Naupo kami sa apatang mesa. “Libre ko na,” presenta ko. “Seryoso?” galak na tanong ni Sara. Tumango lang ako. “Parang nakakahiya naman ata ‘yon. Kami kaya ang nagyaya. Nagbibiro lang naman si Sara,” pahayag ni Jane. Naramdaman ko ang pagkailang niya. “Okay lang, wala ‘yon. Bukod kay Mang Caloy, kayo ang una kong nakilala sa lugar na ‘to. Masaya akong may bago akong kakilala,” sabi ko. At totoo ‘yon. “Sigurado ka? Wala nang bawian kapag naka-order na kami,” nakangiti nang sabi ni Jane. Nakangiting tumango ako. Sa totoo lang, ‘di ko na matandaan kung kailan ako may nilibre. Kaya natutuwa ako. “Wala na talagang bawian! Mag-e-extra rice ako!” napatili