When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“PUWEDE BA, SUNSHINE, pakinggan mo naman ako!” madiin at iritang sabi ko kay Sunshine. Palabas na ako ng pinto ng bahay bitbit ang sombrero, hoody jacket at shades ko. Papunta ako ng bayan para bumili ng igagamot sa mga natamong sugat ko at bibili na rin ng mga pang-ulam. Naubos na ang pang-isang linggong ulam-ulam ko. Akala ko nga aabot pa ng ilang araw ang mga pinamili ko, kaso hindi. Minsan kasi kumakain si Sunshine kasabay ko at ‘di ko pa rin alam kung saan napupunta ang kinakain niya. Kanina, matapos kong malinis ang mga sugat ko, kumuha ako ng malunggay sa bakuran para ipanggamot. Naalala ko noong bata pa ako, ‘yon ang ginagamot ni mama sa sugat ko tuwing nadadapa ako. Natakot pa akong lumabas kanina para kumuha ng dahon ng malunggay baka kasi nando’n pa ang multo o may iba pang mult