When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
“SA BARYO MADULOM,” sabi ko sa tricycle driver pagkasakay ko sa minamaneho niyang traysikel. Walang imik na nagmaneho ang drayber, ni ‘di ito nagtanong kung saan sa baryo Madulom. Katabi ko sa upuan si Sunshine at kapwa diretso lang ang aming tingin. “Ikaw na naman ang sinaktan ng multong ‘yon. Lukas, sana hindi ka galit sa ‘kin.” Nilingon ko si Sunshine sa sinabi niya. Bahagyang umiling ako para sabihin sa kanyang hindi ako galit at tahimik akong ngumiti. Niyakap ko na ang tadhana kong maging sinag niya, kaya ‘di ko siya dapat sisihin sa ano mang posibleng masamang mangyari sa ‘kin. Kahit pa may malakas na pitik na takot sa dibdib ko. Nagkatinginan kami ni Sunshine nang lumagpas sa Hangganan ang pagmamaneho ng drayber. Buong akala ko ay ibababa ako ng drayber sa Hangganan. Na baka kila