When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
KINABUKASAN, NAGISING AKO sa sikat ng araw na pumasok sa kuwarto mula sa bintana, at sa huni ng mga ibon at mga insekto sa labas. Pagdilat ko, isang napakagandang tanawin ang tumambad sa ‘kin, ang matamis na ngiti ni Sunshine. Patagilid kaming nakahiga at nakaharap sa isa’t isa. Hinaplos niya ang mukha ko, naramdaman ko ang lamig ng palad niya na unti-unting nagkaroon ng init nang hawakan ko ang kanyang kamay. At mas nagpagaan ‘yon sa aking pakiramdam. “Magandang umaga, Lukas,” nakangiting bati niya sa akin. “Magandang umaga, Sunshine,” nakangiting tugon ko at hinalikan ko ang kanyang kamay na aking hawak. “Maayos ba ang tulog mo?” tanong niya. Nakangiting tumango ako, at pinagmasdan ko lang siya at ninamnam ang mga sandaling ‘yon. Lumipas ang mga oras at unti-unting bumubuti ang aming