When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
NAGASING AKONG NASA kuwarto na ng bahay. Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa malimlim na ilaw sa kisame. Dahan-dahan akong naupo. Ang huling naaalala ko, nakalutang ako sa hangin sakal ng babaeng multo. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto para hanapin si Sunshine. Nakita ko siyang nakatayo at nakatitig sa lalaking ngayon ko lang nakita. Hindi multo ang lalaki. Masasabi kong halos kaedad ko lang siya at may kaya sa buhay, ‘yong tipong anak mayaman. Nakatayo siya sa gilid ng kama at nakatayo si Sunshine malapit sa kanya. “Sino ka?” tanong kong akma akong tatayo palayo. “Hindi ako masamang tao,” paliwanag ng binata para pigilan ako at aalalayan ako sa pagbangon. “Ako si, Migs,” pagpapakilala niya. Umiwas ako nang hahawakan na niya sana ako sa braso. “Pa’no ka napunta rit