Chapter Eight

1594 Words
Chapter Eight Six years ago… “Rico…” Hilam ng luha ang kanyang mukha habang tinitingnan ang katawan ng kanyang kapatid. Hindi niya akalaing ang pagyakap niya sa kapatid kahapon ay huli na pala. Tatlong araw nang mataas ang lagnat ng kanyang kapatid at kahapon ay nakita niya ang pagdugo ng ilong nito. Sinabihan niya ang kapatid na mamamalimos siya para madala niya ito sa doktor pero pagbalik niya ay wala ng buhay ang si Rico. Ang sabi ng kanilang mga kapitbahay ay namatay ito sa sakit na Dengue. Dahil sa kakulangan nila ng pera ay hindi man lang nila nadala sa pagamutan si Rico. Umiiyak ang nanay niya habang yakap ang wala ng buhay niyang kapatid. Lalapitan na din sana niya si Rico ngunit pinanlisikan siya ng tingin ng kanyang nanay. “Umalis ka dito! Hindi ko kailangan ang isang tulad mo! Simula nang dumating ka sa buhay ko minalas na ako! Buwisit ka sa buhay ko! Nagkandaleche-leche na ang buhay ko dahil sayo!” *** One year ago… “Jemina,” tawag sa kanya ni Sir Miguel. Nasa kwarto siya ng pinatawag siya ng amo at pinapapunta sa opisina nito. “Sir? Ano pong maipaglilingkod ko?” tanong niya. Malaki ang utang na loob niya kay Sir Miguel. Malaki ang naitulong nito sa kanya. Si Sir Miguel ang nagpalibing sa kanyang kapatid at kinupkop siya nang palayasin siya ng kanyang nanay. At ngayon ay lubos siyang nalulungkot nang nalaman niya na may sakit ang lalaking tumulong sa kanya. “Jemina, may gusto sana akong hilingin,” sabi ni Sir Miguel sa kanya. “Ano po iyon?” “Pakasalan mo ang anak ko.” Napalaki ang mata niya dahil sa narinig. Para siyang nabingi sa sinabi ni Sir Miguel sa kanya. “Po?” “Pakasalan mo si Roman, Jemina,” pag-uulit sa kanya ni Sir Miguel. Ngumiti naman siya at umiling. “Pero hindi po ako gusto ng anak niyo. Hindi po ako mahal ni Roman,” sagot niya. Totoo naman kasi, malaki ang pagka-disgusto sa kanya ni Roman at kitang-kita naman niya iyon. “Pero alom kong mahal mo siya.” Natahimik siya. Tinatanong niya ang sarili kung papaano nalaman iyon ni Sir Miguel. “Alam mo Jemina, kitang-kita ko sa mga mata mo na mahal mo anak ko. Alam kong nagnanakaw ka ng sulyap sa anak ko.” Hindi naman niya itinatanggi iyon. Hindi niya rin malaman kung bakit siya nahulog sa anak nito gayong wala namang ginawa ito kung hindi ang maging suplado sa kanya. Anim na taon. Anim na taon na niyang minamahal si Roman ng lihim. “Tama po kayo Sir. Mahal ko si Roman. Pero hindi po ako mahal ng anak niyo. Ayaw ko naman po ikulong siya sa akin,” sagot niya. “Jemina, hindi palang niya nare-realize na mahalaga ka sa buhay niya. Bigyan mo ng pagkakataon. Baka sakaling mag-work. Naniniwala akong mamahalin ka din ni Roman. Matututunan niya na mahalin ka. Maniwala ka.” “Sir, hindi po papayag niyan si Roman.” “Huwag kang mag-alala, pumayag na siya. Pumayag siya sa kahilingan ko.” *** Somewhere in Northern Luzon “Kumusta siya?” tanong niya sa kaibigan niyang doctor. Napailing ang doktor at bumuntong hininga. “No progress. Still in coma. Grabe ang damage sa kanya. She has a cracked skull, broken jaw, and broken ribs. Nagtubig na din ang kanyang baga,” paliwanag ng doktor sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamao niya. Hindi niya akalaing sasapitin ito ng babae. Halos patay na ito nang makita niya. “Anong plano mo sa kanya?” tanong ng kaibigang doktor. “I will keep her for the mean time,” sagot niya. Nagulat sila nang biglang mag-alarm ang Holter Monitor na nakakabit sa babae—indikasyon na nasa peligro ang buhay nito. Hanggang sa nakarinig sila ng matining na tunog. Tunog na bibingi sa kanya. Kasabay nito ang pagtuwid ng linya sa Holter Monitor. “No!” *** “Mary Sol, asaan ang si Roman? Kahapon ko pa siya kinokontak at hindi naman sumasagot,” tanong ni Miguel habang kumakain sila ng hapunan. Napatigil naman sa pagkain ang ginang. “Hindi ko alam. Wala siyang sinabi sa akin kung saan sila nagpunta.” “Ang alam ko magkasama sila ng asawa niya nang pumunta sa kasal nila Neptune at Tanya.” “Wala akong alam diyan, Miguel. Malaki na ang anak mo. Pabayaan mo na muna.” Ilang araw nang walang paramdam sa kanya ang anak. Kahit si Jemina ay hindi niya ma-contact. Nag-aalala siya lalo na para kay Jemina. May mabigat na damdamin siyang nararamdaman. Tila ba may masamang nangyari kay Jemina.                                                              *** BERGAMO, ITALY Napabuntong hininga siya. Nakatingin lang siya sa kawalan habang umiinom ng beer. Pakiramdam niya sinusundan siya. Pakiramdam niya ay may nakamasid sa kanya. Pakiramdam niya may bumubulong sa kanya. Malayo na siya sa Pilipinas. Hindi na dapat siya nag-aalala. Walang makakaalam ng kanyang ginawa. Hindi naman niya sinasadya. Hindi niya akalaing mapapatay ang kanyang asawa. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang ina. “Ma?” “Bakit anak? ayos ka lang ba dyan?” “Pakiramdam ko nakokonsensya ako sa nagawa ko.” “Roman makinig ka. Take this opportunity. Wala ng basura sa buhay mo. Malaya ka na ng husto. Walang makakaalam ng nangyari, anak ko.” *** “Isang bangkay ng babae ang natagpuang palutang-lutang sa dalampasigan dito sa Dinggalan, Aurora. Tinatayang nasa edad bente uno ito, mahaba at itim ang buhok. Nakasuot ito ng isang infinity dress na kulay berde. Tinatayang apat na araw ng palutang-lutang ang bangkay. Dinala na sa isang purinarya ang labi ng nasabing babae.” Pakiramdam ni Miguel ay para siyang nauupos na kandila. Hindi niya maintindihan ang sarili. Malakas ang kutob niya na si Jemina ang tinutukoy na babae sa balita. Kahit kailan ay hindi siya binigo ng kanyang kutob. Nang marinig niya ang balita ay tila tumigil ang mundo niya. Napansin niya ang asawa na nanlalaki ang mga mata. Na tila nakakita ng multo. “Mary Sol, nasaan si Roman?” tanong niya. Umiling ang kanyang asawa. “Hindi ko alam!” “Nasaan si Jemina?!” tumaas na ang boses niya. “H-hindi ko alam! W-wala akong pakialam sa basurang iyon!” May nangyaring masama. May nangyaring sabwatan. May alam ang asawa niya. Hinatak niya ang asawa at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso nito. Nanggigigil siya. Gusto niyang saktan ang asawa ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. “Nasaan sila?!” Madiin ang pagkakabigkas niya sa bawat salita. Kitang-kita niya ang pagka-gulat at takot sa mga mata ng kanyang asawa. “Wala akong alam Miguel! Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!” “’Wag mo ng ilihim sa akin! Nasaan sila Roman?! Nasaan si Jemina?! Anong ginawa niyo kay Jemina?!” sigaw niya. Ngunit bago pa man sumagot si Mary Sol ay nakaramdam siya ng kakaiba. Bigla na lamang nanikip ang kanyang dibdib. Tila may nakaharang sa daanan ng hangin niya. Pilit siyang humuhugot ng hininga pero hindi niya magawa. Nabitawan niya ang asawa at natumba siya. Hawak ang dibdib niya at hirap na hirap. Nakita niya ang tila mapaglarong ngiti sa labi ni Mary Sol habang pinapanuod siyang naghihirap. “Walang makakaalam, Miguel. Wala.” *** BERGAMO, ITALY Nang marinig niya ang pagtunog ng telepono ay agad niya itong sinagot. Sumimsim muna siya ng kape bago nagsalita. “Ma?” “Roman,” sambit ng kanyang ina na si Mary Sol. Dinig niya ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya. “Patay na si Miguel. Patay na ang papa mo.” Napatayo siya dahil sa narinig. At hindi niya maintindihan kung bakit tila naririnig niya ang boses ng kanyang asawa. “Balang araw, lahat ng ginagawa mo sa akin ay babalik din sayo. Kakarmahin ka!” Ito na ba ang sinasabi niyang karma? “Papaano namatay si papa?” tanong niya. Nanginginig ang kanyang buong katawan at tila nawalan ng lakas. Mabuti na lamang at malapit ang isang upuan sa kanya at dahan-dahan siyang naupo. “Inatake siya sa puso. Bukod pala sa colon cancer ay may sakit ito sa puso. Kahapon din ay natagpuan ang bangkay ni Jemina.” Nang marinig iyon ay tila nanlamig ang kanyang katawan. Nakailang beses siyang lumunok. Kinakabahan sa bawat nangyayari. “Nakita ni Miguel ang balita at kinompronta ako. Doon na siya inatake sa puso. Anak, the lady luck is still ours. Nalaman man ni Miguel, he died right after. Ang bangkay naman ni Jemina ay hindi pa din nake-claim.” “Ma, papaano kung malaman nila? May maghahanap pa din sa kanya. Sila Tanya hahanapin siya.” “Madali lang iyan, leave it to me anak. Just relax.” *** “Ang bangkay na nakita sa Dinggalan, Aurora ay kinilala bilang si Jemina Castillo- Silverio. Bente uno anyos at asawa ni Roman Silverio. Ayon sa sanaysay ng ina ni Roman Silverio na si Mary Sol Silverio, galing sa kasalan ang mag-asawa sa Tagaytay. Naisipan nila na pumunta sa kanilang rest house sa Dinggalan, Aurora pagkatapos ng kasalan. Sinasabing nagkaroon ng malaking pagtatalo ang mag-asawa. Lumabas ng bahay si Roman Silverio at naiwan ang asawa nito. Pagkalipas ng dalawang oras ay umuwi na si Roman Silverio sa kanilang rest house at doon niya napagtantong nawawala ang asawa. Sinasabing nagpakamatay si Jemina Silverio. Narito ang pahayag ni Mary Sol Silverio.” “Ano bang kamalasan ang nangyari sa pamilya namin?! Magkasunod na namatay ang asawa at manugang ko! Ang anak ko ay na-depress sa mga nangyayari.” *** Napaismid na lang siya habang pinapanuod ang balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD