Chapter Seven
One year ago…
“Can you please listen to me?” Napatigil sila sa pagkain nang magsalita si Miguel. Kumakain sila ng kanilang hapunan at ramdam ni Roman na may mahalagang sasabihin ang kanyang ama.
“What is it, Papa?” tanong niya. Pinunasan pa muna niya ang kanyang albi ng table napkin bago muling tumingin sa kanyang ama.
“Last week,” pagsisimula nito. “Nagpacheck up ako.” Napataas ang kilay ng kanyang ina na si Madam Sol. Halata sa kanyang in ana wala itong kahit anong ideya na nagpa-check up ang kanyang ama.
“Why Miguel? Are you not feeling well? Bakit wala kang sinasabi sa akin?” tanong ng kanyang ina.
“Yes. Madalas ako makaranas ng pananakit ng sikmura. Hindi ko sinabi sa inyo dahil ayoko kayong mag-alala. But last week sobrang sakit ang naramdaman ko thats why I decided to see a doctor. I just found out that I have colon cancer stage 3,” paliwanag sa kanila.
Katahimikan.
Kahit isa sa kanila ni Madam Sol ay walang nagsalita. Hindi siya nakapaniwala. Hinahanap niya sa mukha ni Sir Miguel kung nagbibiro ba ito at pina-prank lang sila ng kanyang ina ngunit hindi. Seryosong-seryoso ang mukha ng kanyang ama. Walang lugar ang biro sa reaksyong ipinapakita ni Sir Miguel.
Gumagapang ang takot sa kanyang dibdib, ngayong nalaman niya na may karamdaman ang kanyang ama at ano mang oras ay maaari na silang iwanan nito. Parang hindi niya yata kakayannin kung ganoon nga ang mangyayari.
“Don't leave us papa,” sabi niya. Ngumiti ang ama ngunit hindi man lang ito umabot sa mga mata ni Sir Miguel. Ngumiti ngunit malungkot.
“Hindi ko maipapangako anak.”
“Pero Miguel, may gamot iyan ‘di ba? Gagaling ka. You can undergo chemotherapy or surgery to remove cancer cells—" hindi na natapos ang sinasabi ni Mary Sol nang magsalita ang kanyang ama.
“Mary So, I don't want any treatments. Kung oras ko na, I am ready to go.”
Umiling siya. Pinakita niya talaga na tutol siya sa sinabi ng kanyang ama. Hindi pa siya handa para magpaalam sa kanyang ama.
“Papa!”
“Miguel, ‘wag kang magsalita ng ganyan!” sabi ng kanyang ina. Hindi na ito pinansin pa ng kanyang ama at tumingin sa kanya. Sumandal ang ama sa sandalan ng mahogany dinning chair at hinawakan ang kanyang kamay.
“May hihilingin sana ako sa inyo lalo na sa iyo, Roman.”
“What is it, Papa?” tanong niya.
“Please marry Jemina,” sabi nito sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ito sa kanyang ama. Agad na naglutangan ang mga katanungan sa kanyang isipan ngunit mabilis niya itong binalewala at agad na tinutulan ang nais ng kanyang ama.
“What? Pa, are you out of your mind?” tanong niya at halata sa tono niya ang pagkairita. Hindi siya makapaniwala sa hiling ng kanyang ama. Ang daming bagay na pwedeng hilingin pero bakit iyon pa? Hindi niya gusto ang babaeng iyon. Wala siyang nararamdaman para sa babaeng napulot lamang ng kanyang ama.
“Roman—”
“Papa, ayoko,” sagot niya at umiling pa. Padabog siyang tumayo. Dinig sa buong dining room ang pagsigaw ng upuan sa pagtayo niya. Tatalikod na sana siya nang muling magsalita ang kanyang ama.
“Please, Roman. Consider this as a dying man's wish.”
Present…
“Jemina!” Napalingon silang dalawa ni Clem sa sumigaw. Masaya silang nag-uusap ng binata dito sa isang rose garden hindi kalayuan sa reception kung nagaganap ang kasiyahan. Lumingon silang dalawa ni Clem sa entrance ng garden at nakita ang asawa niya. Nakita niya si Roman na galit na galit at nanlilisik ang mga mata.
“Jemina! Halika nga ritong babae ka!” sigaw sa kanya. Mabigat ang mga hakbang nitong lumapit sa kanya at nabigla siya nang hatakin siya ng asawa. Muntik pa siyang mapasubsob dahil sa lakas nito. Hindi din nakaligtas sa paningin niya ang bigla ding pagtayo ni Clem. Agad na pumagitna sa kanilang dalawa ang binata.
“Teka lang pare, ‘wag mo namang ganyanin si Jemina. Babae ‘yan,” sabi ni Clem kay Roman. Hindi pinansin ng asawa si Clem at tumingin lamang sa kanya. Bakas sa mukha nito na gigil na gigil na ito sa kanya.
“Pare, bitawan mom una si Jemina. Nasasaktan siya,” paalala ni Clem. Dito na tumingin ang asawa niya sa binata at umaapoy na sa galit ang mga mata nito.
“Sino ka ba? ‘Wag kang makialam dito ah!” sigaw ni Roman at dinuro pa si Clem.
“Makikialam ako if it is about Jemina,” matapang na sagot naman ni Clem. Napapangiwi na siya sa higpit ng hawak sa kanya ni Roman. Inaasahan na niyang magmamarka ang kamay nito sa kanyang braso.
“Umayos ka! Asawa ko ito! Gagawin ko kung ano gusto ko sa kanya,” sabi ni Roman at walang pasubaling hinila na siya palayo sa binata. Susunod pa sana si Clem sa kanila ngunit sumenyas siyang huwag na.
“Jemina!” sigaw ni Clem. Ngumiti na lamang siya sa lalaki at nagpatianod kay Roman.
Halos makaladkad na siya ni Roman papuntang parking lot. Ano ba naman kasi ang panama niya sa mga naglalakihang hakbang ng lalaki? Idagdag pa dito na mabilis maglakad si Roman at nakasuot pa siya ng high heels.
“Sakay,” utos nito sa kanya. Wala siyang nagawa kung hindi ang sumakay na sa loob. Ayaw na din naman niya makipagtalo pa dahil hahatak lang sila ng atensyon ng ibang tao. Pinaandar na ni Roman ang kotse at mabilis na tinahak ang highway pabalik ng Maynila.
Tahimik lang siya buong biyahe. Hindi na siya nagtangka pa na magsalita dahil paniguradong sisinghalan lang siya ng kanyang asawa. Isinandal na lang niya ang kanyang ulo sa bintana ng kotse habang tinatahak nila ang highway. Naisip niya na hindi man lang siya nakapagpaalam ng maayos kay Clem at sa bagong kasal na sina Tanta at Neptune.
Madaling araw na ng makauwi sila sa kanilang bahay. Ipinarada ni Roman sa labas lamang ng gate ang kotse nito at kapwa sila tahimik na pumasok sa loob. Pagod na pagod na siya dahil sa mga nangyayari at ang gusto na lamang siya ay ang magpahinga. Nang makapasok sila sa loob ng kanilang bahay ay laking gulat niya ng sakalin siya ni Roman.
“Ack! R-roman!” Sa higpit nito ay hindi na siya makahinga. Mabilis na dumapo ang kanyang mga kamay s amalakas na kamay ng kanyang asawa. Pilit tininanggal ang mga ito sa kanyang leeg ngunit hindi niya magawa.
“Marunong ka ng lumandi ngayon ah,” sabi nito sa kanya habang hinihigpitan ang pagkakasakal kay Jemina. Tinatapik na niya ang mga kamay nito ngunit bulag na ang asawa niya sa dahil sa galit na nararamdaman nito.
“H-hindi a-ako—” Hindi siya makapagsalita ng maayos. Hirap na siyang huminga at nanlalabo na din ang kanyang paningin.
“Natikman ka na ba niya?” tanong nito at kahit hirap ay umiling siya. Kalaunan ay binitawan din siya ng asawa. Bumagsak siya sa sahig habang hawak ang kanyang leeg. Ilang beses siyang napaubo dahil sa biglang pagpasok ng hangin sa kanyang baga.
“Tandaan mo ito Jemina, hinding-hindi ka magiging masaya,” sabi nito sa kanya.
Doon na siya napaiyak. Dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Nagsimulang lumutang ang mga katanungan na alam niyang walang makakasagot para sa kanya.
Hanggang ganito na lamang ba siya? Hindi ba siya maaring sumaya? Bakit ba tila pinag-iinitan siya ng Diyos. Isa ba siya sa hindi paboritong anak ng Diyos? Hindi siya gumawa ng kahit anong masama. Hindi siya pumatay, hindi siya nagnakaw, at lalong hindi siya nanapak ng kahit na sinong tao pero bakit ganito ang buhay niya?
Magiging pipi na lamang ba siya? Hahayaan na lang ba niya na tratuhin siya ng ganito?
Umiling siya. Tama na siguro ang pagiging martir niya. Tama ang sabi ng iba, binibitay ang mga martir na katulad niya.
“Roman,” tawag niya at tiningnan ang lalaki ng masama. Nakita niya na mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito dahil sa paraan ng kanyang pagtitig. Punong-puno ng poot ang kanyang mga mata.
“Balang araw, lahat ng ginagawa mo sa akin ay babalik din sayo. Kakarmahin ka!” matapang niyang sigaw. Dahil dito ay parang nabuhusan ng kerosene ang apoy na lumiliyab sa pagkatao ni Roman.
“Aba't tarantado ka!” Hindi na siya nakaimik pa nang suntukin siya sa mukha ni Roman.
Tinanggap niya lahat iyon.
Tinadyakan siya sa tagiliran at pakiramdam niya nabali ang kanyang tadyang. Hinawakan siya sa buhok at ilang beses siyang iniuntog sa pader at doon na siya nawalan ng malay.
Hingal na hingal si Roman habang tinititigan ang walang malay na si Jemina. Halos di na makilala ito dahil puro dugo ang mukha nito. Sinipa niya konti ang katawan pero hindi na ito gumalaw pa.
“s**t,” sabi niya. Nilapitan niya ang babae at kinuha ang pulso at pinakiramdaman.
Mahina. Mahina na ang pulso nito.
“f**k! What have I done?!” Nagpalakad-lakad siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya akalain na aabot sa ganito ang magagawa niya.
“Damn! Mukhang napatay ko siya.” Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang ina. Ilang ring pa ang narinig niya bago ito sinagot.
“Hello?” bakas pa sa boses nito ang antok.
“Ma? Please come over here! Don't let papa see you.”
“Roman? Bakit? What happened? Parang natataranta ka?”
“Just come over here. ‘Wag mong ipaalam kay papa.”
Makalipas ang mahigit isang oras ay nakarating na din si Madam Sol sa bahay ng anak. Pagpasok niya ay nagimbal siya sa nakita. Doon niya nakita ang nakahandusay at duguang katawan ni Jemina.
"Roman, anong nangyari?" tanong niya sa kanyang anak. Umiling-iling ang kanyang anak. Halos wala na sa sarili ang anak niya. Ang suot nitong damit ay gusot na at may mga bahid ng dugo.
“Ma, ‘di ko sinasadya. Nagalit kasi ako. Ma, ‘di ko ginustong mapatay siya. Mama, please tulungan mo ako. Ayokong makulong mama.” Biglang lumuhod ang kanyang ina at nagsimulang umiyak. Niyakap nito ang kanyang mga binti at ramdam niya ang panginginig ng kanyang anak.
“Roman stand up, listen to me.” Hinawakan niya ang mukha ng anak. “Hindi ko hahayaang makulong ka. Walang makakaalam sa bagay na ito.”
Binuhat nila ang katawan ni Jemina at inilagay sa trunk ng kotse ni Roman. Agad na nilinis nila ang mga bakas ng dugo na nasa sahig.
“Ma, anong gagawin natin?” tanong sa kanya ng anak.
“Itatapon natin,” sagot niya.
“Pero saan?”
“Basta. Kahit saan. Sa malayo. Sa walang makakaalam.”
Nagsimulang bumiyahe silang mag-ina. Walang partikular na lugar kung saan ang tungo nila. Naisipan ni Roman na pa-norte ang kanilang tahaking direksyon. Hanggang sa nakarating sila sa isang bangin. Sa ibaba ng bangin ay makikita ang malakas na hampas ng alon.
“Itapon mo anak. Dito hinding-hindi na makikita ang basurang iyan.”
Maingat na inilabas nila ang katawan, tiningnan pa nila ang paligid kung may tao at saka nila itinapon ang katawan.
Kitang kita nilang mag-ina ang paglamon ng mga nangangalit na alon sa kaawang awang katawan ni Jemina.
“Paano si papa ma? paano kung malaman niya ito?” tanong ni Roman.
“Hindi niya malalaman ito. Sa ngayon, pag uwi mo pack your things. Mag-abroad ka muna.”
***
Hanggang dito na lang ba?
Tanong niya sa sarili. Naramdaman niya ang tila paglutang niya, na tila siya ay nahuhulog mula sa mataas na lugar. Pinilit niyang buksan ang mga mata niya at nakita niya sa taas ng bangin ang kanyang asawa at ang ina nito.
Ngumiti siya ng mapait.
Basura nga ang tingin nila sa akin.
Naramdaman na lang niya ang pagbagsak niya sa tubig. Pailalim sa karagatang saksi sa kanyang pagkamatay.
Magbabayad sila.
Unti unti na siyang nilalamon ng kadiliman. Pero bago siya tuluyang yakapin ng kadiliman ay may naaninag siyang kamay na pilit siyang inaabot.