CHAPTER TWO

629 Words
Chapter Two Ten years ago… “Wala ka talagang kuwenta!”  sigaw nito at nakatikim siya ng mag-asawang sampal mula sa kaniyang ina. Halos mahilo na siya sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya. Unti-unting umagos ang mga luha niya. “Patawad po, Inay. ‘Yan lang po kasi ang naipon ko sa panlilimos,” sabi niya sa kanyang ina. Nanlisik ang nga mata nito at dinakot ang kanyang buhok. Napangiwi siya dahil sa sakit na naramdaman. “Sa tingin mo kakasya ito? Kulang nga ito pambili ng gin! Aanhin ko ang bente pesos?” At sinimulan na siyang pagbuhatan ng kamay. Tadyak, suntok, sabunot, sampal ang inabot ng kanyang musmos na katawan. “Sa susunod, ‘wag kang uuwi hanggat hindi ka umaabot ng limang daan piso!" At saka na siya nilubayan ng kanyang ina. Masakit. Masakit ang katawan niya, pero mas masakit ang puso niya. Tinatanong niya ang sarili kung hanggang kailan siya ganito? Habang buhay na lang ba siya ganito? Bakit ba niya nararanasan ito? Maya-maya'y naramdaman niya ang marahang paghaplos sa kanyang balikat. Nilingon niya ito at kahit sa kabila ng sakit ay nagawa niyang ngumiti. “Ate...” “Rico…” Hinaplos niya ang noo ng nakababatang kapatid. “Sorry, ‘di ko napigilan si nanay. Ate, bukas sasama ako mamalimos para malaki ang maiuwi mo. Para ‘di ka na bubugbugin ni nanay.” Umiling naman siya bilang tugon. “Huwag na Rico. Dito ka na lang. Kasi delikado sa highway, baka masagasaan ka ng mga sasakyan. Hintayin mo na lang ako okay?” “Pero ate—" hindi na natapos ang kanyang sasabihin ng yakapin siya ng mahigpit ng kanyang ate. “Ate, mahal kita.” “Mahal din kita Rico.” Napatingin siya sa karatulang nakapaskil sa isang poste ng ilaw. Maghapon siyang naghahanap ng trabaho pero lagi siyang inaayawan dahil nga hanggang grade 6 lang ang natapos niya. Tama nga siguro ang kanyang asawa, walang tatanggap sa kanya dahil wala siyang pinag-aralan. Hindi man lang siya nakatapak ng high school. Binasa niyang maigi ang nakapaskil, inintindi bawat salita. HIRING JANITOR/ JANITRESS: PLEASE CALL 09******** FOR MORE INFO. Agad niyang isinulat ang numerong nakapaskil para matawagan niya mamaya. Umaasa na sana ay makahanap na siya ng trabaho. Kailangan niya ng panggastos para sa sarili. Tiningnan niya ang relo na nasa pulso niya at nanlaki ang mga mata. Pasado ala singko na ng hapon. Malapit ng umuwi ang asawa niya at hindi pa siya nakakapagluto ng hapunan. Dali-dali siyang pumara ng jeep at sumakay. Hindi naman nagtagal ay nakarating siya sa gate ng subdivision na tinitirhan nila. Tinakbo na niya papasok sa kanila. Nagtaka siya nang makarating siya sa kanilang bahay. Nakaparada na kasi ang sasakyan ni Roman. Mukhang maaga nakauwi ang asawa. Pagpasok niya ay may nakita siyang mga nagkalat na damit mula sa hagdan paakyat. Damit ng isang babae. Sinundan niya ito at pag akyat niya ay rinig na rinig ang halinghing ng isang babae. “Oh yes Roman! Yes, harder please!” “F*ck! Damn Rica! f**k!” “Roman! Roman! I'm almost there!” Kahit hindi niya naiintindihan ng husto ang mga sinasabi dahil nga english ay hindi naman siya lubasang walang alam para hindi malaman ang nangyayari sa loob ng kwartong iyon. Bumaba na lamang siya at pumunta sa kusina. Kahit masakit ang kalooban niya ay ipinagluto pa din niya ang asawa.  Pinipigilan ang mga luhang pilit kumakawala. Pinipigilan ang bawat paghikbi. Pagkatapos magluto ay agad siyang pumasok sa kanyang kwarto— sa maid’s quarter. Pagkapasok na pagkapasok niya ay sunod-sunod ng pumapatak ang kanyang mga luha. Inilabas ang bawat sakit na nararamdaman. Masakit talagang ipamukha sa kanya na ayaw siya ng kanyang asawa. Na napipilitan lang si Roman sa kanila. Hanggang kailan ba niya iyon kakayanin? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD