CHAPTER FIVE

1527 Words
Chapter Five   “Sir! Sir!” sigaw ni Jemina nang makita ang lalaking nakaiwan ng wallet nito noong isang gabi.  Papasok ito sa isang department store nang natanaw niya ito. Mabuti na lamang at nakita niya ang lalaki dahil nawala din sa isipan niya na ibigay sa lost and found ang wallet nito. “Sir! Sir Pogi!” sigaw niya. Huminto ang lalaki sa paglalakad at lumingon, inilibot ang mata saka itinuro ang sarili. Tumango naman si Jemina. Lumapit siya at iniabot ang wallet. “Sir, naiwan niyo po ang wallet niyo noong isang gabi,” sabi niya. Ngumiti naman ang lalaki at kinuha ang wallet. Binuksan nito at ininspeksyon ang mga laman. “’Wag po ikaw mag-alala. Wala naman po ako kinuha diyan. Tiningnan ko lang po ang id mo,” sabi niya. “Naiwan ko pala ito. Akala ko pinagtitripan ako ng mga barkada ko. Akala ko kasi tinago nila. Teka, ikaw ba yung babae sa waiting shed?” tanong nito sa kanya. Sunod-sunod naman ang pagtango niya. “Opo. Maganda nga po ng boses niyo.”  Pinagmasdan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Pakiramdam niya nanliit siya sa paraan ng magtitig nito. Napatingin siya sa uniform na suot. Isang blouse na kulay brown at itim na slacks. Isang puting goofy shoes ang suot niya at may nakatali sa baywang niyang belt bag na may nakalagay na basahan at spray. “Dito ka nagwo-work?” tanong nito sa kanya. “Opo,” sagot niya. Nagulat siya nang hawakan ang kamay niya at hinila palabas ng department store. “S-sir?” “Tara, I'll treat you a lunch,” sabi nito na nakangiti at hawak ang kamay niya. “Po? Pasensya na po 'di ko po naintindihan,” sabi niya. Minsan hinihiling niya na sana ay maintindihan niya ang sinasabi ng ibang tao lalo na kapag ingles.  “Sabi ko kakain tayo. Libre ko.” “Sorry Sir, ‘di ko pa po breaktime. Baka po matanggal ako sa trabaho,” sabi niya at pilit binabawi ang kanyang kamay. “Don’t worry.” Huminto sila sa paglalakad at hinarap siya. Napagmasdan niya maigi ang mukha ng lalaki. Maputi ito, may katangkaran, itim at bagsak ang buhok at may suot itong eyeglass. Mukhang matalino din ito. “Kilala ko may-ari ng mall na ito. Sagot kita. Iumpog ko siya sa muscles ko kapag pinagalitan ka niya. Kaya 'wag ka ng mag-alala pa.” At muli siyang hinatak ng lalaki. Pumasok sila sa fast-food restaurant na Jabee. Hindi niya maiwasang   maalala ang tagpo nila ni Sir Miguel noong sampong taon na ang nakakaraan. Napangiti siya. Ngayon na lang ulit siya makakakain sa Jabee. Dito niya naisip na parang naulit ang nangyari sa kanya ngayon. Ang panahon kung saan sila unang nagkakilala ni Sir Miguel. Nag-order ang lalaki ng isang bucket ng chicken at isang pan ng spaghetti. Halos magningning ang mga mata niya sa dami ng nakahain. “Tara, kain tayo,” sabi ng lalaki at nagsimula kumain na sila. “Ano nga palang pangalan mo?” tanong nito sa kanya. Lumunok muna siya bago sumagot. “Jemina,” sagot niya. Tila may hinihintay pa ang lalaki sa sagot niya. “Jemina?” “Jemina Castillo.” “Bagay sayo ang pangalan mo. Kasing ganda mo.” Pinigilan niya ang pagngiti. Ngayon lang kasi siya nasabihan ng maganda siya. Ngayon lang siya napuri. “Well, ako si—” hindi natapos ng lalaki ang pagpapakilala nang magsalita siya. “Lazarus Tarnate.” Natawa ang lalaki. “Obvious na nakita mo id ko hahaha! Yes, Lazarus pero mas gusto ko na tinatawag akong Clem.” “Clem?” “Yup. It sounds cool, hindi pangmatanda hahahaha!” “Alam mo,” sabi niya. Tumigil si Clem sa pag inom at tumingin sa kanya. “Ang ganda ng boses mo. Parang angel,” pagpupuri niya. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ng binata. Kita niya ang maputi at pantay nitong mga ngipin. “Talaga? Buti naman nagandahan ka sa boses ko. Minsan, dumalo ka sa mga gigs namin.” Ngumiti na lang siya. “Hindi ko alam kung papayagan ako ng asawa ko,” sabi niya at napayuko. Tila naman nasamid si Clem sa narinig. “You’re married?! I mean may asawa ka na?” hindi makapaniwalang tanong nito. “Oo.” “Nakakagulat ah. Ilang years na kayong kasal? Bago lang ba kayo kinasal?”  “Bago lang naman.” Kinuha niya ang pineapple juice at ininom ito. “Mas maganda kung ‘wag na muna natin siyang pag-usapan.”                                                             *** Pag-uwi niya sa bahay nila ay agad na bumungad sa kanya ang biyenan niyang si Madam Sol. Nakapamewang ito at nakataas na agad ang kilay. Tila inip na inip habang namamaypay. “Saan ka galing?! Hindi mo ba alam kung anong oras na? Naglalakwatsa ka at hindi mo inaasikaso ang asawa mo?!” sigaw nito sa kanya.  Bumuntong hininga siya. “Madam, may iniwan na po akong pagkain para kay Roman at hindi po ako naglalakwatsa, galing po ako sa trabaho,” sagot niya. Kita niya ang pagsalubong ng manipis nitong kilay at paglaki ng ilong.  “Aba’t sumasagot ka na!” Nagulat siya ng hilahin ang buhok niya. “Aray po, nasasaktan po ako, Madam Sol.” “Pakakainin mo ang anak ko ng pagkaing lamig? At anong trabaho?! Hindi ba't nagtatrabaho ang anak ko para sayo?! Anong sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na pinagtatrabaho ka ng anak ko? Anong trabaho mo?” “Janitress po.” “Kita mo na! Ang anak ko ang COO ng kompanya namin tapos ang asawa niya ay isang janitress! Bibigyan mo pa ng kahihiyan ang anak ko!” sabi nito sa kanya. “Wala po akong natatanggap na kahit piso mula sa anak niyo po! Kaya po ako naghanap ng trabaho!” sagot niya at naramdaman niya ang paghigpit ng kamay nito sa kanyang buhok.  “Hampas lupa ka talaga!” At itinulak siya nito dahilan para mapasubsob siya. “Hindi ko malaman kung ano nakita sayo ni Miguel para ipakasal ang anak ko sayo! Isa kang hampaslupa! Walang pinag-aralan! Boba! Hindi ka nararapat sa mga katulad namin! Dahil ang daga ay hindi nararapat sa isang mansyon!”  sigaw nito sa kanya. Hindi na siya umimik pa dahil baka saktan pa lalo siya ni Madam Sol. Hindi siya gumalaw sa kinalalagyan niya hangga't hindi umaalis ng bahay ang biyenan niya.                                                              *** Six years ago... Napatingin siya sa labas ng bintana. Malakas ang ulan at kumukulog ng araw na iyon. Pasado alas diyes na ng gabi pero wala pa ang kanyang ama. Napasimangot siya, nangako ito na sasamahan siya sa kanyang basketball game pero hindi ito sumipot sa kanilang usapan. “Roman.” Napatingin siya sa kanyang ina. “Dumating na si Miguel. Pinatatawag niya tayo,” sabi ni Madam Sol. “Where he had been? Sabi niya sasamahan niya kong maglaro but he never showed up,” maktol niya. “Hindi ko alam anak. Ewan ko ba diyan sa papa mo kung anu ano ang ginagawa.” Bumaba na silang mag-ina at nakita niya ang kanyang ama na may inuutos ito sa mga katulong nila. Napansin niya ang isang babae na sa tingin niya ay kaedaran lang niya. Napangiwi siya ng makita ang ayos nito. Basam basa ito na parang basang sisiw. Walang sapin sa paa, nanlilimahid ang mga binti at kuko, mukhang basahan ang damit at magulo ang buhok. “Miguel! Bakit ka may kasamang pulubi?! Palabasin mo iyan dito! Madudumihan ang pamamahay natin!” reklamo ni Madam Sol. Tiningnan lang ni Miguel ang asawa. “This is Jemina. From now on, she will live with us,” pahayag ng ama niya. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kanyang ama.  Anong live with us? Iyang pulubi na 'yan ay titira dito? “What?!” sigaw ng kanyang ina.  “No! Hindi ako papayag! Miguel, are you out of your mind? Pupulot ka ng isang gusgusing bata at patitirahin mo dito? Hindi natin alam kung saan galing yan! Baka magnanakaw pa yan!” singhal ni Madam Sol. “Mary Sol, kilala ko itong si Jemina. Mahigit apat na taon na kaming magkakilala. Ako na ang magsasabing mabait na bata si Jemina.” “S-sir Miguel. Aalis na lang po ako,” biglang nagsalita ang batang si Jemina. “No, Jemina. Dito ka lang.” Kinabukasan ay nakita niya si Jemina, nakaligo na ito at nakasuot ng isang maid uniform. Napataas ang kilay niya, aaminin niyang maganda si Jemina. Hindi tulad kagabi na parang hinugot kung saang imburnal ang babae. “Jemina, ito ang kinukwento ko sayong anak ko. Si Roman. Roman, si Jemina. Mula ngayon dito na siya titira at magtatrabaho sa atin,” pakilala ng kanyang ama. Tumingin sa kanya si Jemina at ngumiti. Natigilan siya, pakiramdam niya ay huminto ang oras nang makita ang ngiti nito. “’Wag ka ngang ngumiti! Ang pangit mo!” sigaw niya at tumalikod na. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naramdaman niya nang ngitian siya ng babae. “Roman! That is rude!” sigaw ng ama niya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD