CHAPTER FOUR

1689 Words
Chapter Four “Kumusta na, hija?” Agad siyang napatingin kay Sir Miguel—ang ama ni Roman. Ngumiti naman siya sa kanyang biyenan at nilapitan. Inalalayan niya itong makaupo sa kanilang malambot na sofa.  “Mabuti naman po. Kayo po? Ipagtitimpla ko po kayo ng juice,” sabi niya at tumango naman ang matanda. Sa pamilya ni Roman, tanging si Sir Miguel lang ang mabait sa kanya. Kahit minsan ay hindi siya inalipusta ng matanda. Sa totoo lang ay si Sir Miguel ang dahilan kung bakit naging mag-asawa sila ni Roman. Si Sir Miguel ang nag-ahon sa kanya sa kahirapan.  Ipinagtimpla niya ng paboritong mango juice ang biyenan. Alam niyang paborito ito ni Sir Miguel, nagdala din siya ng oatmeal cookies bilang snacks. Bumalik siya ng salas at inilapag sa harapan ng matanda ang juice. “Kumusta ang pakikitungo ni Roman sayo?” tanong ulit sa kanya. Hindi niya alam ang kanyang isasagot.  Noong nakaraan lang ay may inuwi itong babae. Sa maid’s quarter po ako natutulog. Hindi po maayos ang pakikitungo ng anak niyo po sa akin. Iyan ang gusto niyang isagot pero idinaan na lamang niya sa ngiti ang biyenan. Ngumiti din si Sir Miguel sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay at marahang pinisil iyon. “Alam ko, hindi mo kailangang ilihim. Ang pakiusap ko lang sa’yo ay intindihin mo ang anak ko. Darating ang araw na magigising din siya. Mararamdaman niya balang araw na hindi niya kayang mabuhay ng wala ka,” sabi sa kanya. Napayuko siya.  Pero kailan? “Papa.” Sabay silang napatingin ni Sir Miguel kay Roman na kabababa lang galing sa kwarto nito. Magulo pa ang buhok nito at talaga namang mahahalata na bagong gising ito. “Good morning, anak. Buti naman at gising ka na,” sabi ng kanyang ama. “Ano kailangan mo, Pa?” tanong nito habang humihikab pa. Nakita niyang may inilabas si Sir Miguel mula sa bulsa nito na isang dilaw na sobre. “Gusto ko pumunta kayo sa kasalang na ito. Kayo ng asawa mo. Kasal ‘yan ng anak ng isa nating investor, si Neptune. Ikakasal siya kay Tanya-dati nating maid.” “Kami? Kailangan kong isama ang bobong ito?” sabay turo sa kanya. Napayuko na lamang siya dahil sa ginawa ng asawa. “Roman!” dumagundong ang sigaw ng kanyang ama. “Huwag mong tinatawag na bobo ang asawa mo. Naturingan kang nag-aral pero basura ang ugali mo!” “What? Ako pa ang basura? Sino bang pinagpipilitan ang isang basura sa akin?” Nagulat  siya nang biglang dumapo ang kamay ng ama sa pisngi ng anak. Sa tagal ng panahon na nakilala niya si Sir Miguel ay kahit minsan ay hindi niya nakitang pinagbuhatan ng kamay si Roman. Ito ang unang beses na makita niya itong galit na galit. Namula ang pisngi ni Roman dahil sa lakas ng sampal.  Halata namang nabigla din si Roman sa ginawa ng ama. “Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang asawa mo. Baka sa huli ay magsisi ka.”  Lumakad na palayo si Sir Miguel pero bago pa siya makarating sa pintuan ay huminto ito at tumingin sa kanya. “Attend that wedding with your wife or else I will freeze all your accounts and I will strip off your position in my company.” At tuluyan ng umalis ang ang kanyang ama. Ilang minutong natahimik ang paligid. Nadinig na lang nila ang pagtunog ng kotse ng matanda at mukhang nakaalis na. Huminga siya ng malalim at tinitigan si Roman. “Kumain ka na Roman. Pinagluto na kita ng almusal,” sabi niya. Tumalikod na siya upang hainan ang asawa. Nagulat na lamang siya nang bigla dakutin ni Roman ang kanyang buhok. “Aray ko Roman!” sigaw niya. Tiningnan niya si Roman at napalunok ng sariling laway dahil sa matalim na tingin na ibinibigay sa kanya ni Roman. Galit na galit ito at namumula na ang mukha. “Malas ka talaga sa buhay ko!” sigaw nito at sinampal siya nito. Hindi pa nakuntento ay tinadyakan siya nito sa kanyang hita. “T-tama na Roman. Pakiusap!” pagmamaka-awa niya.  “Buwisit ka sa buhay ko! Nagkanda letse-letse na ang buhay ko ng dahil sa’yo!” Nang marinig niya ito ay agad niyang tinakpan ang kanyang mga tainga. Hindi boses ni Roman ang narinig niya. Mga boses mula sa nakaraan ang kanyang naririnig. Mga alaalang pinilit niyang kinalimutan ngunit ngayon ay isa-isang naglulutangan.  “Buwisit ka sa buhay ko! Nagkanda letse-letse na ang buhay ko ng dahil sa’yo!” Pakiramdam niya ay bigla siyang nanlamig. Bumilis ang t***k ng puso niya at tila hindi siya makahinga. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Napansin agad ito ni Roman pero hindi na lamang niya ito pinansin. Matapos ang ilang minuto na pananakit ay napagod na din si Roman. “Umalis ka na nga! Pinaiinit mo ang ulo ko!” singhal sa kanya ni Roman.  Sa kabila ng sakit ng katawan na inabot niya dito ay mabilis siyang tumayo at nagtungo sa kanyang silid. Mabilis niya itong sinara at napadausdos na lamang sa likod ng pintuan. Mabilis ang pagdaloy ng mga luha niya sa kanyang pisngi. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.  Pakiramdam niya ay hindi pa din siya nakakaahon sa pagiging miserable.   Ten years ago... Umulan man o umaraw, kahit abutin siya ng madaling araw ay walang pagod na sinusuyod niya ang kahabaan ng highway para lamang mamalimos. Hindi siya pwedeng umuwi ng hindi malaki ang kita niya kung hindi ay makakatikim na naman siya ng bugbog mula sa kanyang ina. Tiningnan niya ang naipong pera, tatlong daang piso lang ang kanyang kinita sa buong maghapon. Natatakot siya na baka bugbugin siya ulit ng nanay niya dahil hindi pa umaabot ng limangdaang piso ang pera niya. Umupo siya sa labas ng isang convenience store. Isa-isa niyang inaabangan ang ang mga lumalabas dito at nanliilimos. May isang lalaki na lumabas at inaayos ang mga pinamili nito nang mapansin niya na nahulog  naang wallet nito. Napalunok siya. Mukhang maraming lamang pera iyon dahil makapal ito at mukhang mamahalin. Nakita niyang sumakay na ang lalaki sa kotse nito. Pinulot niya ang wallet at nagtatalo ang isipan kung iuuwi niya ba o  ibabalik ang wallet. Sa huli ay napagdesisyonan niya na isauli ito sa may-ari. Agad siyang tumakbo patungong kotse. Papaalis na ito kaya mas binilisan niya. Mabuti na lamang at huminto ito para makaliko sa kanto kaya kinatok niya  kaagad ang bintana nito. “Manong! Manong!” sigaw niya habang kumakatok. Ilang katok ang nagawa niya bago siya binabaan ng bintana. “Ano ba iyon bata?” Kita niya ang pagkairita sa mukha ng lalaki. “Nahulog niyo po,” sabi niya at iniabot niya ang pitaka. Agad itong kinuha ng lalaki at ininspeksyon. Tiningnan siya ng lalaki. “Salamat. Kumain ka na ba?” tanong nito. Umiling naman Jemina. Mula umaga ay wala pang laman ang kanyang sikmura. Dito na lamang niya naramdaman ang pagkalam ng kanyang sikmura. Nagulat siya nang bumukas ang pinto at bumaba ang lalaki. Binuksan nito ang backseat ng kotse at nakangiti na sa kanya.  “Halika, sakay ka. Ililibre kita sa Jabee,” tukoy nito sa isang sikat na fastfood restaurant. Nag-aalangan man ay naramdaman niya ang pagkalam ng sikmura niya kaya sumakay na siya. Habang nasa loob siya ng sasakyan ay tahimik lang siya. Nahihiya siya dahil sa ayos niya. Madungis at alam niyang mabaho na siya. Magulo ang buhok niya at madumi ang mga paa niya. Ilang sandali lang ay huminto sila sa isang branch ng Jabee. Pagkababa ay sumunod lang siya sa lalaki. Nagulat siya nang bigla siyang harangin ng guwardya. “Bawal mamalimos dito bata,” sabi sa kanya. “Don’t worry, kasama ko siya,” sabi ng lalaki at hinayaan na siyang pumasok sa loob. Pagpasok sa loob ay agad niyang naaamoy ang mabangong aroma ng mga pagkain. Ito ang inang beses na pumasok siya dito.  “Anong gusto mo?” tanong sa kanya. “Kayo na lang po ang bahala. Ngayon lang po kasi ako nakapasok dito,” sagot niya. Tumango ang lalaki at pinaupo siya sa lamesang napili nito at sinabihang hintayin siya. Pinanuod niya ang lalaki. May itinuturo ito sa cashier na pagkain mula sa menu at panay tango naman ang babaeng cashier. Hinimas niya ang malamig at makinis na lamesa. Dati ay hanggang tingin lamang siya. Naiinggit sa mga batang masayang kumakain dito pero ngayon ay mararanasan na niya.  Ilang sandali lang ay may dala na ang lalaki ng mga in-order nito. Inilapag nito ang tray sa harapan niya at nakita na ang dami nitong binili. Hindi nga niya alam kung ano ang kanyang uunahin. May spaghetti, pritong manok, may sopas, burger, french fries, at ice cream.  “Sige na, kumain ka na.” Tumango siya at nagsimulang kumain. Halos maiyak siya ng mga oras na ito dahil ngayon lang siya nakakain ng ganitong kasarap na pagkain. Ngayon lang siya nakatikim ng spaghetti at burger. “Ano palang pangalan mo?” tanong nito sa kanya. “Jemina po,” sagot niya habang ngumunguya ng  “Ilang taon ka na?” “Sampo po.” “Ka-edaran mo pala ang anak ko. 10 years old na din siya eh. Oo nga pala, madaling araw na bakit nasa lansangan ka pa? Delikado para sa mga batang kagaya mo ang magpagala-gala kapag ganitong oras na.” “Hindi po pwede akong umuwi eh. 300 pa lang po kasi ang kinita ko. Makakauwi po ako kung nasa 500 na po ang napalimusan ko. Ayaw ko pong mabugbog,” sagot niya. Nakita niya ang pagkabigla ng lalaki.  “Binubugbog ka?” Napatango naman siya. “Nasaan ba nanay mo?” “Nasa bahay po.” “Eh ang tatay mo?” Umiling siya. “Wala po akong tatay. Hindi ko po siya kilala.” At pinagpatuloy niya ang pagkain. “Pwede po bang iuwi ko ito sa kapatid ko?” tanong niya habang tinuturo ang isang burger at fries. “Oo naman,” sagot ng lalaki. “Ano nga po pala ang pangalan mo?” tanong niya. Ngumiti ang lalaki. “Miguel. Miguel Silverio.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD