BOOK 2: The Vengeance of Jemina Maurhine Frost: CHAPTER 1

1228 Words
"How was the party last night?" tanong ng ama niyang si Jaime. Nginuya niya muna ang kinakaing salad bago sinagot ang ama. "It was fantastic! If you could just only saw their faces. Para silang nakakita ng multo." Multo ng nakaraan. "Just remember anak, I am here to support you sa lahat ng mga plano mo." tumayo siya at nilapitan ang ama at niyakap ito. "Thank you Dad. Anyway, I need to go. May meeting ako sa japanese investor natin." sabi niya at umakyat na siya sa kanyang kuwarto para magbihis. Nagsuot siya ng isang kulay berdeng bistida. Para sa kanya, nagkaroon ng malaking halaga ang kulay green. Ito kasi ang kulay na suot ni Jemina Castillo noong siya ay tinapon sa dagat. Inayos niya ang sarili at tumingin sa salamin. Wala ng bakas si Jemina Castillo. Anim na taon ng patay si Jemina. Ang nakikita niya ngayon ay si Jemina Maurhine Frost. Ang nag-iisang anak ng negosyanteng si Jaime Frost at ngayon siya ang kasalukuyang CEO ng Verde Luna Inc. Wala na ang kanyang mahabang buhok. Napalitan ito ng maiksi na aabot lamang sa may panga niya. Maganda ang hubog ng katawan niya na tiyak hahabulin ng mga kalalakihan. Pagkabihis niya ay sumakay na siya sa kanyang kotse. "Saan tayo Ma'am?" tanong ng driver niyang si Reden. "Sa Verde Luna. May meeting ako today." sagot na at agad tumango ang driver. Habang binabagtas ang daan patungong Verde Luna ay muli niyang naalala ang reaksyon ng mag-inang Silverio. Nanlalaki at namumutla ang dalawa. Sino nga ba naman ang di mabibigla sa nakita nila. Akala siguro nila ay mababaon sa limot ang ginawa nila kay Jemina Castillo. Nag-uumpisa palang siya sa kanyang mga plano. Pagdating sa Verde Luna ay agad siyang dumeretso sa kanyang opisina. Yumuyuko ang mga empleyadong nakakasalubong niya, tanda ng pagbibigay respeto. Isang bagay na hindi niya nakuha at ibinigay ng mga Silverio. "Ma'am you have meeting with Mr. Mikoto Suoh at nine o' clock.Then you have lunch meeting with the board of directors." sabi ng kanyang sekretarya habang binabasa ang planner nito. Nang magsimula ang kanyang meeting kasama ang isang japanese investor ay mababakas ang pagka-inip niya habang inilalatag nito ang mga proposals. Sa tingin niya, ni isa sa mga proposals ay walang makukuhang benefit ang kanyang kompanya. "Mr. Suoh." tawag niya at natigil sa pagsasalita ang hapon. "Thats enough. I'm sorry but I have to decline to all the proposals you presented to me. I don't think I will benefit from any of it. " hindi na nakaangal ang hapon ng tumayo na siya at lumabas na ng meeting room. Papasok na siya sa loob ng opisina niya ng magsalita ang kanyang secretary. "Ma'am you have a visitor po." sabi nito sa kanya. Napataas ang kilay niya. Iniisip kung sino ang maaraing bumisita sa kanya. "Who?" "Roman Silverio po from Silverio Group of Companies." Lihim siyang napangiti. I think my plan works. Hindi siya mapakali. Kanina pa siya nagpapalakad ng balik-balik. Imposible. Who is she? Hindi maalis sa isipan niya ang babaeng nakita niya kagabi sa charity party. Kamukha kasi ng babae ang kanyang yumaong asawa. Kahit ang kanyang ina ay nabigla sa nakita. "Anak, will you please calm down? Ano bang iniisip mo at nagkakaganyan ka?" tanong ni Madam Sol. Bumuntong hininga naman siya bago naupo. "Ma, sigurado ka bang patay na si Jemina?" tanong niya. "Oo. Di ba nga nakita ang katawan niya?" "Pero ma, posible bang buhay siya?" "Roman, imposible iyon. Sa taas ng bangin, walang mabubuhay doon. Besides, six years na ang nakalipas." "That woman last night. She really looks like her." Maurhine Frost. Ang kamukha ng kanyang asawa. Pero sino nga ba talaga ang babaeng ito? Bigla bigla na lang siyang lumutang sa business world. Natatandaan niya na naging matunog ang pangalan nito noong nakaraang taon dahil pinalitan na nito ang amang si Jaime Frost bilang CEO ng Verde Luna Inc. Pero di niya inaasahan na magkamukha sila ni Jemina Castillo. Posible bang buhay ang asawa niya? Napailing siya sa kanyang naisip. Kitang kita niya ang paglamon ng dagat sa katawan ng asawa. Halos wala na itong hininga ng mabugbog niya ito. Kaya napakaimposibleng buhay ito. Inilibing pa nga nila ang bangkay nito ng matagpuang palutang lutang sa Aurora. Tumayo siya at kinuha ang coat na nakasabit sa kanyang swivel chair. "Saan ka pupunta?" tanong ni Madam Sol. "Sa Verde Luna. " sagot niya. "What? Anong gagawin mo doon?" "Remember? Kailangan maging investor natin siya. Malaki ang maitutulong nilanfor our company." at tuluyan na siyang umalis. Tahimik niyang binabagtas ang daan patungo sa Verde Luna. Nang mapadaan siya sa Edsa ay nakita niya ang isang billboard. Si Maurhine Frost. Napailing siya sa naisip niya. Imposible talaga na si Maurhine ay si Jemina. Ibang iba si Maurhine. Halatang may pinag-aralan. Hindi tulad ni Jemina, bobo. Pagdating doon ay tinanong niya si Maurhine at doon nalaman na may kameeting ito. Pero pinatuloy siya ng secretary nito sa loob ng opisina ng babae. Pagpasok niya ay naupo lamang siya sa couch na nandoon sa loob. Nakita niya ang isang malaking larawan ni Maurhine at Jaime Frost. Malawak ang ngiti ng babae. Come to think of it, I never saw Jemina smile. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang babae. Nakaauot ito ng kulay green na bestida Na pinaresan ng puting heels. "Oh my, its a pleasure to meet you Mr. Roman Silverio. I am Maurhine Frost. CEO of Verde Luna Inc. " sabi ni Maurhine at nakipagkamay sa lalaki. "What can I do for you Mr. Roman?" tanong sa kanya at naupo sa office chair nito. "Well, I'm here to know more about you. Isa ka kasi sa mga prospect kong maging investor." napataas ang kilay ni Maurhine. "Oh really. Well, tingnan natin kung mapapasagot mo ko." sagot sa kanya ng babae. Tumayo ito at lumapit sa isang cabinet. May kinuha itong isang bote ng red wine at dalawang wine glass. Umupo ito sa kaharap niyang couch at binuksan ang wine. Pinanunud niya ang bawat galaw ng babae, malayong malayo ito kay Jemina Castillo. Habang nagsasalin ito sa baso ay amoy na amoy niya ang aroma ng wine. Maybe I'm just paranoid. Isip-isip niya. "Here, try this red wine. Sorry I don't offer my guests a coffee. I always give them red wines." sabi ni Maurhine habang iniabot sa kanya ang kopita. "Thank you." mahina niyang inikot ikot ang likido sa kopita bago inamoy at sumimsim. "Wow! This taste is so rare. Ngayon lang ako nakatikim ng wine na ganito." Ngumiti si Maurhine sa kanya. "Glad you like it. Its Domaine Leroy Musigny Grand Cru. I got this from an aunction in England." "I see. Well Miss Maurhine do you mind if I ask something?" "Sure. What is it?" sagot nito habang sumisimsim ng wine. "Do you know Jemina Castillo?" tanong niya at nakita niya na parang natigilan ang babae. Maya-maya'y ngumti ito sa kanya at ibinaba ang hawak na wine glass. "I'm sorry pero wala akong kilalang Jemina Castillo. Bakit mo naitanong?" "Well, its nothing. I thought you're her. Magkamukha kasi kayo." "Ganoon ba. Maybe you're just mistaken. Sabi nga nila, ang bawat isa sa atin ay may mga kamukha." "Anyway, salamat sa pagpunta mo sa charity kagabi." "Wala iyon. Tamang exposure lang din naman para sa akin. So that people will know who is Maurhine Frost. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD