BOOK 2: The Vengeance of Jemina Maurhine Frost: Prologue

1135 Words
Tinanaw lang niya si Jemina habang kinakaladkad ito ng asawa. Naikuyom niya ang kanyang kamao. "Hindi dapat ganoon ang trato niya kay Jemina." Pakiramdam niya may kung anong tumutusok sa kanyang puso habang pinapanuod ang babae. Hindi siya mapalagay. May kung anong tinig ang bumubulong sa kanya na sundan ang mag-asawa. Humugot siya ng malalim na hininga bago sinundan ang mag-asawa. Ilang oras din niyang sinusundan ang mag-asawa hanggang sa tumigil sila sa isang bahay. Sa palagay niya ay dito nakatira ang mag-asawa. "Tangina Clem ano ba ginagawa mo? May-asawa na si Jemina." suway niya sa sarili niya. Habang pinagmamasdan niya ang bahay ay tila may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Hanggang sa may dumating na babae at dali-daling pumasok sa loob ng bahay. Ilang sandali lang nakita niya na may buhat-buhat si Roman at inilagay sa trunk ng kotse nito. "Jemina?" Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Si Jemina ay inilagay sa trunk at tila wala na itong buhay. Umalis ang sasakyan kaya sinundan niya ulit ito. Hanggang sa nakarating sila sa Dingalan, Aurora. Nanlalaki ang mga mata niya ng makitang itinapon si Jemina ng ganoon-ganoon lamang. Tila isang basura na inihulog lamang sa bangin. Pagkaalis ng asawa nito ay walang pasubaling tinalon niya ang bangin at sinalubong ang nanggagalit na alon ng dagat. Pilit inaabot ang kamay ng babae. Hindi siya papayag na hanggang dito lamang si Jemina. Hindi siya papayag na ganito lang matatapos ang buhay ng babae. Nang mahawakan niya ang kamay ay agad niyang hinila ito pataas. Hanggang nakarating siya sa dalampasigan. "Jemina? Jemina? Gumising ka." mahina niyang tinampal ang pisngi ng babae ngunit wala siyang nakuhang reaksyon mula dito. "Sir? Sir? Okay lang po ba kayo?" napatingin siya sa isang lalaki na sa tingin niya ay mangingisda. "Please, tulungan mo kami. Tulungan niyo si Jemina." hindi nag-atubiling tumulong ang lalaki at binuhat na si Jemina. "Nasa taas ang kotse ko. Marunong ka bang magdrive?" tanong niya at tumango naman ang lalaki. Mabilis nilang binagtas ang daan patungo sa ospital. Pagdating nila doon ay agad inasikaso si Jemina. Tila naubos ang lakas niya at napasandal na lang sa pader. Nilapitan siya ng lalaki at binigyan ng tubig. "Wala bang masakit sa inyo sir?" tanong nito. "Meron. Ang puso ko." tumingin siya sa lalaki. "Masakit dahil nakita ko kung papaano itapon ang babaeng mahal ko.Itapon na parang basura." Napatayo siya ng lumabas anh doktor na nag-asikaso kay Jemina. "Mister, malala ang naging tama ng kasama niyo. At kulang sa kagamitan ang ospital namin, I suggest na ilipat niyo siya sa pribadong ospital kung saan kumpleto ang gamit." napabuntong hininga siya. "May cellphone ka ba diyan?" tanong niya sa lalaki. Iniabot naman ng lalaki ang cellphone nito. Nakailang ring muna bago sinagot ang tawag niya. "Hello? sino to?" "Elton, si Clem to. I need your help. Dito kami sa Dingalan, Aurora. Please, asap." At pinutol na niya ang tawag. "Ano palang pangalan mo?" tanong niya sa lalaki. "Reden po." "Reden, maraming salamat sa tulong mo. Tatanawin ko itong utang na loob. Pakiusap ko lang sana na walang sinuman ang makakaalam ng tungkol dito." "Makakaasa ka Sir?" "Clem." "Wag kang mag-alala Sir Clem. Makakaasa ka sa akin." --- Nagtataka man ay mabilis na pinuntahan ni Elton si Clem sa Aurora. Gamit ang private chopper nito ay mabilis na nakarating siya sa ospital at doon nakita niya ang kaibigan na nasa tabi ng isang babae. Napangiwi siya ng makita ang kalagayan ng babae. Maga ang mukha nito at may oxygen na nakasuot dito. "What happened Clem? Who is she?" tanong niya. "'Wag ka munang magtanong. Tulungan mo akong ilipat siya sa magandang ospital. We need to save her." Hindi na siya umangal at isinakay na nila si Jemina patungo sa karatig bayan sa probinsya pa din ng Aurora. "What is happening Clem?" tanong niya. Bumuntong hininga ang kaibigan. "This is Jemina Castillo. Asawa ni Roman Silverio." Huminga nang malalim si Clem. "At nakita ko kung papaano itinapon siya ng kanyang asawa." ___ "Kumusta siya?" tanong niya kay Elton, ang kaibigan niyang doktor. Napailing ang kaibigan. "Still in coma. Grabe ang damage sa kanya. She has a crack skull, broken jaw, broken ribs. Nagtubig na din ang kanyang baga." Naikuyom niya ang mga kamay niya. Hindi niya akalaing sasapitin ito ng babae. Halos patay na ito ng makita niya. "Anong plano mo?" tanong ng doktor. "I will keep her for the mean time." nagulat sila ng biglang mag-alarm ang machine na nakakabit sa babae. Indikasyon na nasa peligro ang buhay nito. Hanggang sa nakarinig sila ng matining na tunog. Tunog na bibingi sa kanya. Isang tuwid na linya. "NO!!"  Hindi. Hindi pwedeng mamatay si Jemina. Hindi deserved ni Jemina ang lahat ng ito. Nakita niya ang pagrevive ni Elton kay Jemina. Hanggang sa muling nakita niya ang pagtaas at pagbaba ng linya sa monitor. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa dibdib. "That was close." sabi ni Elton. ---- Nagulat siya habang nagbabantay sa babae ay may bigla na lamang pumasok na isang matandang lalaki. Sa tingin niya ay foreigner ito. "Who are you?" tanong niya sa matanda. Lumapit ang matanda kay Jemina at hinaplos ang noo ng babae. "Jemina. My Jemina." sabi ng matanda at napahagulgol at hinahalikan ang noo ng babae. Nagtataka man ay pinanuod na lamang niya ang eksena. "I am Jaimie Frost. I am Jemina's father." pakilala ng matanda. Tinanggap niya ang kamay nito at nakipagkamay. "I am Lazaro Tarnate but you can call me Clem. I am her friend." "Thank you for saving my daughter. If it is not you, maybe I will never see my daughter or worst I will see the cold dead body of hers." "I will do everything just to save her." --- Malalim. Malamig. Mabigat. Iyon ang pakiramdam ni Jemina. Pakiramdam niya patuloy siyang hinahatak pailalim. Hanggang dito ka na lang ba? tanong ng kanyang isipan. Hindi. Hindi ako papayag. Magbabayad pa sila. Hindi ko sila patatahimikin. Pilit niyang kinalas ang tila mga lubid sa kanyang katawan at lumangoy pataas kung saan natatanaw niya ang liwanag. Hindi dito magtatapos ang buhay ko. Lumangoy siya ng lumangoy hanggang sa nakaahon siya. Napasinghap siya at naidilat ng husto ang kanyang mga mata. Una niyang natanaw ang puting kisame. Unti-unti niyang iginalaw ang kanyang mga daliri sa kamay at paa. Pinilit niyang magsalita ngunit ungol lang ang nagawa niya. --- Napabalikwas si Clem ng makarinig siya ng ungol. Doon nakita niya muli ang naggagandahang mata ni Jemina. Nagsisisigaw siya habang pinipindot ang buzzer. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang gawin. Maya maya'y dumating ang nurse at si Elton at nakahinga siya ng malalim ng malamang nasa mabuting kalagayan na si Jemina. Sa wakas, wala na ito sa bingit ng kamatayan. "Maraming salamat Clem. Maraming salamat." ang tanging na nabigkas niya habang yakap siya ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD