BOOK 2: The Vengeance of Jemina Maurhine Frost: CHAPTER 2

1050 Words
Napabuntong hininga si Mary Sol ng mabasa ang background info ni Maurhine Frost. Kahit papaano ay nawala ang mga agam-agam niya tungkol kay Jemina Castilo. Malayong malayo ang katauhan nito sa dati niyang manugang. Nakapag-aral ito sa Cambridge University at nakapagtapos pa with flying colors. Hindi katulad ni Jemina Castillo na hindi man lang nakatuntong ng highschool. Marami pa siyang nabasa tungkol kay Maurhine Frost. Kaya napanatag siya dahil napakaimposible na si Maurhine Frost ay si Jemina Castillo. Lihim siyang napangiti sa ideyang naisip niya. Why not make her my future daughter- in - law. Hindi siya basura katulad ng napulot ni Miguel noon- isang basura. "I heard what happened yesterday sa opisina mo. Binisita ka daw ng nakaraan?" halos masamid siya sa narinig kay Clem. Napasimangot siya. Kahit na busy ito sa banda niya ay talagang may oras ito para kumustahin siya. Ibinaba na muna niya ang hawak na papel bago sumagot sa binata. "Oo. Mukhang kumagat ang gago. Tinanong nga ko kung kilala ko si Jemina Castillo." "Mukha nga ding nagbackground check ang bruha niyang nanay." dugtong naman ni Clem. Napapiling siya. Akala naman siguro ng mga Silverio ay magpapahuli siya ng buhay sa mga ito. Of course not! I am the master of this game. Ako ang mananalo sa larong ito. "So, what is your next plan?" tanong ulit nito sa kanya. Sumimangot na siya at tumayo mula sa kanyang upuan at nagsalin ng red wine sa kopita, binigyan din niya si Clem nito. "Ang dami mong tanong ngayon. Naiistress na nga ko sa mga pangungulit si Mr. Suoh dadagdagan mo pa." umupo siya sa sofa at tinabihan naman siya ng binata. "Ang pihikan mo naman kasi sa mga magiging kasosyo mo." "Syempre. Dapat lang Clem. Ayokong madisappoint si Dad, pinagpaguran niya itong kompanya kaya dapat ko lang alagaan." "Mr. Frost is so lucky to have a daughter like you Maurhine." at hinaplos haplos ang kanyang maiksing buhok. "And I am so lucky to have you Clem." at inihilig niya ang ulo sa balikat ng binata. "Sing for me Clem." utos niya. "Wow, kung maka-utos ka diyan ah." "Sige na. I miss your voice." tumikhim tikhim muna ang binata bago sinimulang kumanta. Labis na naiinip Nayayamot sa bawat saglit Kapag naaalala ka Wala naman Akong magawa Umuwi ka na baby Hindi na ako sanay ng wala ka Mahirap ang mag-isa At sa gabi'y hinahanap-hanap Kita. Hanggang kailan ako maghihintayNa makasama ka muli Sa buhay kong puno ng paghihirap Na tanging ikaw lang ang Pumapawi sa mga luha At naglalagay ng ngiti Sa mga labi 'Di mapigilang mag-isip Na baka sa tagalMahulog ang loob mo sa iba Nakakabalisa, knock on wood 'Wag naman sana Umuwi ka na baby Hindi na ako sanay ng wala kaMahirap ang mag-isaAt sa gabi'y hinahanap-hanap Kita. Hanggang kailan... Napapikit siya. Ganoon pa din ang epekto ng boses ni Clem sa kanya. Tila nakikinig siya sa boses ng isang anghel. Ang boses nito ay tila isang kumot na bumabalot sa kanya at nagtatanggal ng kanyang pagod. "So, whats the news?" tanong niya ng makita ang pinsang si Juliet na nagrerelax sa isa sa mga beach chair nila sa mansyon. Nakasuot itong two piece na kulay itim at may suot na shades. Siya naman ay nasa gilid ng pool at may suot na two piece na kulay green naman. Juliet Christian Ricafort, pinsan niya ito sa side ng kanyang ama. "Ayun, mukhang hinuhuli din nila ang businessman na si Clifford Eder." tukoy nito sa isang sikat din na businessman na si Clifford Eder na pinupuntirya din ng mga Silverio. "Wow. Talagang makikipagkompetensya pa talaga sila sa akin." sagot niya. Lalo siyang napangiti ng may maisip siya. "Help me with Eder. Kailangan maunahan natin silang makakuha ng deal sa atin. If they lost Eder, malaki ang mawawala sa kanila." "And if they lost you too, ligwak na talaga ang kompanya niya. Thats a very good move cousin." "Thank you. May mga contacts ka na ba sa mga board members and share holders?" "Yes. Ikaw na lang ang kulang. So please, shut up and let me relax." napapailing man ay tuluyan na niyang iniwanan ang pinsan at umahon na sa pool. Sinalubong siya ng isa sa mga maids at inabutan siya ng bathrobe bago siya pumasok sa kanyang kuwarto. Ibinaba niya ang kanyang telepono at agad sumukay sa kotse patungong punerarya. Nakatanggap agad siya ng tawag ng may makita silang katawan. Ilang oras ang binayahe niya at natunton din niya ang punerarya. Doon sinalubong siya ni Reden. "Sigurado bang wala ng pamilya ito?" tanong niya sa isang tauhang nandoon. "Wala na boss. Dalawang buwan ng nandito yan pero walang nagkeclaim." sagot nito sa kanya. Tinitigan niya ng husto ang bangkay. Parehong pareho ang wangis ng katawan nito sa babae, pati ang haba ng buhok ay magkapareho. "Good sige, kukunin ko yan." binayaran na niya ang lalaki na malaki ang ngiti ng mag-abot siya ng makapal na tig-isang libo. "One more thing." ibinigay niya sa lalaki ang isang paperbag. "Ipasuot mo yan sa bangkay. At walang makakaalam na nag-usap tayo. Naiintindihan mo?" "Yes Boss!" at sumaludo pa ito sa kanya. Nang maayusan ang bangkay ay isinakay nila ito sa kotse at nagtungo sa bangin. Doon, pikit mata niyang inihulog ang katawan at kita niya ang paglamon ng alon sa bangkay. This will be the death of Jemina Castillo. Just wait for her rebirth and revenge. Muli siyang sumakay sa kotse at nagtungo naman sa ospital. Doon nakita niya ang babae na nakatanaw sa kalangitan. "Ito na ang aking unang hakbang tungo sa aking mga plano." nilapitan niya ang babae at hinawakan ang kamay nito. Hindi pa rin niya maatim na ganu-ganoon na lang ang ginawa nila sa babae. "Nandito lang ako. Sasamahan kita sa lahat ng plano mo. Ako ang magiging sandalan mo. Tutulungan kita." humarap sa kanya ang babae at nakita niya ang paglandas ng masaganag luha nito sa kanyang mga mata. Mga matang puno ng paghihirap. Mga matang puno ng kalungkutan. Mga matang puno ng poot. Pero sa mga matang iyon ay nakikita pa din niya ang babaeng may magandang ngiti. "Maraming salamat Clem. Ikaw ang dahilan kaya ako nagkaroon ng pangalawang buhay. Maraming salamat." at tuluyan na itong humagulgol kaya hinatak niya ang babae at niyakap ng mahigpit. Hinding-hindi natin sila patatahimikin.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD