Chapter 10

1895 Words
CAMILLE Isang buwan ang lumipas simula ng tinapos ko ung kung anong meron samin ni Keith. Nung tatlong araw nakikita ko sya dito pag sumusulyap ako sa labas ng cafe. Kasama nya sila Sir Henry pero lagi ko syang nakikita na nakatingin dito sa may counter, pero after ng tatlong araw na un. Hindi na sya nagpakita, ni text hindi nya din ginawa. Wala syang kahit anong paramdam sakin at aaminin ko namimiss ko na sya ng sobra. Hinahanap ko lahat ng mga ginagawa nya. Sa bahay ganun pa din. Hindi ko pa din pinapansin si Ate pero nagtataka ako dahil dalawang bwan na ung tyan nya pero parang wala lang sa kanya. Naghahappy happy pa sya. Nagoojt pa nga sya. Minsan pa syang nagpaalam na may outing daw silang mga classmate nya. Isang linggo syang wala sa bahay. Ako naman. Bumalik ang buhay ko nung wala pang Keith pero mas malungkot at mas walang patutunguan. Sabi nila pumayat ako pero hindi ko na un pinansin, kasi alam ko naman. Hindi na rin kasi ako gaano kumakain. Malaki ang naging epekto ng ginawa ni Ate sakin. Kaya sobramg naiinis ako dahil sya walang paki alam pero kami ni Fatima, ang nahihiya at naiilang. Kahit kasi si Fatima na masayahin naging tahimik. Pareho kaming naging mailap sa mga tao sa bahay. "That's all for today class... Thank you. Please submit your paper works by tomorrow." Nagising bigla ang diwa ko na malayo na ang narating mg biglang magpaalam samin si Mr. Gonzales. Sh*t! Hindi na naman ako nakinig. Nakakainis! Lumipad na naman ang isip ko. Paglabas nya, humarap ako kay Bea. "Bea. Ano ung paper works natin? Tungkol saan?" Tanong ko, tumaas naman bahagya ang kilay nya. "Why companies failed to expand, even they are already years in the industry? Explain on your own." Sabi nya. Tumango tango naman ako at naintindihan ko ung sinabi nya. "Okay. Thank you. Una na ko may pasok pa ko sa cafe." Sabi ko at inayos ung gamit ko. Tapos lumabas na. Pagdating ko ng cafe. Nagbihis at nag ayos na ko. Sa kitchen ako ulit dahil mas masarap dun. . Ginawa ko lang ang lagi kong ginagawa hanggang sa matapos ang duty ko. Parang ayoko namang umuwi muna pero wala naman na kong ibang gagawin kundi ang umuwi. Hanggang sa nakita ko na lang ung sarili ko na nakaupo sa lugar kung saan kami nagdate ni Keith nung Valentines, kung saan inamin nya sakin na mahal nya ko, kung saan sinabi kong mag antay sya. Eto ung lugar kung saan naging masaya at unang beses kong nakaramdam ng pagmamahal galing sa lalaking mahal ko din. Masaya ung memory ko sa lugar na to pero eto ako ngayon at umiiyak. Tanga ko diba? Nanliligaw pa lang sya sakin pero sobrang nasasaktan na ko. Di naman din na ko nagtagal sa lugar na un dahil gusto kong icherish ung moment namin dun. Kaya naman kahit ayaw pa ng katawan kong umuwi, ginawa ko na. Pero sana pala hindi na... Dahil pagdating ko ng bahay... Nakita ko si Ate na umiiyak at habang si Mama, nakayuko at umiiyak din... Sunod si Papa, na nakaupo sa tapat ni Ate pero ramdam mong galit. Anong nangyayari? Napansin ata ako ni Papa, kaya tumungin sya sakin. "Umakyat ka na sa taas, Camille." Maautoridad na utos nya sakin pero hindi ako gumalaw. "Anong meron?" Kalmado kong tanong pero kabado ako sa loob loob ko... Tinignan nya lang ako bago humugot ng malalim na hinga. "Ang Ate mo." Sabi nya at tinuro pa si Ate. "Nabuntis ni Lloyd." Sabi nya at kitang kita ko ung luha ni Papa na naglandas sa pisngi nya. "Kung hindi pa nakita ng Mama nyo sa kwarto nyo to, hindi pa magsasabi." Sabi nya at umiling iling habang itinataas ung PT. "Akala ko nung una, sayo to dahil bukod sa may trabaho na si Keith, matamlay ka na ng isang bwan kaya akala ko dahil un dito pero..." Umiiyak na sabi ni Mama at hindi na natuloy ung gustong sabihin. "Si Fatima... Si Fatima ang nagsabi na hindi sayo yan. Kundi dito sa Ate mo." Sabi naman ni Papa na patuloy pa ding umiiyak. "Bakit itinago nyo sa amin, Camille?" Tanong nya sakin. Hindi naman ako nakapagsalita agad at nakatingin lang kay Ate na umiiyak. Huminga ako ng malalim at inisip maigi kung ano ang sasabihin. "Hindi ko din alam kung paano ko sasabihin sa inyo, Pa. Sabi nya titigilan na nya. Sabi nya mag iingat sya. Pero ayan at may nabuo... Huling usap naming dalawa, sasabihin nya sa inyo... Sorry po." Umiiyak na sabi ko at yumuko. "Wala na ung bata." Napaangat bigla ang ulo ko ng sabihin ni Papa un at nagpalipat lipat ung tingin ko sa kanya at kay Ate "Ano po?" Tanong ko dahil para ata akong nabingi... Biglang humagulgul si Ate. "Ipinalaglag nilang dalawa ni Lloyd ung bata." Sabi ni Mama habang umiiyak. Dun na para akong nawala sa sarili ko at mabilis na humakbang papunta kay Ate at hindi ko napigilan ung sarili ko.. Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. "Ang kapal ng mukha nyong pumatay ng inosenteng bata! Pagkatapos nyong magpakasarap! Kaya naman pala nagpaparty party ka na?! Masaya ba, Ate?! Ang kapal mo! Ginagawa mo ang gusto mo habang ung mga taong nakakaalam, nag hihirap sa ginawa mo!" Sigaw ko sa kanya habang umiiyak at wala na kong paki kung marinig kami sa labas. "Hindi mo alam ung hirap ko ng malaman ko lahat ng ginagawa mo! Walang araw na hindi ako nag alala na baka may mabuo kayo tuwing magkasama kayo! Ilang beses kitang pinagtakpan kila Mama dahil ayokong masaktan sila! Ilang beses kitang kinausap na tigilan mo na! Ilang beses tayong nag away dahil niloloko ka ng lalaking yun pero hindi mo ko pinakinggan!" "Ate kita kaya lahat ng nangyayari sayo, pakiramdam ko mangyayari sakin! I even let go Keith dahil ayokong magaya sayo! Ung taong mahal ko tinalikuran ko dahil natatakot ako maloko at masaktan dahil ikaw pa nga lang ang nasasaktan, naghihirap na ko! Ung isip ko, hindi kayo maalis! The anxiety you gave to me and to Fatima. Sobra! Halos hindi ako makatulog dahil iniisip ko sila Papa! Ako ung nahihiya sa kanila para sayo! Umiiyak ako dahil sa nangyayari sayo! Apektadong apektado ako! Kami! Pero sayo wala lang! Pinalaglag mo pa ung anak mo! Pnyeta!" Galit na sabi ko at sinampal ulit sya. "Gusto ni Lloyd na ipalaglag pag hindi ko ginawa un. Iiwan nya ko." Bulong nya na sa sobrang galit ko ata tumalas ang pandinig ko! Pero bago pa ko makapagsalita nagulat ako ng may sumampal kay Ate. "Pwes! Dun ka Kay Lloyd! Hindi kita pinalaking ganyan para pumatay ng bata! Caith! May sarili kang utak! Alam mong mali ang ginawa nyo umpisa palang! Pero dinagdagan mo pa ng kasalanan! Ayaw mong malayo kay Lloyd?! Pwes dun ka sa kanya! Magsama kayong dalawa! Mga wala kayong kwentang tao!" Sigaw ni Mama sa kanya at mabilis na binato ung pt sa mukha ni Ate. Iyal lang ng iyak si Ate at maakaawa kay Mama at Papa. Pinigilan din ni Papa si Mama dahil parang mabubugbug ni Mama si Ate. "Umakyat ka na Camille." Sabi ni Papa. Nakatingin lang naman ako kay Ate. "Cami... Please... Help me..." Sabi nya pero pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko. "Matagal ko ng ginawa un... Pagod na kong tulungan ka dahil ilang beses ko ng ginawa. Hindi ko akalalin na aabot ka ng ganto para lang sa lalaki na un." Sabi ko at tumalikod pero humarap ulit. "Nga pala! Ung lalaking sabi mong hindi ka iiwan? Nakita ko sa cafe kanina, nakikipaghalikan sa ibang babae." Dagdag ko at wala na kong pakialam sa reaksyon nya. Masama na ba akong kapatid? Lahat naman na ng bagay na kaya kong itulong sa kanya ginawa ko na. Tapos ganto ang gagawin nya samin. Kawawa naman ung batang pinatay nila dahil hindi pa sila handa. Pagpasok ko ng kwarto, ung kaninang matapang na Camille, eto at bumagsak na. Wala na kong alam gawin kundi ang umiyak ng umiyak... Sobrang sama talaga ng loob ko... Ayoko syang gayahin! Hindi ako gagaya kay Ate! Umiiyak lang ako ng umiiyak at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Kinabukasan pag gising ko. Hindi ko alam ang nangyari kagabi basta ang alam ko lang masama nag loob ko at puno ako ng galit. Tumawag ako sa trabaho na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Mabuti na nga lang at wala din akong pasok sa school. Hindi din naman ako lumabas ng kwarto. Nikumain ay hindi ko magawa. Namamalayan ko na lang na umiiyak ako dahil naalala ko ung ginawa nila sa bata. Ako ung natatakot na baka balikan si Ate ng karma. Natatakot pa din ako Hapon na pero ako, naka upo pa din dito sa kama ko. Hindi ko nga alam kung pumasok dito si Ate kagabi. Kasi hindi naman sya pumapasok ngayong umaga. Hindi ko alam kung pinaalis sya nila Papa. Tahimik lang ako na nakaupo nang biglang tumunog ung phone ko. Akala ko si Bea o Thesa pero biglang bumilis ung t***k ng puso ko at naglandas na naman ung mga luha sa mata ko. Si Keith.. natawag sakin. Alangan man, sinagot ko un at hindi nagsalita. [Camille. Kumusta ka na? I miss you. Andito lang ako.] Ayun lang ung sabi nya tapos namatay ung tawag kaya naman di ako nagdalawang isip na tawagan sya. tumawag ako sa kanya at sinagot naman nya. "Keith. I love you... I miss you so much..." Umiiyak na sabi ko sabay namatay ang tawag. Hindi na ko nagpatumpik tumpik pa. Nahihirapan na ko magpigil at magdamdam. Isa lang ang ipinapangako ko. Hindi ko gagayahin si Ate. Hindi ko sya gagayahin... Tama si Papa. Iba ang nangyari kay Ate at iba din ang pwedeng mangyari ngayon. Masyado akong nabalot ng takot kaya hindi ko naisip na may sarili akong desisyon at may sarili kaming tatahaking daan ni Keith. Itinaboy ko ung lalaking nagpapahalaga at mahal ko dahil sa takot. Kaninang tanghali kasi dahil hindi na naman ako lumabas, pinuntahan ako ni Papa at kinausap hindi about kay Ate. Kundi about samin ni Keith. Nag aalala na sya na kaya pala ako halos hindi naglalabas ng kwarto dahil malungkot at may dinadamdam ako. Nung narinig nya kagabi dun sya nagpasya na kauspain ako. Lahat ng bagay pinaintindi sakin ni Papa. Lahat ng iniisip kong posibleng mangyari sakin, ibinaliktad un ni Papa at sinabi nyang malaki ang tiwala nya kay Keith na hindi mangyayari sakin un. 'Mabuting lalaki si Keith, Camille. Magkaiba din si Keith at Lloyd at lalo ng magkaiba kayo ng Ate mo. Matalino kayo pareho pero madiskarte ka at iba ang isip mo sa Ate mo. Ibig sabihin din nun magkaiba kayo ng tatahaking landas. Kaya habang maaga pa. Habang andyan pa si Keith. Sagutin mo na. Hindi kita pagbabawalan dahil sa nangyari sa Ate mo dahil alam kong alam mo na ang tama at mali.' Naririnig ko pa ung boses ni Papa habang sinasabi na yang mga yan. Tama sya. Sakto naman din ngayong tumawag si Keith kaya sinabi ko na. Kung asan man sya sana maramdaman nyang totoo ung sinasabi ko. Hindi naman na tumawag ulit si Keith, kaya inisip ko na sana puntahan nya ko at makipag usap sya. -------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD