CAMILLE
"San mo nakuha to?! Kanino to, Fatima?!" Mahinahong sabi ko pero madidiin. "Sayo to?! Ginalaw ka ba ni Lloyd?! Sagutin mo ko, Fatima" Hindi ko napigilang hindi sumigaw dahil sa galit ko!
Gusto ko malaman kung kaninong pregnancy test to! Bakit may hawak na ganto si Fatima?!
"Ate. Wag ka sumigaw... Please..." Nagmamakaawa nyang iyak. Hindi ko na din napigilang lumuha. "Ate. Baka marinig ka ni Ate Caith." Sabi nya kaya habang umiiyak ako, napakunot ung noo ko.
"Sagutin mo ko! Ginalaw ka ba ni Lloyd?! Sayo ba to ha, Fatima?!" Gigil pa din na sabi ko. Naglaho na lahat ng kilig at saya ko at napalitan na lang ng galit, takot at pag aalinlangan!
"Hindi, Ate. Hindi sakin yan." Mabilis na sagot nya at umiiling pa. Sh*t! Mukhang alam ko na kung kanino to?!
"Kay Ate ba to?! Dito mo ba to nakuha sa kwarto?!" Madiing tanong ko. Tumango naman sya kaya bigla kong nahagis ung PT sa kung saan. Bahala na makita un nila Mama o ng kung sino. Nakakapagod magtago sa katarantaduhang ginagawa nya. Napapagod na ko! Tinignan ko si Fatima na nakatingin sakin, gulat ung mga mata nya at hindi nya akalain na ako ung kasama nya ngayon. Saming magkakapatid, ako ata ang pinakakalmado kaya nagulat sya na ganto ako kagalit. "Anong alam mo, Fatima? Bakit hawak mo un?" Tanong ko sa kanya.
"Ate Cami... Nung araw na gabi ka na umuwi kasi may event sa school nyo, nakita ko silang dalawa na pumasok dito. Madilim na un at nasa kwarto na lahat ikaw na lang ang wala dahil nga may event kayo sa school. Tapos hindi ko sadyang tignan ung ginagawa nila... Ate, hindi na ko bata... Alam ko na ung ginagawa nila. Then nitong nakaraang araw, tatawagin sana kita dahil may hihiramin akong damit kaso nakita ko si Ate dyan sa cr nyo na sumusuka. Sabi nya may nakain lang daw syang panis o sira.. Kaya hinayaan ko na lang pero...." Kwento nya pero bigla din hagulgol. "Nung nakita ko to sa bag nya dahil hiniram ko ung laptop... Dun na ko hindi mapalagay... Ate... Hawak ko na yan... Last week pa." Sabi nya at umiyak lang ng umiyak....
Gusto kong sugurin si Ate at Lloyd sa baba dahil dun pero hindi ko magawa dahil baka marinig nila Filan at magsumbong kila Mama.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang sariling luha.
"Wag ka na umiyak. Kakausapin ko si Ate. Ako ng bahala. Okay?" Sabi ko at niyakap si Fat.
Nag usap lang kami ng mga pwedeng gawin at paano maiiwasan na malaman nila Mama. Ayokong madamay si Fatima sa gulong ginawa ni Ate. Kaya sabi pag nagkabukingan na wag na syang mag sasalita.
Lumabas na din sya agad after naming mag usap. Ako naman umupo lang sa kama ko. Kaya ba nasabi ni Keith na may napapansin sya kay Ate dahil dun?
Mas natakot tuloy akong sumugal samin ni Keith. Imbis na pinag iisipan kong sagutin sya. Mas nadadagdagan ung takot ko. What if? Patigilin ko na sya. Ayoko na! Mukhang hindi na matatanggal tong takot ko. Baka pwede na syang mag hanap ng iba. Tama. Iiwas na lang ako. Pero ayoko syang saktan.
Kinagabihan, iyak lang ako nang iyak dahil inumpisahan ko na nga ung pag iwas ko kay Keith. Kahit anong tawag at text nya hindi ko na pinapansin. Mas may kailangan akong asikasuhin kesa siguro makipaglandian sa kanya. Kailangan ko muna magfocus sa pag aaral ko dahil kung tama nga na kay Ate ung PT hindi na sya makakapag aral, sila Papa ang maghihirap ngayon. At lalo na niloloko sya ni Lloyd.
Ang hirap lang dahil simula nung nagkaroon kami ng ligawan portion, lagi ko na syang kausap. Ung puso ko sobrang masasaktan dahil sa nangyayari.
"Camille?" Tawag ni Mama sa pinto kaya nagpunas ako ng luha para hindi sya makahalata.
"Ma. Bakit po?" Sagot ko at pilit pinapakalma ung boses ko. Nakita ko namang pumasok si Mama sa kwarto.
"Kumain ka na. Hindi ka pa daw kumain sabi nila Fatima. Dalhan na lang kita dito gusto mo? Kung ayaw mong bumaba dahil andun si Lloyd." Sabi nya at nakita kong papalapit sya dito.
"Hindi na po ma. Wala naman po akong gana. Gusto ko lang pong magpahinga. May pasok din po ako bukas ng umaga." Sagot ko sa kanya habang nakayuko.
"Sigurado ka? Sige at magpahinga ka na." Sabi nya at naramdaman kong hinimas ni Mama ung ulo ko. Tumango na lang ako at kinagat ung ibabang labi para hindi maglabas ng kahit anong hikbi.
Lumabas na si Mama kaya bumalik na ko sa pagkakahiga ko. At umiyak ulit, bakit ba ako ang nahihirapan sa ginawa nyang kabalastugan. Naiyak ako habang sya nagpapakasaya dun sa feeling ng manloloko nyang jowa!
"Ate Cami..." Rinig kong tawag sakin ng kung sino sa pinto kaya tinignan ko kung sino un at nakita ko si Cheska. Pinunasan ko ulit ung luha ko.
"Bakit, Ches?" Tanong ko sa kanya.
"Andyan po si Kuya Keith sa baba.. hinahanap ka po." Sabi nya kaya napaayos ako agad ng upo.
Pumunta sya dito?! Saglit lang. Sabi ko iiwasan ko na sya...
"Ches. Pwede ba sabihin mong tulog na ko." Sabi ko. Mukha namang nagtaka si Cheska pero tumango pa din sya at lumabas na.
Di ko na alam ung nangyari dahil mas naiyak ako at sa sobrang pagod kong umiyak. Nakatulog na ko.
Nagising ako sa alarm ko at kahit sobrang tamad akong tumay, ginawa ko pa din para sa pagpasok ko. Naglalakad na ko papunta cr namin ni Ate ng biglang may bumunggo sakin kaya tinignan ko sa cr kung anong nangyayari.
Tama nga si Fatima! Si Ate magsusuka! Bwisit! Bumalik na naman sa isip ko agad ung nangyari at ung pag iwas ko kay Keith.
"Buntis ka?" Un agad ung nasabi ko ng makita kong tapos na syang sumuka. Naiiyak naman syang tumungin sakin. "Ano? Buntis ka?!" Tanong ko ulit sa malamig pero madiing boses.
"Cami... Please... wag mong sasabihin kila Papa... Ako na magsasabi. Hindi ko pa din nasasabi kay Lloyd kasi natatakot akong iwan nya." Naiiyak na pagmamakaawa nya sakin. Tumingin ako sa kisame at mariing ipinikit ung mata ko habang lumalandas sa mukha ko ung mga luha ko.
"Sabi ko sayo mag ingat ka! Tigilan mo na! Pero ano to, Ate?! Paano ang pag aaral mo?! Paano sila Papa?! Paano yang bata?! Paano kung hindi ka panagutan ni Lloyd?! Ilang bwan na yan?!" Gigil na sabi ko pero mahina lang dahil baka marinig kami nila Papa.
"Gagawan ko ng paraan. Cami... Please... Wag mong sabihin.. hindi ko pa alam kung anong mangyayari.... Isang bwan pa lang to..." Naiiyak pa din sya.
"Lumabas ka na." Ayun na lang ung sinabi ko habang nakatingin sa kanya. Kaya wala naman syang nagawa kundi ang tumayo at maglakad palabas pero nagsalita ako bago sya tuluyang makalabas. "Siguraduhin mong sasabihin mo yan kila Papa at sa hayop na Lloyd na un. Wag mong antayin na mapuno ako, Ate." Sabi ko lang at naglakad pa para mas makapasok sa cr.
Pagkasara ko ng pinto bumuhos lang ung luha ko kasabay ng pagligo ko. Matapos akong maligo, nagbihis at ramdam kong nakatitig sakin si Ate pero hindi ko sya tinapunan ng kahit na anong tingin. Lumabas akong walang paki alam sa kanya.
Pagbaba ko andun sila Papa at Mama na kumakain kasama si Fatima at Filan. Tumingin lang ako kay Fatima ng malungkot kaya bigla syang yumuko.
"Camille. Kumain ka muna bago ka pumasok." Sabi ni Papa kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi na pa. Sa trabaho na lang po." Sabi ko at pilit kong pinapasigla ung boses ko. "Una na po ako." Paalam ko at nagmadaling lumabas ng bahay.
Nakarating ako ng cafe at nagpaalam na kung pwede sa kitchen na lang ako at hindi na lalabas. Naguguluhan man sila pero hindi a nagsalita. Buong oras ko sa trabaho nasa loob lang ako ng kitchen. Dahil alam kong pupunta dito si Keith. Kahit nung naglunch ako, sa loob lang din ako kumain.
Natapos ang duty ko kaya naman nagpalit na ko at nakakagulat dahil walang Keith na naghanap sakin. Okay sakin un pero bakit parang ang sakit sakit.
Naglalakad na ko papuntang sakayan ng may isang itim na kotse ang huminto sa gilid ko. Kaya tinignan ko lang un tapos naglakad ulit.
Pero natigil ako ng biglang may humatak ng pulsuan ko at iharap ako sa gawi nya. Agag kong binawi ung kamay ko ng makita ko kung sino ung humatak sakin. Bahagya pa syang magulat ng hatakin ko ung kamay ko. Sorry...
"Pumasok ka pala. Akala ko hindi. Hindi kasi kita nakita kanina." Sabi nya. Naguguluhan man sya pero nakangiti pa din.
"Nasa kitchen ako nakaduty ngayon." Malamig na sabi ko. Ayokong pakitaan ng kahit anong emosyon si Keith.
Nasa ligawan portion pa lang, broke na agad! Galing!
"Ah. Okay. Hatid ka na namin." Sabi nya kaya bahagya akong tumingin sa likod nya at may nakita akong lalaki sa driver seat. Tapos bumaling ulit kay Keith na nakatitig sakin
"Hindi na. Kaya ko namang umuwi mag isa." Malamig na sabi ko at tumalikod pero hindi pa man ako nakakatalikod ng tuluyan hinarap na naman nya ko.
"Ihahatid ka na namin." Madiing sabi nya.
"Hindi na nga. Kaya kong umuwing mag isa. Hindi ko kailangan ng mag hahatid sakin." Malamig na sabi ko pero kinunutan nya lang ako ng noo.
"Anong nangyari sayo? Kahapon lang okay tayo ah. Bakit bigla kang naging mailap." Sabi nya kaya umiwas ako ng tingin. "Ow. Camille, what happened?" Tanong nya pero hindi ako nagsalita at walang babalang tumalikod sa kanya at tumakbo na kahit maraming tao tumakbo pa din ako at ayokong umiyak sa harap nya at magkwento na naman...
Hindi na ko narinig ng tawag sa likod ko kaya alam kong wala na sya. Dali dali na din akong sumakay ng jeep pauwi para makalayo sa kanya. Gusto kong umiyak pero para naman akong tanga kung sa jeep pa ko magdadrama.
Matamlay akong dumating ng bahay at nagkulong sa kwarto. Hindi lumabas kahit hapunan. Wala akong gana, kinakausap ako ni Ate pero wala na kong pake. Nakakainis lang na parang wala lang sa kanya ung nangyayari pero ako apektadong apektado. Pakiramdam ko ako ung may ginawang kalokohan. Kahit sarili kong kasiyahan, tinatalikuran ko dahil sa anxiety na nararamdaman ko.
Napaigtad naman ako ng tumunog ung phone ko. Tinignan ko kung sinong tumatawag, nakita ko ung pangalan ni Keith.
Napagpasyahan kong sagutin para na din, makapag usap kami. Ayoko syang magmukhang tanga.
[Camille.] Isang malalim na boses bumati sakin.
"Keith. Tigilan na natin to. I mean. Tama na. Wag mo na ituloy,” diretso kong sabi sa kanya. Habang pilit binubuo ang boses. Matagal bago sya nakapagsalita ulit.
[Why? Pwede ko bang malaman kung bakit? Kasi okay lang naman tayo kahapon diba? Dahil ba sa sinabi ko kung paano mo ko sasagutin? Kaya ko namang mag antay.] Sabi nya at ramdam kong para syang nagmamakaawa sakin.
Ang sakit... Hindi ko pwedeng sabihing dahil buntis si Ate. Natatakot akong matulad kay Ate. Paano kung sakin mangyari? Unang beses kong susubok at ayokong masaktan... Natatakot ako! Dahil eto pa nga lang na si Ate ang nasasaktan para na kong sinasaksak, paano pa kaya kung ako na? Paano kung ako na ang makaranas...
"Wala. Ayoko na. Sawa na ko." Sabi ko kahit gustong gusto ko talaga ung mga ginagawa nya. Kahit gusto kong sabihing mahal ko na sya... Kahit hinahanap hanap ko un at hinding hindi magsasawa dun..
Nakarinig ako ng mahinang pagtawa sa kanya at mura. Kaya mas ipinikit ko ung mata ko.
[T*ngina! Ako ung sinabihan mong wag mag sawa dapat pala sinabi mo sa sarili mo un!] Inis na sabi nya at bumuntong hininga. [Paniniwalaan ko yang rason mo kahit hindi talaga ako naniniwala, Camille. Pero gusto kong malaman mo na nasasaktan ako. Sobra! Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa to?! Pero kung anoman ung nangyayari sayo... Please... Andito lang ako. Aantayin kita. I love you.] Sabi nya at namatay na ung tawag. Kaya naman ang tanging nagawa ko lang ay umiyak ng umiyak.
Agad akong nagpunas ng biglang bumukas ung pinto. Si Ate may kausap sa phone at nakangiti! Bakit ako naiyak?! Ung may totoo kalokohan, nakangiti at parang wala lang sa kanya. Bakit ako magulo ang isipan at halos hindi makapagfocus sa mga dapat gawin...
"Paano kang nakakangiti ng may itinatago? Bakit ikaw masaya? Bakit parang ako ung may kalokohang ginawa?" Wala sa sarili kong tanong sabay tingin kay Ate na natigilan din sa sinabi ko. "Bakit parang wala lang sayo ung nangyayari? Bakit? Bakit, Ate?!" Tanong ko ulit.
Hindi naman sya nagsalita at dalidaling lumabas habang hinahayaan akong umiyak at tanungin ung sarili ko. Tanga na ba ko na ako ung naapektuhan samin?
------------------