Chapter 1
CAMILLE
Present
Nasa bahay kami ng mag asawang Nicole at Sir Miggy. Iniintriga kung may nangyari na doon sa dalawa. Madami kasing hickey si Nics kaya gusto namin malaman, kaso wala pa daw.
"Paano kayo nagkakilala ni Keithy, Cams?" tanong bigla ni Nicole.
Napaisip naman ako at natawa. Naalala ko kasi!
"Simple lang. Assuming ako pero kasi ang kuya n’yo! Pafall din ang putik!” sabi ko habang natawa.
"Ay true ba? Pafall si Keith?" Sabi naman ni Tala
"Ou! Basta! Sige kwento ko," Sabi ko at inumpisahan na nga ang kwento.
5 years Ago
Hay! Sa wakas tapos na din ang duty! Makakauwi na ko pero hindi makaka pagpahinga dahil may tatapusin pa kong mga paper works para sa school.
"Mille! Lalabas ka na? Palast call naman nito oh?" Sabi ni Bren dun sa hawak nyang coffee.
"Hay naku Brentot ah! Last na to, uuwi na ko at may mga school requirements akong kailangang tapusin," sabi ko at kinuha ung coffee na hawak nya.
"Yep. Promise. Last na talaga gisti ko lang marinig yang maganda mong boses. Salamat!" Birong sabi nya habang natawa.
Umiling na lang ako sa sinabi nya. Tss... Mukha nya! Landi landi na naman yan.
Tinignan ko naman ung coffee na hawak ko, isang Large Cafe Amerikano. Di ko kayang uminum ng gantong kape bwisit. Tinignan ko na din ung pangalan...
Mr. Assistant.
Ayun lang ung nakalagay. Ano to Christmas Party at may pacodename. Hayaan mo na nga! Huminga muna ko ng malalim para tawagin ung Mr. Assistant na pangalan.
"I Large Cafe Americano for Mr. Assistant." Malakas na sigaw ko.
Sa di kalayuan. May tumayo naman na medyo chubby na lalaki at lumakad sa direction ko. Hm! Kung makamysterious akala mo gwapo! Hindi naman.
"Mr. Assistant?" Tanong ko ng makalapit sya.
"Hindi. Hihingi lang sana ako ng tissue. Thank you," sabi nya kaya naman napa 'ahh' ung bibig ko at agad syang binigyan ng tissue at umalis na.
Sorry na Mr. Assistant, judgemental ako. Sino ba kasi to? Bakit parang ngayon ko lang narinig ung pangalan na to?
Tumalikod ako pag alis nung lalaki at tayawagin na sana si Bren dahil wala namang nalapit ng may magsalita sa likod ko at pagtingin ko. Holy Moly! Ang gwapo naman nito! His wearing a white long sleeve na nakatupi ung manggas hanggang siko tapos nakanecktie! Professional na to!
"Excuse me. Did you call Mr. Assistant?" Mahinahong tanong nya.
"Yes Sir. Kayo po ba yun?" Tanong ko ulit kahit hirap na hirap na kong pigilin ung kilig ko kasi ang gwapo naman nito!
"Yep." Maikling sabi nya at ngumiti. Nakarinig ako ng impit na tilo sa likod ko kaya napalingon ako. Si Thesa, nakatingin sa lalaking kaharap ko.
"Here's your Large Cafe Americano Sir. Enjoy your coffee," nakangiti ding sabi ko sabay abot ng coffee nya.
"Thank you. I will enjoy this since beautiful lady gave this to me. Nice to meet you Ms. Camille." Malanding sabi nya at umalis na.
Ay! Turn off! Malandi! Ayoko sa malandi. Char!
"Mille! Ang gwapo nung lalaking yun! Type ka pa ata! Yiiiie! Magkakalove life na! ," sabi ni Thesa habang tinutusok tusok ako sa bewang.
"Gaga! Ayoko sa malandi. Sige na. Mag aout na ko at madami akong gagawing school works," sabi ko at lumabas na ng counter at pumunta sa staff room. Kinuha ang gamit at nagpalit ng damit.
Paglabas ko ng staff room, nagpaalam lang ako sa kanila at lumabas na ng Café.
Hay! Eto na ang buhay ko simula ng magcollege ako. Part time job sa hapon at aral naman sa gabi. Kailangan kong magtrabaho para masuportahan ko ung sarili ko. Hindi kami ganun kayaman, pero sakto lang para makapag aral ang mga kapatid ko.
Dalawa na kaming nagkacollege e. 2nd year college na ko ang ate ko naman 3rd year at kumukuha sya ng Secondary Education sa isang State University. Sila papa ang sumasagot ng Miscellaneous ni Ate. Ako naman kasi kahit papaano, nakatanggap ng scholarship sa Aim High College. Marketing Management ang course ko.
Di ko nga akalain na makakapasok ako dun dahil sikat ang school na un dahil pag aari ng mga Monticlaro un. Pangarap kong magtrabaho dun para makaipon at mapaayos ung bahay namin para magkasya kami.
6 kaming magkakapatid. Pangalawa ako saming magkakapatid. 4 na babae at 2 lalaki. Ang trabaho ni Mama ay isang manikurista, isa mga nail salon sa mall, si Papa naman isang family driver. Kaya kahit paano meron naman kaming kinakain.
Pag uwi ko ng bahay, saktong kumakain na sila kaya sinabayan ko na din sila dito bago pa muna ko gumawa ng mga gawain sa school.
Pagkatapos kumain, umakyat na din ako sa kwarto namin ni Ate at inumpisahan ung paper works ko.
"Cami! Dami ka ding gagawin? Paano puyatan na naman tayo? May snacks akong binili kanina," sabi ni Ate ng pumasok na sya sa kwarto.
"Oo, te! Gagamitin mo ung laptop? Peram muna ko. May binili din ako tas may dala din ako galing ng cafe. Puyatan ito! " sabi ko at tumawa, nakitawa din naman si Ate.
"Hindi. Sige na at gamitin mo," sabi nya at inabot sakin un.
Kinuha ko naman dahil may research akong kailangang gawin. Ginawa na lang namin pateho ni ate ung gagawin namin tapos nag earphone ako ganun din si Ate. Lagi naman namin ginagawa un dahil ayaw namin pareho maistorbo. Naglalagay din kami ng karatula sa labas na 'Do not Disturb!' . Tinatanggal lang namin pareho pag may tanong kami sa isa't isa.
Naunang matapos si Ate. Kaya naman pinatay ko na ung ilaw at isindihan na lang ung ilaw ko sa side table. Maliwanag naman un kaya okay lang. Nung matapos ako, alas dos na. Kaya niligpit ko lang at natulog na.
Kinabukasan maaga din akong nagising dahil maaga ang pasok ko. Inayos ko ung gamit ko pati ung uniform ko pang cafe ska naligo at bumaba para makapag almusal.
Naabutan ko dun si Fatima at Cheska na nag aalmusal, High school sila parehas. 3rd year si Fatima at 1 year si Cheska. Ung dalawa kong kapatid na si Chester at Filan, pareho namang elementary.
"Magandang umaga, Fat at Ika!" Bati ko sa kanila.
"Good morning din, Ate Cami!" Sabay na bati nila.
"Kain na Ate at baka malate," sabi ni Fatima.
"Yep. Eto na. May quiz pa naman ako sa 1st subject ko," sabi ko at naupo na.
Kumain lang kami at nagkwentuhan. Hanggang dumating si Lloyd na boyfriend ni Ate Caith.
"Good morning. Si Caith?" Tanong nya samin.
"Pababa na ung Kuya. Intayin mo na lang," sabi ko dahil tapos na kong kumain at gagayak na ko papasok. "Una na ko. Bye!" Paalam ko sa kanila.
Wala naman na sila Mama at Papa dahil panigurado maaga ding pumasok. Si Ches at Lan naman panigurado tulog pa. Si Fat at Ika na bahala sa kanila.
Nagpaalam na rini sila sakon kaya nagtuloy tuloy na ko. Sumakay na lang ako sa Jeep at buti hindi ako late!
Umakyat na ko sa building namin at mapapadaan na naman ako sa Block D. Maingay sila pero matatalino at mababait! Halos scholars ung andito at balita ko andito din daw ung isa sa nakaperfect ng scholarship exam.
"Bry si Kenny nga oh! Pakisampal! Mga sampu! Charot! " rinig kong sabi nung magandang babae harap.
Maganda sya. Matankad din. Mukhang sya ang president ng block na to.
"Hoy! Maganda ka din pero mas maganda syam pero hindi kayo talo. Tara na." Kalabit sakin ni Bea. Ung kaibigan ko sa Block B.
Block B kasi ako. Kaya madadaanan ko ung room ng Block D.
"Gaga! Maganda sya. Kaya nakakawala ng ganda! " sabi ko at naglakad na ng mabilis dahil baka malate kami.
Medyo terror pa naman ung prof namin ngayon buti sana kung si Sir Henry o si Mr. Gonzales un. May quiz din kami.
Nag umpisa na amg klase at ung mga gawa ko kagabi ay pinasa ko na din. Naglunch na kami ni Bea at nasa grounds kami. Grabe! Malapit na pala ang Festival! May mga kailantan kaming gawin para dun.
Bumalik kami ng room dahil si Sir Henry na ang sunod naming Prof.
Pumasok na si Sir habang ung mga blockmates ko impit ang tili. Mga nakamake up din. Akala mo naman mapapansin ni Sir Henry.
Nasa kalahati na ng discussion ng may kumatok sa pinto ng room. Tumingin naman si Sir dun na nakataas ang kilay.
"Come in," sabi nya sa seryosong boses.
Pero nung nakita nya ung pumasok, mas kumunot ung noo nya at tumaas ang kilay.
"Ay! Sabi ko na si Sir Henry," sabi nung lalaki.
"Hi, sir," sabi naman nung babae. Sya ung maganda babae sa Block D.
Tinignan ko ung mga reaction ng mga blockmates ko at lahat sila parang ngayon lang nakakita ng maganda. Well! Maganda naman kasi talaga sya. Para syang si Aphrodite.
"Anong ginagawa nyong dalawa dito? Nicole at Ace? Wag nyo sabihing nagditch kayo ng class? Ibabagsak kita!" Sabi nya kay Nicole ata ang pangalan.
"Ang dami na agad sinabi nag'hi' pa lang ako, Sir." Bulong nung Nicole kaya natawa kami. "Ay. Nagtuturo po pala kayo. Hehe. Peace. Hindi kami nagditch, Sir. Need po namin kausapin ung block president for festival's announcement. Parang di po namin kayo adviser sa KC at parang hindi nyo naman pinirmahan ung letter ko na nag eexcuse sakin." Mahabang maliwanag nya kay Sir Henry.
"Kutusan kaya kita dyan. Oo nga pala, ngayon palang araw yon," sabi nya at akmang lalapit dun kay Nicole at kaya naman nagtago sya sa likod nung kasama nya na tawa nang tawa. Mukhang close sila ni Sir Henry.
"Joke lang, Sir. Pero pwede po ba naming hiramin sila..," natigilan sya tas humarap dun sa kasama nya at ngumiti. Ang cute at ang ganda nya... "Sino ulit un? " sabi nya at parang batang magkakamot ng kilay.
Kaya ung mga blockmates kong lalaki namura ng wala sa oras.
"P*ta! Ang ganda!"
"Taga block D, pre!"
"F*ckingshit! Anong number mo Ms. Ganda?"
At iba pa. Umingay sila, ung iba namang maarteng babae, kulang nalang tumirik ang mata dahil sa kakairap. Maganda naman kasi talaga sya. Parang ang sarap nyang kasama. Ganun.
"Mabait yan kahit matalino at maganda. Hindi plastic. Gusto ko nga sya maging friend pero nakakahiya kasi masyado syang maganda." Bulong ni Bea sakin
Halata naman. Pero pwera biro madaming nagsasabi sakin na maganda ako, pero sya... Ibang usapan na. Maganda talaga at parang ang saya saya nyang kasama.
"Hoy! Boys. Tumigil kayo. Alaga ko to kaya hindi pwede," saway ni Sir Henry dun sa mga boys namin. "Ikaw kasi! Bakit naman ikaw ang nagpunta dito. Dapat si Ace na lang. Sige na at tawagin nyo ung tatawagin nyo," sabi ni Sir at parang naiinis.
Owww... Adviser nila si Sir Henry. Bantay sarado nga sya.
"Sorry Sir, ako nakatoka e. Nagpasama lang ako. Anyway…" sabi nya at humarap samin. "Hi. I'm Ferrer, Secretary from Kinaadman Council. We want to borrow some time from your Block President and Vice President. Ms. delos Santos and Mr. Hernandez. We just want to discuss the festival together with other higher officers from other blocks," nakangiti nyang sabi.
Ang galing nyang magsalita. I mean matalino ako pero nakakahanga sya! Grabe! No wonder sya ang napiling secretary. Pero may meeting kami. Tumayo na ko at si Mico para dun sa meeting naman. Ako ang Vice sya naman ang President.
"Sasama kami Ms. Secretary, kung ibibigay mo ang number mo sakin," sabi ni Mico.
Mayabang talaga. Paano mayaman kasi! Tsk! Pati ung babaeng walang ginawa. Pag didiskitahan.
"Okay lang naman kung hindi ka sumama. I guess Ms. delos Santos is willing to attend without my number. Kung ayaw mo dito ka na lang," nakangiting sabi nya kaya natawa si Sir Henry at ung lalaki.
"If you don't want to come, Hernandez. Okay lang naman. Makinig ka na lang sa discussion ko," sabi ni Sir Henry at tumingin sakin. "Ms. delos Santos, sumama ka na sa kanila," sabi nya sakin kaya tumango ako at kinuha ung gamit ko pero nagulat ako ng inaayos din ni Mico ung bag nya.
Tss! Arte arte sasama din naman pala.
"Sasama din naman pala dami pang arte!" Sabi nung lalaking kasama nung Nicole.
"Alis na. Punta ako dun mamaya," sabi ni Sir Henry kaya umalis na ung dalawa at sumunod kami.
"Bye Sir!" Masiglang paalam ni Nicole.
Naglakad na lang kami na nakasunod sa kanila. Nabigla naman kami ng bigla syang humarap.
"You can go to KC HQ, we will call other Officers from our Department. Salamat ulit," nakangiti nyang sabi.
Kaya naman tumango lang kami at naglakad na. Hindi naman ako gaano kinakausap ni Mico. Kaya keri lang.
Nagpunta lang kami sa HQ at may mga iba't ibang courses at blocks dun. Tinuro lang samin ung circle kung saan dapat kami. Andun ang Block A to E.
Pagdating naman nung Nicole, inumpisahan agad nila at maganda nga talaga sya magsalita at malumanay. Napaka unfair lang kasi bakit ang ganda nya sa lahat ng aspeto. Gusto ko syang maging kaibigan. Pero nakakahiya at ska mukhang busy sya dahil after nyang magpaliwanag, pinalitan na sya agad dahil may praktis pa sya.
"Bye sa inyo. Salamat sa pakikinig," nakangiti nyang sabi nung paalis na sya at nakasukbit ang gamit pati gitara. Astig! "Sands, sorry labyu! Bye!" Paalam nya naglakad na.
"Maganda talaga sya! Putcha!" Dinig kong sabi ni Mico
Natawa lang ako at hindi na sya pinakinggan pa ulit! Kasi naman, di sya papatusin nung Nicole nuh? Mukhang walang balak.
Natapos na ung meeting, dumeretso na kami ulit sa room at inexplain ung gagawin namin sa festival. After nun uwian na pero di pa ko uuwi dahil duduty pa ko. Hanggang 9pm dahil un ang sched ko. 5 hours lang ako pag 3pm ang uwi ko sa school. Pero pag saturday at sunday. Nag 8hrs ako. Simula paggraduate ko ng High school nag trabaho na ko agad para makaipon. Natupad naman at pang 2 yrs ko ng nagtatrabaho at malaking tulong sakin lalo na sa school at sa bahay.
Pagdating ko ng Cafe, madaming tao dahil nga hapon at malapit sa school. Dito din minsan nagdedate ung mga magjowang nakatago. Minsan na nga kami nakakita ng nagbreak dito eh. Di namin alam ung irereact namin dahil nga masakit un.
"Good afternoon." Bati ko sa kanila ng dumaan ako sa counter.
Ngiti lang ang sinagot nila sakin dahil busy sila at ako naman nagmadali na dahil need ng tulong sa labas at loob.
Nang nakabihis na ko. Nagtime in at lumabas na ko. All around kami dito, kaya alam ko kung anong gagawin ko ngayon.
"Mille! Paserve," sabi ni Thesa
"Copy! Table?" Tanong ko, pag kasi food lang ang inoorder, sineserve namin. Atska pala pagdine in na may food.
"Table 4. Salamat!" Sabi nya at gumawa na ulit ng iba.
Nagpunta na ko dun sa Table 4 at ibinigay ang Cheesy Carbonara at Lasagna w/ garlic bread na order nila.
"Good Afternoon Ma'am. Here's your Cheesy Carbonara and Lasagna w/ garlic bread. Enjoy your meal," sabi ko at baba ng order nila.
Then balik sa counter para mag serve ulit. Nagpatuloy lang ung pagseserve ko hanggang sa umonti ung tao. Pick talaga ng tao paglabasan ng mga estudyante.
"Paserve ulit Mille! Table 5, dun sa mga pogi!" Sabi ni Thesa. Mukha naman kinikilig, dapat sya na ang magserve!
Tinignan ko ung order. Iced Latte, Cafe Americano, iced caramel macchiato and iced brewed coffee, and drinks at cakes na iba iba ang flavor. Hm... Group activity? Char! Tsimosa ka gurl!
Ikinuha ko lang yun at di pinag aksayahan ng oras tignan ung pangalan. Pumunta na ko sa Table 5 at gusto kong bumalik kasi nakita ko na naman ung gwapong lalaki kahapon! Ung malandi! At nakangiting nakatitig sakin.
"Good evening. Table 5, here's your order iced latte, cafe americano, iced caramel macchiato , iced brewed coffee, slice of red velvet, 2 slice of carrot cake. Enjoy you drinks and cake," nakangiting sabi ko habang isa isang binababa ung order nila at tumalikod na.
May kasama syang dalawang lalaki at isang babae. Mukhang jowa nung isa ung babae.
"Thank you, Ms. Camille," rinig kong sabi ni Mr. Assistant kaya lumingon ako para sagutin.
"My pleasure Sir," sagot ko at tinuloy tuloy na ang lakad. Masyado syang gwapo para tinignan ng matagal.
Nagtrabaho lang ako ng nagtrabaho. Serve dito serve doon pero nakakailang kasi ramdam kong may nakatingin sakin. Nakakahiya namang tumingin at hanapin kung sino. Kaya hinahayaan ko lang.
"Pacall!" Sigaw ni Leah.
Dahil ako ang malapit, ako na ang gumawa. Tinignan ko kung kanino at kung anong coffee. Nagulantang naman ako nung nakita ko kung kanino. Adik ba to sa kape!
"1 medium cafe americano for Mr. Assistant." Alangan kong tawag. Dahil baka iba naman ang kumuha.
Pero nung tumayo sya at nakangiting lumapit gusto kong tumawa kasi adik nga ata sa kape.
"Kayo ulit Sir. Adik po ba kayo sa kape?" Wala sa sarili kong tanong sa kanya. Natawa naman sya pero saglit lang.
"Ahm. Medyo. Stress reliever, pero mas adik ako sa nagtatawag ng order ko," sabi nya at kumindat pa.
Flirting! Hindi naman na ako bago sa ganito kasi minsan na din akong nagbabar.
"Paano kayo maadik sa magtatawag ng order, dalawang beses ko pa lang naman tinawag ung order nyo," sabi ko pero parang mali ata dahil nagmukha akong assuming dun.
"I didn't say that it was you. Pero pwede na din na ikaw," natatawang sabi nya at tumalikod.
See! Nagmukha akong assuming! Tanga! Tinanggal ko na lang sa isipan ko un at hinayaan na. Mukha akong tanga dun! Bwisit!
------------------