CAMILLE
"Camille! Labas ka dito! Marami tayong trainee dyan sa kitchen." Sigaw ni Manager Sky napanguso naman ako sa sinabi nya. Kasi nagugustuhan ko na talaga dito sa kitchen.
"Hindi po ba pwedeng dito na lang ako tas dyan na lang sila sa labas itrain..." Nakanguso kong tanong sa kanya. Umiling naman sya.
"No, Camille. We hired them as cooks and not as waiters or baristas. Sorry." Sabi nya at ngumiti. Tumango na lang ako kasi wala na kong magagawa.
Lumabas na lang ako ng kitchen at dun nagtrabaho. Isang bwan na ang lumipas simula nung nagkaroon ng away sa bahay. Simula ng itinuring nila Mama si Ate na hangin. Masama ang loob nila Mama sa kanya at hindi ko naman sila masisisi dun.
Nung araw na nagkabukingan, pinaalis nila Mama si Ate ng bahay. Hindi ko alam kung saan sya napunta hanggang sa lumipas ang isang linggo, umuwi si Ate na umiiyak at nahuli nya daw kasi si Lloyd na may kasama sa kama at alam nyo na. Sinabi pa sa kanya ni Lloyd na ayaw na nito sa kanya at tuluyan ng nakipaghiwalay. Nagmakaawa sya kila Papa na tanggapin sya ulit. Si Papa ang pumayag pero kung si Mama ang tatanungin, ayaw nya talaga. Nag aaral pa din si Ate actually nakaojt nga sya. Ewan ko kung anong naging usapan nila ni Papa. Hindi na ko nangialam dahil papahirapan ko na naman ung sarili ko. Unti unti na nga akong nakakamove on sa nangyari sa kanya.
Isang bwan na din ng umamin ako kay Keith pero after nung araw na un, hindi na ulit sya tumawag. I tried to call his number pero wala... Ewan ko kung huli na ko o napagod na sya kakaintay pero mag iintay pa din ako katulad ng ginawa nya.
"Ate Camille, paserve po. Thank you." Sabi ni Gladys bago namin. Sa kitchen to ih. Ngumiti na lang ako.
"Okay. Anong table, Glads?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa papel.
"Table 8 po. Dun po sa mahaba." Sabi nya kaya tinignan ko un saglit at tumingin ulit sa kanya.
"Okay. Kopya." Nakangiting sabi ko kaya ngumiti din sya.
"Salamat po, Ate." Rinig kong sabi nya kaya kinuha ko na ung tray na may lamang mga kape.
Naglakad ako papunta dun at ngumiti ng makarating dun.
"Good Afternoon. Here's your c-" naputol ang pagsasalita ko ng may magsalitang lalaki na hindi ko kilala.
"You are Camille delos Santos, right?" Sabi nung lalaking hindi ko kilala pero tumango naman ako dahil tinatanung nya ung pangalan ko.
"Opo. Ako po un." Sagot ko at ibinaba ung kape. Nakita kong tumango tango sya.
"May i know kung ilang taon ka na?" Tanong nya ulit sakin. Tumingin naman ako sa tao sa paligid kasi ung mga babae nakataas ang kilay sakin. Tas ung mga lalaki nakangisi.
"20 na po. Mag21 this year." Sagot ko ulit pero this time nakatuon na ung atensyon ko sa kanya.
"Hm. Pwede na pala." Sabi nya at ngumiti. Bigla namang nagsalita ung babae sa gilid nya.
"Don't tell me you are interested to her? Gosh! Miggy babe. Wala pa sa kalingkingan ng kagandahan ko yan. Kahit itapat mo sya dito kila Hannah, walang wala sya." Panlalait sakin nung babae at tinignan pa ko mula ulo hanggang paa.
Tss! Akala mo maganda! Kung ganyang lang ang basehan ng maganda, ano na lang si Ferrer? Dyosa!
"Can you please, shut up, Sofia." Sabi nya dun sa babae tapos tumingin ulit sakin. "Thank you. You may go." Sabi nya ng nakangiti. At s**t! Ang gwapo! Pero mahal ko si Keith kaya pass.
"Salamat po." Sabi ko na lang at tumalikod.
Bakit kaya ako tinanong nung lalaking un. Hindi ko na lang pinansin at bumalik na sa trabaho.
Makalipas ang ilang minuto, tinawag ulit ako ni Glads para ihatid ung food nung Table 8.
"Paserve ulit, Ate. Dun ulit sa Table 8. May food kasi sila." Sabi nya tumango na lang ako at ngumiti. This time kaming dalawa na ni Thesa ang magkasama dahil maraming food.
Si Thesa na ang nagsalita at ako nag umpisa ng magbaba ng food.
"Andito ka pa pala nagwowork, Cami." Rinig kong sabi ng kung sino kaya nilingon ko. Napangiti ako ng makita ko si Sir Henry.
Hindi ko na kasi sya prof ngayon. Wala kaming subject sa kanya. Unlike sa hawak nyang block meron pa. Ganun din samin, ung block adviser namin ang prof namin.
"Hi Sir." Nakangiting bati ko. "Opo. Dito pa po ako nagtatrabaho." Sagot ko sa tanong nya. Ngumiti naman sya sakin at tumango tango.
"Hindi na kasi kita nakikita, mga dalawang bwan na." Sabi nya lang. "Bukod sa hindi na rin naman kita estudyante." Sabi nya.
"Nasa kitchen po ako." Sabi ko na lang pero biglang nagsalita ung lalaki kanina.
"May tinataguan." Bulong nya habang nakatutok ang tingin sa food, nabaling ung tingin ko sa kanya. Sino ba to?! Bakit alam nyang may tinataguan ako. Bulong lang pero narinig ko kasi medyo malapit sya sakin. Si Sir naman wala lang sa kanya.
"Ah. Kaya pala. Anyway. Nice to see you again, Camille. See you next sem." Sabi nya kaya nagpaalam na lang din ako pero hindi nakalapagpas sakin ung taas ng kilay ng mga babaeng kasama nila.
Pero teka! Kung andun si Sir Henry! Ibig sabihin andun din si Keith! Pero bakit hindi ko sya nakita?! Asan un?!
Pagbalik ko ng counter, nakakunoot ung noo ko pero inayos ko dahil alam kong mapapagalitan ako pag nakitang nakasimangot ako.
Nagserve lang ako hanggang mag break. Kasabay ko sila Thesa at Bren.
"Ang swerte nito ni Camille. Lagi kang kinakausap nung pogi dun." Sabi ni Thesa panigurado ang sinasabi nya ay si Sir Henry.
"Prof ko un kaya kilala ako." Sagot ko lang. Tumango naman sya.
"Ang gawapo nuh? Lahat sila. Kaso nga lang may mga nakaangkla sa mga braso nila. Hindi naman magaganda." Sabi ulit nya. Natawa naman ako dun sa sinabi.
"Mapanglait! " Sabi ko lang kaya natawa kaming tatlo. Buti nga ngayon at talagang kinalimutan ni Bren ung pag amin nya sakin kaya palagay ako na kasama sya. Pagbalik namin.
Hindi pa man nag iinit ang paa ko sa pagkakatayo ng biglang sumigaw si Thesa sakin.
"Camille! Pacall." Sabi nya kaya nagtaka ako dahil kung makasigaw akala mo napakalayo ko.
"Eto na." Sagot ko lang tapos binasa ung nakasulat na halos naman magwala ung puso ko. Sh*t! Andito sya? Asan sya? Kahit nanginginig ako dahil kinakabahan ako. Huminga ako ng malalim at tinawag ung pangalan
"I Cafe Americano for Mr Assistant." Sigaw ko at hinahanap ung taong may ganung code tuwing bibili ng kape at habang pinapakalma ko ung sarili ko. Gosh! Namiss ko talaga sya!
Habang naghahanap at sumusulyap sa kung saan saan. Biglang may nagsalita kaya dahan dahan akong lumingon.
"Excuse me, Are you calling Mr. Assistant?" Tanong nung lalaking kasama kanina nila Sir Henry. Ung nagtanong at bumulong.
Dahil sya ung nakita ko. Naglaho bigla ung excitement at kaba sa dibdib ko.
"Yes po Sir. Kayo po si Mr. Assistant?" Tanong ko para makasigurado. Ngumiti naman sya sakin! Keith asan ka na ba?! Ang gwapo nung kumukuha sa ng pangalan mo.
"No. I'm the boss of that assh*le Mr. Assistant but that's my coffee." Sabi nya kaya sa sobrang pagkatutula ko sa kanya inabot ko na lang basta un kape. Nakangiti pa din sya sakin.
Ang gwapo naman nito! Nakakainis! Buti na lang talaga at mahal ko si Keith.
"Stop staring, Camille. Baka mag away kami ng kaibigan ko. . Anyway, he's not here, may tinatapos pa syang gawain. Intayin mo lang sya.. pabalik na un" sabi nya tapos uminom ng kape na binili nya. Habang nakatingin sakin, nakatingin din naman ako sa kanya. Walang halong biro! Ang gwapo talaga nito! Naipilig ko ang ulo ko nang bigla siyang kumindat. G*go!
Nakarinig naman ng mahinang pagtawa sa kanya. Bat kasi nakatingin ka, Camille?
"Enjoy your coffee, Sir." Ayun na lang ung nasabi ko. Nakangiti pa din kasi sya ng nakakaloko. Hay naku!
"Yeah. Thank you. Nice meeting you, Camille." Nakangiti pa din sya tapos tumalikod na.
Hay sa wakas! Wala na din sya! . Kinabahan ako dun! Pero kaibigan nya si Keith? Pero boss din nya? Galing naman. Pero wait! Ibig sabihin sya ung anak ni Mr. Monticlaro? CEO ung lokong un?! Hanep!
Keith's POV
[I saw her. She's cute.] Sabi ni Miggy habang nakavideocall kaming dalawa. May mga binibilin kasi sya. Tsk! Dapat sya ung andito at nagawa nito ih.
"Don't you dare touch her! Mag aaway talaga tayong dalawa." Banta ko sa kanya. Tawa lang naman ang sagot sakin ng hayop na to!
Nasabi nya kasi na kumain sila sa cafe kung saan nagtatrabaho si Camille. Naiinggit ako pero kasi may kailangan pa kong tapusin dito sa LA para makabalik. Dapat talaga si Miggy to kaso may naging problema sa Pilipinas kaya ako ang iniwan nya dito kasama sila Justin.
[No need to warn me. Hindi ko sya gagalawin dahil may iba akong gustong galawin pero kailangan ko munang iligpit si Henry] Natatawang sabi nya. Napailing na lang din ako dahil sa sinabi nya. I didn't know the girl pero mukhang malakas ang tama ni Miggy dun.
"Buti nga sayo. Anyway! Nagmeeting kami kanina nila Justin about sa hotel dito and they are agree to our proposal." Sabi ko at nagtuloy na kami sa pag uusap about sa trabaho.
Hanggang sa natapos un at nagpaalam na kami sa isa't isa. 2 bwan na ko dito sa LA nung una dalawa kami ni Miggy. Dahil nga kakalipat lang sa kanya ng ME, marami syang kailangang asikasuhin sa lahat ng foreign companies nila, pero dahil nagkaproblema sa main company kailangan nyang umuwi at maiwan ako dito.
At ang hayop! Pinuntahan pala si Camille. Kilala nya si Camille, kasama ko sya nung araw na tinakbuhan ako. Kasama ko din sya nung sinabi ni Camille na ayaw na nya. At kasama ko din sya when Camille said that she loves me too...
Saksi si Miggy kung paano ako naglasing dahil sa sinabi ni Camille nun. Masakit sakin un, kasi sya unang babaeng sineryoso ko at niligawan ko. At liligawan ko pa din. Hindi man sya ang unang babaeng magagalaw ko pero sya ang unang babaeng minahal ko. Alam kong may takot sya dahil sa nangyayari sa ate nya at alam ko din na may dahilan sya kung bakit sinabi nya un. Nakakatawa lang na nanliligaw pa lang ako broken na ko.
Tatlong araw pagkatapos nun, nagpupunta pa din ako ng cafe pero after nun hindi na dahil nga lumipad na kami ni Miggy papunta dito sa LA. Miss na miss ko na sya nun kaya hindi na ko nakatiis at nagparamdam na ko. Nagulat naman ako ng sagutin nya at kahit pilitin nyang hindi iparinig sakin. Alam kong naiyak sya kaya katulad ng lagi kong sinasabi sa kanya. 'Andito lang ako.' sabi ko dahil kahit anong sakit ng ginawa nya. Mahal ko sya at mamahalin ko sya kahit masakit. Pero nagulat ako ng sya naman ang tumawag.
Kung gaano kabilis gumuho ung mundo ko nung sinabi nyang ayaw na nya. Ganun din ako kabilis nabuo nung sinabi nyang mahal nya ko. Gusto kong umuwi agad ng pilipinas para lang mayakap sya pero tinawanan lang ako ni Miggy nung nagpaalam ako.
'Just let her be. Mahal ka naman na nya. Magpamiss ka pa.'
Ayan ang sabi nya. Wala kasing love life kaya kung makapag asar! May pinagdadaanan din kasi. He doesn't love Sofia but he needs to keep in touch with her para hindi maapektuhan ang negosyo at and Daddy nya.
Isang linggo na lang naman tapos uuwi na ko at ang una kong gagawin. Puntahan si Camille, pero pupunta pala muna ako sa kanila. Nakakachat ko si Fatima at si Cheska, hindi man nila sinasabi pero alam kong may problema dun sa kanila. Ung tatlong araw na din un, nagpupunta ako sa kanila at alam kong nasa kwarto lang sya.
Sinabi ko din kay Tito Franco na aalis nga ako. Close ako sa parents nya. Lalo na sa Papa nya, sabi nga ni Camille, nahuli ko daw ang kiliti ni Tito. Pero nasanay lang din kasi ako kay Tito Miguel na makipagbiruan at makipag usap kaya ganun.
Tinignan ko lang ung picture ni Camille na sinend ni Miggy kanina. Pumayat sya pero maganda pa din. Namimiss ko na talaga sya. Gusto ko na syang yakapin. Kung makakalusot kahit isang halik lang. Okay na ko.
"I miss you... See you in one week, babe." Bulong ko sa picture at ngumiti.
------------