CAMILLE
Pinagmasdan ko lang na umaalis si Bren sa pwesto namin kanina dahil hindi pa din ako gaano makamove on dun sa confession nya.
Huminga lang ako ng malalim at bahagyang dahan dahan na ibinuga un. Sana makapagtrabaho ako ng maayos sa mga susunod.
Naglakad na lang ako pabalik ng sakayan at umuwi. Pagdating ko ng bahay, umakyat na ko sa kwarto namin ni Ate. Nakita ko syang natutulog na at parang pagod na pagod kasi hindi pa sya halos nakakapag palit. Nakasapatos pa nga ih.
Hinubad ko lang ung bag ko at sapatos tapos nilapitan sya. Ako na mismo ang magtanggal ng sapatos at medyas nya pati ung bag nya inalis ko na sa kama nya. Ska ko sya inayos at kinumutan para hindi lamigin.
Kahit naman masama ang loob ko at lumalayo ako sa kanya. Kapatid ko pa din sya at mahal ko pa din sya.
After nun ako naman ang naghalf bath dahil naglalagkit ako. Kami lang ni Ate ang may cr sa kwarto dahil daw mga dalaga na kami kaya pinagawaan kami ni Papa. Habang naghahalf bath di ko maiwasang isipin si Bren. Paano ako makikitungo sa kanya.
Bukod sa hindi nya rin naman ako pinapansin, hindi naman ako pwedeng magresign dahil lang dun at lalo na kailangan ko sa school yung trabaho ko..
Natapos akong magshower at makapagbihis na higa na ko pero papikit pa lang ako ng maramdaman kong nagvibrate ung phone ko sa gilid ko. Kaya kinuha ko un at nakita kong nagtext si Keith. Ou nga pala! Nakalimutan kong itext sya.
From: Mr. Assistant
Nakauwi ka na, Camille?
Ayan lang ung text nya pero napangiti ako bigla. Nakangiti akong nagreply sa kanya at tumagal pa ng tumagal bago ako mismo ang nagpaalam dahil maaga ang pasok ko.
Kinabukasan nagising ako ng maaga at ako ang nag asikaso ng pagkain naming lahat, pag katapos kong magluto. Tinakpan ko muna un at umakyat para maligo at mag asikaso para sa pagpasok ko.
Si Ate naman tulog pa. Alam ko maaga ang pasok nito ngayon ah. Kaya naman ginising ko sya.
"Ate! Ate! Gising na, mag aala siete na. Maaga ang pasok mo diba?" Gising ko sa kanya. Nakita ko naman na gulaw sya at unti unting nagmulat.
"Anong oras na?" Tanong nya sakin.
"Mag aala siete na." Sabi ko at ayos ng tayo sabay lakad papunta kama ko para kunin ung mga gamit ko. "Maligo ka na, may pagkain na sa baba." Habol ko ng masuot ko na ung bag ko.
"S-sige. Salamat." Sabi nya at nagtaka naman ako kasi nauutal sya. Pero hinayaan ko na lang at lumabas ng kwarto. Pagbaba ko nakita ko sila Mama na kumakain na din.
"Good morning." Bati ko sa kanila at umupo na din ska kumuha ng pagkain. Bumati na lang din sila at nagpatuloy na kumain.
Pagkatapos kong kumain, umalis na din ako agad at pumasok ng school.
Halos ganun ang maging cycle ko sa loob ng isang bwan, naiiba lang pag minsan niyaya ako ni Keith na lumabas pag day off ko at after ng class ko, pag after naman ng duty ko lagi lang syang nandun at inaantay akong matapos, minsan nga dun na sya nag aantay sa loob ng cafe, iinum ng kape tapos pagtapos na ung duty ko dun lang din sya tatayo at sasabay sakin maglakad pa labas. Kaya naman ung mga katrabaho ko lagi na din akong inaasar.
Si Bren naman, nakipag ayos sakin at sabing sana maging magkaibigan pa din kami. Kalimutan na lang daw namin ung nangyari. Since isa talaga sya sa close ko dito sa trabaho. Kinalimutan ko na lang un.
"Grabe! Wala atang tatalo kay Ferrer sa pagiging Top 1 ng Department natin pero impernes pasok ka sa mga nasa top 7 ah." Sabi ni Bea.
Andito kasi kami ngayon sa tapat ng bulletin board ng department namin at ngayon kasi ang labas ng ranking sa Department namin. At tama! Nasa Top pa din si Ferrer. Sya lang mag isa at parang walang makakahabol sa GPA nya. Pero pasok ako sa mga nasa top 7. Anim kaming nasa top 7. Etong ranking na to pang 2nd year Marketing Student lang. Iba pa ung sa 1st, 3rd at 4th year.
"Oo nga e. Pero atleast kasama tayo sa mga nasa Top. Hindi sayang ang scholarship." Sabi ko at natawa. Nakarinig naman kami ng mga sigawan at asaran kaya panigurado andito na ang block D. Sila lang naman ung ganyan. Kaya naman gumilid kami at tinignan sila.
"Hoy! Block D. Tumigil nga kayo. Titingin lang tayo pero ang iingay nyo." Saway sa kanila ni Ferrer kaya naman tumahimik na sila at naglakad na lang papalapit.
"Hindi na nga ih." Sabi naman nung isang lalaki na nasa tabi nya.
Nung nasa tapat na sila ng bulletin board biglang nagkanya kanya sila ng labas ng itlog at nagulat kami ng bigla nilang binasagan ng itlog si Ferrer at magkanya kanya ng takbo kaya ung ibang estudyante kasama kami ay nakitakbo.
Pagkatapos naming panuorin ung kulitan ng block D. Umakyat na din kami ng classroom namin dahil magtatime na. Naupo kami at inantay ung prof namin.
After ng klase tumuloy na ko sa cafe para sa duty ko. Nagtime in at nagpalit na ko pagkadating ko ng cafe dahil madaming tao dahil malapit ng magvalentines. Maraming nagdedate at marami din nagbebreak. Charot!
"Hoy! May nakita ako kanina! Nagbreak. Iniwan ni girl si boy. Grabe kamu! May dala pa namang mga flowers ung lalaki." Kwento ni Thesa ng makalabas ako.
Umiling na lang ako kasi hindi na bago un. May mga scenario talaga na ganun dito.
"Paserve nga mga magaganda. VIP Room 4." Sabi ni Bren habang inilalabas ung mga order. Napaayos naman kami nila Thesa ng tayo dahil madami at VIP ibig sabihin may kumuha ng big room sa likod. Wow!
Sabay sabay kaming nagsipunta dun sa big room dala ung mga order nila. Ako ang kumatok since magaan ung buhat ko. Ako na din ang nagtulak ng pinto.
Langhap na langhap ko agad ung amoy at aroma ng kape samahan mo pa ng mga pang mayayamang pabango. Grabe! Iba talaga pag mayaman.
Mukha silang may date na pinagsabay sabay na lang para isahang celebration na lang. Ganun.
Isa isa namin nilapag sa lamesa. Busy akong naglalagay ng pagkain ng may magsalita sa gilid ko.
"Seryoso mo naman masyado, Cami." Sabi ng kung sino kaya nilingon ko. Pagtingin ko si Sir Henry.
"Sir! Kayo po pala yan." Sabi ko at hindi ko maiwasang iikot ung mata ko. Kung andito si Sir Henry. Paniguradong andito din si Keith. Kaya ginawa ko un pero nakita kong nakataas ung mga kilay nung mga babae. Ay! Estudyante lang po ako nito.
"Yep. Akala ko napansin mo na ko. Anyway! Congrats sa ranking mo. Nakita ko sa bulletin board kanina." Sabi nya at ngumiti kaya napangiti ako dahil naalala ko na naman ung ginawa nila kay Ferrer.
"Salamat po Sir. Pero congrats din po kay Ferrer, Top 1 pa din po sya. Kawawa nga po dahil nabasagan ng itlog kanina." Natatawang sabi ko. Natawa na din sya at umiling. Pero nakita ko na paramg may lalaking tumingin sa gawi namin at parang naalerto.
"Yeah. I heard that! Napagtripan na naman ng mga classmate nya. Actually nakibasag din ako. Paparating ko na may nagcongrats sa kanya. Thank you." Sabi lang ni Sir. After nun nagpaalam na ko dahil hindi ko naman nakita si Keith dun at iniwan na din pala ako ng mga kasama ko.
Habang naglalakad ako pabalik sa counter may boses akong narinig na alam kong kilala ko un kaya nagdali dali akong bumalik sa counter at hinanap ung boses. Pero wala na! Tsk! Kilala ko ung boses na un! Kay Lloyd yun at hindi kay Ate ung boses ng kasama nyang babae.
Hayop! Niloloko pa ata ung Ate ko! Nag antay ako na baka bumalik pero wala talaga. Hindi nya pwedeng lokohin ung ate ko. Pagkatapos nyang pagsawaan! Hay naku!
Natapos ang duty ko at bahagya pa kong magulat dahil nasa labas ung kotse ni Keith. Andun ba sya sa loob. Naglalakad akong nakatingin dun halos mapatalon naman ako ng biglang bumusina un.
"Bwisit ka!" Sigaw ko sa kanya ng magbaba sya ng bintana. Tawa lang naman sya ng tawa dahil sa reaksyon ko.
"Sakay na, Camille." Sabi nya habang natawa. Kaya pinanlakihan ko lang sya ng mata tapos sumakay na sa kotse nya at inayos ung seatbelt ko.
"Sorry. Hindi na ko lumabas baka makita ako. Hindi pa naman ako nagpunta dun sa inarrange na date." Sabi nya habang nasa byahe kami.
"Oo nga! Andun sila Henry. Hinanap nga kita. I mean hinanap ka ng mata ko." Pagkaklaro ko sa sinabi ko.
"Okay. Nagset kasi ung so called girlfriend ng isa kong kaibigan ng date daw na magkakasabay kami. At first ayaw nung kaibigan ko... Hindi naman na nya mahal ung babae. Gusto nyang umiwas pero wala syang nagawa bandang huli. Kaya pumayag na sya. Sabi ko may lakad ako kaya hindi ako makakapunta. Pero totoo ayoko sumali sa kanila. Idedate na lang kita kesa sumali dun." Mahabang kwento nya.
Chismosa to si Keith.
"Chinika mo talaga sakin yan? Atska dapat nagpunta ka. Ang gaganda kaya ng mga andun." Sabi ko at tumingin sa labas. Subukan natin.
"Aanhin ko ung ganda nila kung hindi naman sila ang gusto ko at gusto kong makasama sa araw araw." Sabi nya habang busy sa pagmamaneho.
"Eh sino pala ang gusto makasama?" Tanong ko kunwari hindi ko alam. Maharot!
"Ewan ko. Siguro ung nakasakay sa kotse ko ngayon pero pwede din naman akong bumalik dun sa cafe kung saan ko sya sinundo tas hahanap na lang ako dun mukha naman kasing ayaw nya." Sagot nya at natunugan kong nang aasar sya.
"Ah! Edi bumalik ka na lang dun!" Naasar na sabi ko. Kaya natawa sya ng todo.
"Why would I? Andito ka na. Binibiro lang naman kita." Sabi nya at kinuha ung kamay ko.
Tinignan ko lang ung magkahawak naming kamay at parang may kung ano sa tyan ko na nagwawala. Ung puso ko naman mabilis ung tibok... Parang may hinahabol. Kinikilig ako, kaya tumingin lang ako sa labas na nakangiti at hinayaan syang hawakan ung kamay ko.
Pansamantalang nawala sa isip ko ung narinig kong boses ni Lloyd. Pero bumalik un ng makita ko si Ate na nag aantay sa labas ng bahay. Nagpark si Keith sa tapat ng bahay namin at sabay kaming bumaba. Ganun naman sya lagi, babati sa bahay tapos aalis din.
"Ate. Mahamog na ah. Bakit andyan ka pa sa labas?" Tanong ko sa kanya. Naramdaman ko naman na nasa likod ko si Keith dahil may humawak sa likod ko.
"Wala. Inaantay ko lang si Lloyd pupunta daw sya." Sabi nya pero alam kong nag sisinungaling lang sya. "Hi Keith." Bati nya dito sa kasama ko.
"Hi Caith." Bati ni Keith at ngayon ko lang narealize! Magkatunog ung pangalan nila! Nakakatawa. "Magkatunog pala ung pangalan natin." Biglang sabi ni Keith kaya napatawa ako. Kasi parehas kami ng naiisip.
"Ou. Magkatunog pangalan nyo. Tara na." Yaya ko sa kanya sa loob. Hinayaan na namin si Ate dun.
"Meant to be pala talaga tayo. Kasi tignan mo katunog ng pangalan ko ung part ng family mo, so magiging part na din ako ng family." Proud na sabi nya, napatingin naman ako sa kanya ng nakangiwi.
"Ewan ko sayo." Sagot ko lnag sa kanya. Natawa lang sya.
Bumati lang sya kila Papa at Mama pati na sa mga kapatid ko tapos umuwi na din dahil may meeting daw sila bukas ng boss nya.
Ako naman pumasok na ng kwarto at nagpalit na ng damit. Tapos inilabas ko ung mga gagawin ko para sa school. Dahil nga february na malapit na din ang exam at may mga research na kailangan pag tuunan ng pansin.
Matagal na ko sa ginagawa ko pero hindi ko pa din naramdaman na pumasok si Ate. Kaya napatingin ako sa mga gamit at higaan nya. Nakita ko na nakalapag ung mga linro nya at bukod dun parang may tinatapos sya.
Di na ko nakatiis kaya naman bumaba ako at tinignan ko sya sa labas. Andun pa din sya at umiiyak. Nag aalangan man akong lapitan sya pero nilapitan ko na.
"Ate. Pumasok na tayo." Sabi ko kaya napatingin sya sakin at magpunas ng luha.
"Gabi na. Bakit gising ka pa? Pumasok ka na dun. Inaantay ko si Lloyd." Sabi nya at nagiwas ng tingin. Huminga ako ng malalim para maiwasan sumigaw.
"Ou nga. Gabi na pero bakit andito ka pa sa labas. Matagal ng nakaalis si Keith, hindi pa din dumadating si Lloyd? Wag mo ng antayin ung hayop na un." Sabi ko at tinignan sya.
"Wag mong sabihan ng ganyan si Lloyd!" Pasigaw na sabi nya. "Hindi porket nagkarpon ka ng manliligaw na may kaya sa buhay. Sasabihan mo si Lloyd ng ganyan!" Inis na sabi nya.
"Bakit?! Totoo naman ah. Kung hindi sya hayop bakit nya ginawang galawin ka?! Bakit pinag aantay ka nya?! At kung hindi sya hayop! Bakit lagi lang umiiyak at nagsasabing hindi ka na nya mahal?!" Madiing sabi ko na ikinabigla nya. "Nagulat kang alam ko?! Nagpapanggap lang ako ate na hindi ko alam at hindi ko naririnig pero simula ng taon na to, walang gabi na hindi ka umiyak dahil sa kanya." Sabi ko at namalayan ko na lang na tumutulo na ung luha ko.
Nagulat ako ng humagulgul sya ng iyak.
"Cami... Ayaw na nya sakin... May mahal na daw syang iba. Nung una akala ko wala lang un at ako pa din ung mahal nya. Alam ko na namay dinedate syang iba pero hinayaan ko lang at nagpagamit pa din ako ng nagpagamit. Halos araw araw na nya kong ginagalaw pero pagkatapos namin, ihahatid nya lang ako sa kanto tapos aalis na dahil may gagawin daw sya. Isang beses sinundan ko sya at nakita kong may kasama syang babae at naghahalikan sila. Ang sakit!" Iyak nyang sabi kaya tinabihan ko sya at niyakap.
"Tama na. Wag mo na syang habulin, Ate. Hindi sya deserve ng isang katulad mo. Hindi dapat iniiyakan ang mga katulad ni Lloyd na hayop. Magpatuloy ka na lang sa pag aaral." Sabi ko sabay punas sa luha na meron ako.
"Cami... Ang sakit! Sobra... Ngayon sabi nya sakin pupuntahan nya daw ako pero wala sya. Naiingit ako sayo kasi parang ang swerte mo kay Keith..." Sabi nya kaya inilayo ko sya sakin ng unti.
"Ate. Hindi natin alam. Alam mo bang natatakot akong sumugal kay Keith. Mahal ko na ung tao pero hindi ko sigurado kung mahal na ba nya ko. Ayokong masaktan.." pagamin ko sa kanya. "Kaya ikaw! Wag mong intindihin si Lloyd, buuhin ko ung sarili mo ulit. Nawala naman na ung dapat ingatan pero ipagpatuloy mo pa din ang buhay." Dagdag ko pa.
Iyakan lang kami habang nag uusap. Bago umakyat sa taas ng kwarto namin. Pinagpahinga ko na lang sya at ako naman tinapos na ung ginagawa ko.
Paano nga kaya kung sagutin ko si Keith tapos mangyari samin to. Natatakot akong masaktan... Ayokong umiyak ng katulad ni Ate.
-----------------