Chapter 7

2390 Words
CAMILLE "Paserve!" Sigaw ni Thesa habang inilalabas ung mga order. "Kopya! Table?" Sigaw ko naman. Busy kami dito sa cafe ngayon dahil Valentine's Day at may papromo and cafe namin. Kaya dinagsa ng mga nag dedate na student at mga malalapit na malalaking establishments. Mabuti na lang din at wala akong klase ngayong araw. Kaya nakafulltime ako dito. "Table 3, Mille." Sabi nya kaya isenerve ko na tapos bumalik na naman ako at magserve ulit. Lumipas ang oras at medyo umuunti na lang ung tao. Kaya kahit paano nakapagpahinga kami parepareho. Tatlong araw matapos kaming mag usap ni Ate, nagtalo ulit kami dahil nakita ko na naman silang dalawa ni Lloyd. Naiinis ako kasi alam nyang ginagamit na lang pala sya. Pero eto sya at magpapagamit pa din. "Camille! Pacall!" Sabi ni Thesa ulit dahil ako ung malapit ako na ung magtawag. Pagtingin ko, napangiti ako dahil panigurado inaantay lang nito ung out ko. Maaga naman kasi ako mag aaout ngayon dahil opening ako. "I Large Cafe Americano for Mr. Assistant." Sigaw ko at hinanap ng mata ko kung asan sya. At natanaw na nga ng mata ko ung lalaking malapad ang ngiti at may hawak na isang red rose! Ang hayop talaga! Paano kung hindi ako ang nagtawag. "For you." Nakangiting sabi nya at inabot sakin ung rose. Hindi ko din napigilang hindi ngumiti dahil sa ginawa nya. At hindi rin nakalagpas sakin ang mga impit na tili ng mga nasa paligid at likod ko. "Sira ka! Paano kung hindi ako ang nagtawag?! Tss." Sabi ko sabay abot ng kape nya at tanggap nung flowers. Natawa pa sya bahagya. "At hindi naman mangyayari un, dahil ikaw ang nirequest kong magtawag ng order ko. ." Sabi nya at ngumiti sa counter kung asan si Cloe. "Ay naku! . Salamat dito." Sabi ko na lang inamoy pa ung rose. Ang bango! "Welcome. Paano? Antayin kita ah. Malapit na naman matapos diba?" Sabi nya at tumingin pa sa wrist watch nya. "Yep. Dun ka na ulit." Sabi ko kaya tumango na lang sya at pinisil ung kamay ko. Pag alis nya humarap na ko sa counter at kinagat ung ibabang labi ko. . Kinikilig ako! Ngayon lang talaga to! "Sana all! Ang gwapo ni Sir Keith!" Sabi ni Thesa na biglang humarap sakin. At mas kinikilig pa ata kesa sakin. "Kilig na kilig naman si Mille. " asar sakin Cloe. Ngumiti lang ako at hindi magreact. Itinabi ko muna ung flowers tapos nag serve na lang ulit. Nung matapos na ung duty ko. Nagpalit na ko at kinuha ung rose. Nakita ko pang andun pa din si Keith sa upuan nya kanina kaya nilapitan ko na. Nang makalapit ako, tinignan nya ko. "Hi there beautiful." Sabi nya ng nakangiti kaya natawa ako. Pero totoo, tinatago ko lang ung kilig ko sa tawa ko. "Baliw. Tara na." Yaya ko sa kaya naman tumayo na sya at nauna pang maglakad sakin. Palabas na kami ng maudlot ung pagbukas namin ng bumukas un at mukha ng taong kinaiinisan ko ang bumungad. Pati si Keith nagulat at napatingin sakin. Wala naman kasi syang alam. Nung napadako din ung tingin samin nung lalaki, nanlaki bigla ung mata nya! "Cami..." Mahinang tawag sakin ni Lloyd. Hayop talaga! Di ko sya pinansin at tumingin dun sa kasama nyang babae. Eto ung pinapalit nya kay Ate! Hindi sa biased ah pero mas maganda si Ate dito! Takte! "Let's go." Rinig kong sabi ni Keith sabay nilapit ako sa kanya. "Hold your tears. Baka masapak ko to." Bulong nya sakin sabay ngiti. "Pwede ba?" Bulong ko din. Kaya natawa sya. At hinalikan ako sa noo. "Maraming taong nakatingin. Saka na." Sabi nya at humarap na. "Excuse me. You are blocking our way." Nakangiting sabi nya kay Lloyd. Tumabi naman sila kaya iginaya na ko ni Keith palabas pero bago un hinarap nya si Lloyd. "Be thankful madaming tao. I will deal with you next time, Lloyd." Sabi nya at tuluyan na nga kaming umalis. Pagpasok namin sa kotse nya dun na ko nagdadaldal. Nakatingin lang naman sya sakin at nakangiti. "Ang pangit naman nung babae! Tapos ayun ung pinalit nya kay Ate! Ang kapal ng mukha! Argh! Tapos iiyakan ni Ate un! Hindi worth it!" Gigil na sabi ko. "Magkwento ka nga. Ano bang nangyayari?" Sabi nya at hinawakan ung pisngi ko, mali! More on pinunasan ung pisngi ko. Umiiyak na pala ako. "I told you, pag kailangan mo ng kausap pwede kang magkwento sakin." Dagdag nya pa at tinitigan ako sa mata kaya naman bigla nalang akong napayakap sa kanya. "Keith... Matagal ko ng tinatago to kila Mama at Papa..." Sabi ko tapos nagkwento sa kanya mula sa nalaman ko at dun sa iyak ni ate pati ung sagutan namin nung nakaraan lang pati ung takot ko na sagutin sya. Lahat sinabi ko, at eto ang unang beses na maglabas ako ng hinaing sa isang tao. At sa kanya talaga. Sa taong mahal ko talaga. Yakap nya pa din ako at iyak lang ako ng iyak. "Sshh... Tama na. Nag iinit ang ulo ko sa nagpapaiyak sayo. Pinapaiyak nila ung babaeng mahal ko." Sabi nya kaya biglang umurong ung luha ko. "Keith naman ih..." Sabi ko at nagmamaktol sa yakap nya. Bahagya naman syang lumayo pero seryoso ung itsura nya. "I'm serious. Nag iinit ang ulo ko. Stop crying, i might go inside of the cafe and punch that f*king assh*le." Gigil na sabi nya at nagulat pa ko kasi malutong na mura un. "Wag baka maban ka sa cafe pag ginawa mo un." Sabi ko at nagpunas ng luha. "I know." Sabi nya at tinulungan akong magpunas ng luha ko. Tinitignan ko lang sya. Mukha syang kalmado pero ramdam ko ung galit nya. "At seryoso din ako sa sinabi kong mahal kita." Sabi nya sabay tingin sa mga mata ko. "Keith..." Tawag ko lang sa kanya. "Okay lang sakin mag antay, Camille. Naiintindihan ko ung pinagdadaanan mo. Takot ka at nag aalala na baka matulad ka sa Ate mo at baka masaktan ka, kaya kaya kong mag antay sayo kasi mahal kita. Aantayin kong maging handa ka. Hindi kita mamadaliin. Pero sana pag may mga gantong nangyayari, sabihin mo sakin. Ayokong nakikitang nahihirapan ka. Wag mong sarilinin. Hm?" Sabi nya at sa tono nya parang nanghihingi ng assurance. "Sorry... Thank you... Wag kang magsasawa... Please..." Sabi ko at naluluha na naman. Napangiti naman sya at pinunasan ulit ung luha ko. "Hinding hindi. At wag kang mag mamakaawa sakin dahil hinding hindi ako magsasawa sayo. Kahit maging tayo pa. Araw araw kitang liligawan." Nakangiting sabi nya. Tapos nagkamot ng batok. "This day should be romantic pero dahil sa g*gong un. Nawala tuloy! Nakakainis." Sabi nya at parang frustrated na frustrated sya. Inikot ko ung mata ko sa kotse sya at nakita ko sa backseat na may bouquet of sun flower with roses. Ang ganda! Habang tinitignan ko ung kagandahan nun nagulat ako ng kunin nya. "For you, my cup of coffee." Sabi nya at ngumiti. Nagtataka naman ako dun sa tinawag nya sakin. "Cup of coffee?" Tanong ko habang tinatanggap ung flowers. "Yeah. Cup of coffee. I can't start a day with a coffee at ganun ka sakin. Hindi ako makakakilos ng maayos kung hindi kita makikita. Naging regular customer ako ng cafe nyo dahil sayo. . Mamaya na ko magkukwento. Maybe we can go somewhere else. Para mawala ung bad vibes." Sabi nya at inayos na ung seatbelt nya. Ako naman inayos ko lang ung seatbelt ko after nun nagdrive na sya. Tahimik kami buong byahe bago ko naisip sila Papa. Kaya napatingin ako sa kanya. "Tatawagan ko sila Papa. Sasabihin ko kasama kita." Sabi ko at inilagay sa likod ung flowers at umayos ng upo ulit bago ko kinapa ung phone ko. "No need. I already told Tito we have a date." Sabi nya at ngumiti. Ang bilis! "Kelan mo naman sinabi?" Curious na tanong ko. "Kahapon. Pagkahatid ko sayo. Nagpalit ka ng damit tas dun ako nagsabi." Sabi nya at parang nagyayabang. "Ang yabang! . Nahuli mo kiliti ni Papa ah! ." Natatawang sabi ko dahil talaga namang gusto sya ni Papa. "Gwapo lang talaga ako. ." Natatawang sabi nya. Ang yabang! Pero totoo naman. "We're here. Let's go!" Biglang sabi nya at dun ko lang narealize na nakahinto na kami. Bumaba ako ng kotse nya at tinignan ko kung asan kami. At wow! Nasa taas kami ng bundok. Hindi naman sobra basta kita namin ung mga city light at ang ganda talaga! "Like it? Ang ganda no? Parang ikaw." Sabi nya sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakikita kong nakangiti sya at nakatingin sakin. "Tara." Sabi nya at hinawakan ung kamay ko. At hinayaan ko lang ulit un. Naglakad kami ng unti malapit sa may ilaw at dun ko lang nakita na may dala syang.... basket? . Paghinto namin dun sa may gilid na tanaw pa din ung mga city light. Ibinaba nya ung basket at kumuha ng sapin. Tapos inilatag un. "Hindi naman halatang pinaghandaan mo ah. ." Biro ko sa kanya kasi mukha talagang pinaghandaan nya. May mga tao din na iba pero etong pinuwestuhan namin may nakalagay na reserve kaya pakiramdam ko pinareserve nya to. "Medyo lang. Nagpatulong ako sa mga kaibigan ko.." Natatawang sabi nya. "Upo ka na. May fireworks display dito mamaya. Kaya eto ung pinili kong pwesto. Kasi kitang kita ung city lights." Sabi pa nya kaya naupo na ko. Naglabas sya ng pagkain at chips para daw kung gusto kong kumain, kukuha na lang. May juice din syang dala. Ang sarap ng hangin nakakarelax at nakakagaan ng pakiramdam makita ung mga city lights na parang sumasayaw ang mga ilaw. Habang tahimik kaming dalawa bigla akong may naalala. "Keith. Sabi mo naging regular customer ka namin dahil sakin. Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nakarinig naman ako ng tawa galing sa kanya. "Akala ko hindi mo na itatanong. That was April last last year. Bumili lang talaga ako ng kape dyan sa inyo kasi yan ung gusto ni Mama at ng boss nyang si Mr. Monticlaro. Tapos habang nag oorder ako i saw you wearing a white polo shirt and apron. Tapos na sa part ka ng coffee... Madali mong naagaw ung atensyon ko kasi... . Ang cute mo.. once na may nagagawa ka na mali or tama... Pinapalobo mo ung pisngi mo and all of the sudden you become mushroom. . Ang cute mo lang talaga nun. Then nung turn ko ng mag order mas nakita kita at mas naging cute ka sa paningin ko." Sabi nya at ngumiti. Gusto kong maasar dahil sa sinabi nyang nagmumukha akong mushroom. Ganun kasi ako pag napufrustrate. "Tapos akala ko isang beses lang un. Pero nakita ko na lang yung sarili ko na napapadalas na dun. I even invite my friends na dun magkape. But wait! Masarap ang kape nyo kaya pala gusto dun ni Mama. Nagustuhan din nila dun kaya pati pag kakain ung mga babae nila dun nila dinadala. Hindi ka pa nun nagtatawag ng pangalan lagi ka lang nasa loob tapos after 3 months ata biglang hindi na kita nakikita. Dahil nga ata may pasok ka na. I got curious so magtanong ako tapos sabi nga nila may mga part timer sila na hapon na papasok. So dun ko nalaman na hapon ka lang then ayun kahit napunta ako sa umaga napunta pa din ako sa hapon kasama sila Papi Hens.. I mean sila Henry. Tapos ayun na... Hanggang nagkita tayo. Nung araw na unang beses mong tinawag ang pangalan ko sa cup. And the truth is... I got a crush on you the first time i saw you." Pag amin nya. Narinig ko na un pero bakit parang kinikilig pa rin ako... "Pero habang lumilipas ang panahon, i know to myself that it's not just a crush... Lumalalim eh. Habang tumatagal, nahuhulog ako sa ngiti mo at sa pag kacute mo. Sa pagiging hard working mo." Dagdag nya pa. "Pero hindi kita mamadaliin. Mahal kita at gusto kong maging girlfriend ka, kung papalarin gusto kong maging asawa ka. Pero! Uulitin ko, hindi kita mamadaliin sa mga nangyayari. Mag aantay ako hanggang mahal mo na din ako, ayokong dahil lang mahal kita kaya ka papayag na maging girlfriend kita. Gusto ko yung wala ka ng pag aalinlangan yung buo na ang desisyon mong maging akin. Kasi once na pumayag kang maging girlfriend kita. Wala ng atrasan. Unless sasabihin mong hindi mo na ko mahal at may mahal ka ng iba pero un ung isa sa iniiwasan ko. Kaya gusto ko wala kang pag aalinlangan at sigurado ka na." Seryoso nyang sabi at nakikita ko sa mga mata nya na seryoso talaga sya dahil ganto din sya kanina nung andun kami sa may cafe. Mahal ko naman sya pero may takot ako, ayokong mangyari sakin ung nangyayari kay Ate kaya tama sya. Wag muna sa ngayon. Mag aantay naman sya diba? "Mag aantay ka sakin hanggang maging handa ako? Hanggang wala na kong takot na nararamdaman?" Paninigurado ko. Ngumiti naman sya at hinawakan ung pisngi ko. "Aantayin kita. At tutulungan kitang matanggal yang takot sa puso mo. Mahal kita, Camille. Tarantado ako noon pero pag nagseryoso ako. Sigurado ako." Sabi nya at hinila ako papalapit sa kanya para mahalikan ung noo ko at mayakap. "Salamat, Keith." Sabi ko at pumikit. Ang sarap pala ng may nagmamahal sayo nuh... Sana nga makapag antay sya hanggang mawala tong takot ko. Magkayakap lang kami ng matagal hanggang sa nakarinig kami ng putok ng fireworks! Kaya naghiwalay kami agad pero si Keith, inilapit nya ko sa kanya at walang kahirap hirap na binuhat ako papunta sa harap nya kaya yumakap sya sa bewang ko at ipinatong ung baba nya sa balikat ko. "Let's stay like this while watching the fireworks." Bulong nya kaya hinayaan ko lang sya. Kasi gusto ko din naman. Ang ganda ng fireworks nakakatuwa. May mga puso. Bago matapos ang display, Keith, whisper in my ears, and my heart skipped for a second. Kanina ko pa naririnig pero iba pala talaga pag puno ng emotion at biglaan. "I love you." Sabi nya at naramdaman ko ung halik nya sa ulo ko. Kasabay ng pagtatapos ng display and pagpikit ko para damin ung ginawa nya at sobrang galak ng puso ko, na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD